Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala nito.
I feel like I’ve lost myself since becoming a mom. I feel bad about myself since nag-gain din ako ng weight after manganak. Bumaba iyung self-confidence ko, iyung tipong ayaw ko na makipag-kita sa mga old friends ko kasi baka mapansin lang nila ang weight gain ko and kung ano pang nagbago sa akin physically.
To give you a short background of me noong dalaga pa ako, I’m confident to wear any clothes since medyo slim naman ako before and I’m an outgoing type of person. I like to hang out with friends, party dito, gala diyan, in short, always on the go.
And now I’m married, totoo pala iyung sinasabi ng iba na lalagay ka sa tahimik kapag nagka-family ka na since nag-iiba na ang priority natin sa buhay. Don’t get me wrong, I’m happy and thankful na dumating sila sa buhay ko. It’s just that sometimes, I don’t feel good about myself. Parang tinatamad na ako mag-ayos o makipag-socialize sa old friends ko, or siguro kasi puro single pa sila. Parang I feel lonely na gusto ko magkaroon ng new set of friends na mommies so may something in common. Iyung hindi ako i-ju-judge please.
I also want to find another hobby na pwede ako makakilala ng new friends and mag-e-enjoy ulie ako. And gusto ko na din mag-lose ng weight, hindi ko lang masimulan or kulang ako sa motivation.
“Ganyan rin ako before.”
Ang pakiramdam ng mga bagong ina na tila “pagkawala” ng kanilang sarili ay malimit nang maranasan talaga ng mga ina. Ito ay maaaring dulot ng malaking pagbabago sa kanilang buhay mula nang sila ay magka-anak–mula sa araw-araw na pagttrabaho at paglabas ng bahay sa pananatili sa bahay upang alagaan ang anak. Kasama na din dito ang kawalan ng oras gawin ang kanyang mga paboritong gawin o hobbies na dulot na din ng pagiging ina.
Marami ang naka-relate sa nararamdaman ni mommy ayon sa comments section. Paglalahad ng iba:
“We all go through that phase, mommy. Look for a motivation to finally get going and get fit. Look good, feel good, ika nga. Start short workout routines until you can go a full hour. And yes, find a new hobby or interest. I found painting at the age of 35. I also love dancing and running. You need to help yourself, mommy, kayang kaya mo iyan. Women are born resilient, we go through phases and we adjust. Soon you will feel good about yourself again. We are rooting for you!”
“Hugs, mommy. [I] felt the same [the] first few months as a new mom. Pero iyung mga friends ko, sila iyung nag-eeffort to see me. Sila iyung nagsasabi ng ‘tara, para ma-relax ka naman.’ And thankful ako doon kasi totoo pala talaga na you lose part of yourself once you become a mom. Recently lang ako ulit naglalalabas. If your friends are encouraging you to go out, kahit single pa sila, they will not judge you. Pero if you want a new friend kahit wala tayong common hilig, ay pm mo lang ako.”
“I [have felt] that po for almost five years now, as in, at kahit mga gusto kong gawin noon, hindi ko na feel gawin ngayon dahil feeling ko palaging kulang ang time dahil need mag-focus kay baby. Feel it, at huwag isantabi ang feelings na iyan, damhin niyo at maghanap o makipag-usap sa mga tao na willing makining sa mga sasabihin niyo, sa mga nararamdaman niyo. Kahit hindi sila magsalita o magpayo, basta makikinig sila, OK na iyun. Malaking bagay na iyung may nakakausap kayo at nalalabas niyo. Phase lang naman iyan, pero need talagang yakapin at damhin at tanggapin lahat. Minsan nararamdaman ko pa rin lalo na gusto ko na mag-work, pero hindi talaga kakayanin, kasi hindi kaya ng puso ko na iwan ang mga anak ko.”
Self-care para sa mga ina
Ang mga pakiramdam ng kawalang gana, o hindi mabuti ukol sa sarili ang dahilan kung bakit importante para sa mga ina ang self-care. Malaki ang maitutulong ng self-care sa mental health. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng prayoridad sa kanyang mga sariling pangangailangan, maaaring maka-iwas ang mga ina sa stress at burn out o kapaguran sa mga ginagawa.
Iba-iba ang self-care na maaaring gawin ng mga ina, naka-depende ito sa kung ano ang hilig at kailangan ng isang tao. Ma-inspire sa mga self-care routines ng ibang nanay dito:
- How Anne Curtis Values Self-Care And Why Every Mom Should, Too
- ABCs of Mom Self-Care: Pick a Letter and See What You Get
- Moms Share Fave Self-Care Tips: 'Having Hot Coffee Without Someone Yelling 'Mom!'"
- Carol Banawa Shares Self-Care Tips That Help Her Overcome Feeling 'Unhappy'
- Need a Break? Here Are Easy Self-Care Rituals You Can Do at Home
At para makatulong maghanap ng sariling mom-tribe:
“Kailangan mong simulan”
Ito naman ang payo ng isang ina sa comments section, na kailangan natin simulan at hanapin kung ano ang makakapagpasaya sa atin sa ating motherhood journey:
“Ganyan rin ako before, and I started looking for a hobby. Crochet [ang nakakuha] ng interest ko kasi sa bahay lang ako and YouTube ang ginawa kong guide.
“Magkakaiba kasi talaga tayo, pero baka lang makatulong rin [sa iyo] gaya ng nakatulong [sa akin]. Kinuha talaga ng crochet ang atensiyon ko to the point na nalimutan ko iyung mga insecurities ko. Hanggang sa naging business ko na ang crochet. Unti-unti may nakikilala akong mga bagong tao na nagiging interesado sa mga gawa ko. Na hanggang nagiging kaibigan ko na rin.
“But my whole point talaga here is, you have to start. Hindi pwedeng iisipin mo lang ng iisipin iyung gusto mong gawin. Dapat simulan mo, gumawa ka ng sariling motibasyon para masimulan mo. Sa totoo lang, sa realidad, walang ibang mag-mo-motivate [sa iyo] kung hindi ikaw mismo.”
Edited for spelling, punctuation, grammar, and formatting.
Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.