embed embed2
  • May Favoritism Ka Ba? Paano Iparamdam Sa Mga Anak Mo Na Wala Kang Paborito Sa Kanila

    Ano nga bang dapat gawin para maramdaman ng mga anak mo na pantay-pantay ang tingin mo sa kanila?
    by Ana Gonzales .
May Favoritism Ka Ba? Paano Iparamdam Sa Mga Anak Mo Na Wala Kang Paborito Sa Kanila
PHOTO BY Shutterstock
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Isa sa mga malimit na hamon sa mga magulang na higit pa sa isa ang anak ay ang siguraduhing pantay-pantay nilang maipaparamdam sa mga ito ang kanilang pagmamahal.

    Minsan kasi, hindi maiwasang magmukhang may mas pinapaburan ka dahil mayroon kang mas madalas asikasuhin o mayroon kang mas malimit na kasama.

    Paano mo nga ba sisiguraduhing hindi iisipin at mararamdaman ng mga anak mo na may paborito ka?

    Paano iwasan ang favoritism

    Huwag silang ikumpara sa isa't-isa

    Dito magsisimulang mag-inggitan at magalit sa isa't-isa ang mga anak mo. Kailan man ay walang magandang narating ang pagkukumpara.

    Kaya naman sa kapatid man 'yan, sa pinsan, o sa mga kalarong bata, numero unong dapat mong iwasan ang ikumpara ang mga anak mo.

    Iwasang sabihin ang mga katagang tulad ng, "Hindi mo gayahin ang ate (o kuya) mo..."

    Wala itong magagawang maganda para sa relasyon ng mga anak mo sa isa't-isa.

    Palakihin silang maalaga sa isa't-isa

    At siguraduhin mong alam nila na walang pagkakaiba sa trato mo sa kanila. Kung may mas pangangailangan man ang isa sa mga anak mo, ipaliwanag mo na agad ito sa iba.

    Madalas kasi dito nagmumula ang selosan. Hindi maikakaila na sa mga magkakapatid, may pagkakataong may isang mas sakitin o mas nangangailangan ng tulong o atensyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Iba-iba rin ang pangangailangan ng mga bata kaya magiging iba-iba ang trato mo sa kanila.

    Isang magandang solusyon para maiwasan na maramdaman nilang mas paborito mo ang isa ay ang palakihin sila na may kagustuhang alagaan ang isa't-isa.

    Sa ganitong paraan, makikita nila kung bakit may isa sa kanila na mas naaasikaso o mas kailangang tutukan.

    Magkaroon ng isang standard na paraan ng pagdidisiplina

    Dapat ay pareho ang parusa (at reward) na makukuha ng mga anak mo kahit sino pa sa kanila ang may gawing karapat-dapat parusahan o bigyan ng papuri.

    Hindi pwedeng isang anak lang ang mabigat na napaparusahan kapag nagkakamali. Dapat ang parusa ay depende sa nagawang mali at hindi sa kung sino ang nagkamali.

    Ganoon din sa pagbibigay ng mga rewards. Dapat ay depende ito sa nagawang tama at hindi sa kung sino ang mas kapuri-puri.

    Sabihin sa kanila na pantay-pantay sila sa iyong paningin

    Hindi maiiwasang may paborito sina lolo at lola, tito at tita, at iba pang miyembro ng pamilya. Kaya naman sa iyo nakasalalay na ipaliwanag sa kanila na sa iyo, lahat sila ay pantay-pantay.

    Mahalaga na sabihin mo ito at marinig at maunawaan nila. Huwag kang umasa sa mga gestures niyo lang bilang mga magulang nila. Importanteng marinig nila galing mismo sa inyo na wala kayong pinapaburan at pantay-pantay ang pagmamahal mo sa kanila.

    Maging aware ka sa mga galaw mo

    Minsan hindi mo napapansin, mas nakakausap, nakakalaro, o naaasikaso mo na pala ang isa mong anak, habang hindi mo gaanong nabibigyang atensyon ang isa.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mangyayari ito kung hindi mo binibigyan pansin ang mga galaw mo. Tandaan na malaki ang impact ng mga ginagawa mo sa paglaki ng mga anak mo.

    Pakiramdam mo ba ay may paborito ka sa mga anak mo? Anong ginagawa mo para masigurong alam nila na pantay-pantay lang ang pagmamahal mo sa kanila?

    I-share mo na iyan sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles