celebrity,growing kids,Arthur Solinap,Rochelle Pangilinan,Rochelle Pangilinan Gulat Sa Pagiging Independent Ng Anak,Arts & Entertainment, Celebrities & Entertainment News, Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, Rochelle Pangilinan daughter, independent kids, growing kids,Namamangha si Rochelle Pangilinan sa mabilis na paglaki at pag-mature ni Shiloh, ang unica hija nila ng asawang si Arthur Solinap na 4 years old na.
ParentingReal Parenting

'Teka Lang!' Gulat Si Rochelle Pangilinan Sa Pagiging Independent Ng Kanyang 4-Year-Old

Sabi pa ni Rochelle sa unica hija nila ng asawang si Arthur Solinap: "May sarili ka na desisyon."
PHOTO BYInstagram/rochellepangilinan

Hindi napigilan ni Rochelle Pangilinan na ihayag ang damdamin bilang magulang sa anak na mabilis ang paglaki at paghingi ng independence. Si Rochelle at kanyang asawang si Arthur Solinap ay may isang anak: si Shiloh Jayne.

"For my unica hija, 4 yrs old ka na!" sabi ng dancer-actress sa isang Instagram post nitong February 24, 2023 kalakip ang litrato ng anak. (Basahin dito ang 4-year-old developmental milestones.)

Pagtatapat ni Rochelle, "Napakahirap namang isipin na isang araw hindi na kita mayayakap habang buhat ka, titigan habang natutulog ka kasi may sarili ka nang kwarto, kasama sa loob ng cr para paliguan ka, sabay tayo matulog sa gabi at hapon, 'yung lagi mo kong hinahanap bago matulog, kasi natutulog ka sa ibabaw ko kahit hirap akong huminga."

Dugtong niya, "Kapag galing akong trabaho sinasalubong mo ko ng 'Mommy! You are home!' na parang ilang taon tayong hindi nagkita kahit isang araw lang naman. Kahit anong pagod ko nawawala. 'Yung sayaw at kanta mo na kahit anong oras ko sabihin gagawin mo…"

Tingnan ang post na ito sa Instagram

Isang post na ibinahagi ni Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

watch now

Dagdag pang pagbati ni Rochelle kay Shiloh, "4th birthday mo na! Pwede ko sabihin sa mundo na 'teka lang!' Ngayon, nagde-decide ka na kung anong kulay ang gusto mo isuot, anong style, hindi na ako."

Tuluyang nagbuhos ng sentimyento ang nanay ng lumalaking anak: "May mga oras o araw na hindi ka na sumusunod sa amin ni Daddy mo. May sarili ka na desisyon.. wooooh!

"Sabi nila…Ganun daw talaga. Lumalaki ka na.. kaming mag-asawa ang naiwan sa 'baby ka pa.' Pero para sa amin habang buhay ay baby ka pa din. Mahal na mahal ka namin anak."

Sa huli ay nag-iwan si Rochelle ng paalala kay Shiloh: "Lagi mo kaming i-kiss ha. Kahit tumanda ka na. Sana mabasa mo to pagtanda mo. Happy birthday anak."

Tingnan ang post na ito sa Instagram

Isang post na ibinahagi ni Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Basahin dito ang ilang tips sa pagbigay ng independence sa anak.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close