-
Getting Pregnant 8 Vitamins You Can Take To Increase Your Chances Of Conceiving
-
Your Kid’s Health ‘He Was Just Sleeping’: Mom Recalls ‘Unexplained’ Death Of 18-Month-Old Toddler
-
Real Parenting Why Those Tantrums and Crying Are Worth It During Family Vacation
-
News Kaye Abad Pregnant With Baby No. 2, Nikka Garcia Reveals Gender Of Baby No. 4
-
#ShareKoLang Mahirap Mag-Explain Pero Paano Namin Kinausap Ang Anak Namin Tungkol Sa Sex
Ayon sa mga nanay at tatay, mas maganda kung magsisimula ka nang maaga.by Ana Gonzales .

PHOTO BY Shutterstock/winnievinzence
Marami ang lubos na naalarma nang lumabas sa 2019 data ng Commission on Population and Development (POPCOM) na may mga 14-year-olds o mas bata pa ang nanganak noong taong 2019. Ang masaklap, inaasahan pang tataas ang bilang na ito dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa katunayan, sa isang Social Weather Survey (SWS) anim sa sampung Pilipino ang naniniwalang teenage pregnancy ang pinakaimportanteng problema ng mga kababaihan ngayon.
Bilang magulang, ano nga bang magagawa mo para maiiwas ang anak mo sa maagang pagbubuntis o pagiging magulang?
Ayon sa mga nanay at tatay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, isang mabisang paraan ang maagang pakikipag-usap sa mga bata tungkol sa sex.
"Hindi lang ito patungkol sa pag-iwas sa teenage pregnancy. May kinalaman din ito sa pag-iwas sa mga online child predators na talamak din ngayon," sabi ng isang magulang.
Mahirap mag-explain sa mga bata, pero paano nga ba sila dapat kausapin tungkol sa sex? Narito ang payo ng mga magulang.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHow to talk to your children about sex
Magsimula nang maaga
Sa murang edad ay imulat mo na ang anak mo sa usapin ng sex para hindi ito maging taboo na topic sa inyong pamilya.
Ayon sa mga nanay at tatay, natural na magiging curious ang mga bata, lalo na ang mga teens, sa pakikipagtalik. Sa halip na makuha nila ang impormasyon sa mga kaedad nila o sa internet, mas magandang manggaling na ito sa iyo.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKwento ng mga magulang sa Village, nagsimulang magtanong ang mga anak nila sa edad na 6 o 8. Sa halip na i-sugarcoat ang mga bagay-bagay, diretso nilang sinasagot ang tanong ng mga anak nila.
Isabay ang usapin tungkol sa consent at body autonomy
Noon pa man ay sinasabi na namin ang kahalagahan ng pagtuturi ng consent sa mga bata. Sa pamamagitan kasi nito ay binibigyan mo na ng pagkakataon ang mga bata na bigyang proteksyon ang kanilang sarili.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMahalaga ring alam ng mga anak mo ang tamang pangalan ng kanilang mga ari, para alam nila na may hangganan at limitasyon ang paghawak sa kanila ng ibang tao.
Huwag lagyan ng malisya ang tanong
Sa kultura natin, hindi tahasang ipinapaliwanag sa mga bata kung ano ang sex at kung saan nanggagaling ang mga babies.
Payo ng mga magulang, magandang hindi lagyan ng kulay o malisya ang pagpapaliwanag ng sex sa mga bata.
Sa halip, mas magandang ituro sa kanila na ang private parts ng isang tao ay nirerespeto at ang pakikipagtalik ay ginagawa ng dalawang taong handa na sa magiging kalalabasan nito.
May mga magulang pa sa Village na nagsabing ipinapaliwanag nila sa anak nila kung paano nabubuo ang mga bata para alam ng mga bata ang consequences ng mga gagawin nila.
Gumamit ng mga halimbawa
Ang maganda sa panahon ngayon, may mga makakatuwang at magagamit kang mga libro na maaaring tumulong sa iyo para ipaliwanag ang body parts, consent, at sex sa mga bata.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNariyan ang mga children's book tulad ng Ako Ay May Kiki at marami pang iba.
May mga sex education books din na pwedeng gamitin na hindi lang tungkol sa paggawa ng babies ang sakop, kundi pati na rin mga usaping may kinalaman sa gender equality at body positivity.
Ang pagtatanong ng mga bata tungkol sa sex, crushes, at love ay normal na bahagi ng kanilang paglaki. Huwag matakot kausapin ang anak mo tungkol dito dahil mas malaki ang buting idudulot ng pagiging bukas sa kanila pagdating sa mga usaping ito.
Ang pagbibigay sa kanila ng tamang impormasyon tungkol sa sex at reproductive health ay makakatulong para makagawa sila ng tama at informed na desisyon pagdating ng panahon.
Paano ninyo kinakausap ang anak ninyo tungkol sa sex? I-share ang inyong technique sa comment section. Pwede rin kayong sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

View More Stories About
Trending in Summit Network