embed embed2
  • Define Stress-Free Life. Isa Sa Mga Sagot Ng Moms, 'Bumukod Ka'

    Bukod pa riyan, kailangan mo rin ng sapat na oras para sa iyong sarili.
    by Ana Gonzales .
Define Stress-Free Life. Isa Sa Mga Sagot Ng Moms, 'Bumukod Ka'
PHOTO BY iStock
  • Masarap maging ina. Sinong mag-aakalang magmamahal ka ng isang tao ng higit pa sa iyong sarili. Bagaman fulfilling ang pagiging nanay, hindi maikakailang mahirap at stressful ito. Madalas marami kang iniisip at marami kang iniintindi.

    Sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, madalas naming nakikitang nagtutulungan ang mga nanay para mas maging magaan ang kanilang mga buhay. Ano nga bang ibig sabihin ng stress-free sa isang nanay?

    Bumukod kayo

    Madalas ay isang malaking palaisipan sa mga magulang kung bubukod nga ba sila o hindi. Payo ng karamihang mga nanay sa Village, mas mainam bumukod. Hindi ito dahil sa pagmamalaki, pagdadamot, o pagyayabang kundi pagsisimula nang kayong mag-asawa ang magkasama.

    Kwento ng isang nanay sa Village, mas napapagod daw siya noong nakikitira pa silang mag-anak sa pamilya niya. Una, dahil nakikisama siya at pangalawa, dahil nakakastress ang mga kasama niya sa bahay. 

    What other parents are reading

    Kapag nakikitira lang kasi kayo, hindi ninyo maaalis na pakialaman ng mga kasama ninyo sa bahay ang mga choices ninyo para sa inyong pamilya. Pero kapag nakabukod kayo, ano mang desisyon ninyo ay sa inyo lang mag-asawa. Wala kayong dapat pakisamahan at hindi ninyo kailangang manimbang. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Huwag ma-guilty sa ‘me-time’

    Walang taong hindi napapagod kaya hindi ka dapat ma-guilty kung nagpapahinga ka o humihingi ng tulong. Ayon sa mga nanay sa Village, hindi naman kailangang bongga o mahal ang me-time nating mga nanay at tatay. 

    Para sa iba, ang simpleng pagkakape o pagkain nang walang nanggugulo ay sapat nang me-time sa kanila. Mayroong lumalabas kasama ang mga kaibigan, mayroong nag-shoshopping, mayroong naliligo ng matagal, at mayroong nag-iindulge sa paminsan-minsang movie marathon.

    Sabi nga ni mommy Jhen Bechayda-Ricafuente mula sa Village, paminsan-minsan ay dumadaan siya sa Watsons para bumili ng mga pampaganda. "Syempre, para kapag lumalabas, hindi ka masabihang losyang," kwento niya.

    What other parents are reading

    Hindi ibig sabihin na mahina kang nanay kung nagpapahinga ka. Hindi ka masamang ina kung paminsan-minsan ay uunahin mo rin ang sarili mo. Tandaan mo na hindi ka magiging mabuting ina kung wala ka sa tamang pag-iisip o hindi naman kaya ay kung hindi ka masaya sa iyong sarili. Ang simpleng pagkakaroon ng skincare routine ay isa nang uri ng me-time. Huwag mo itong ipagkait sa sarili mo dahil deserve mo ito, mommy.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Piliin ang mga comments na papakinggan

    Marami kang maririnig na comments tungkol sa iyong mga choices basta naging ina ka na. Halo-halo ito, mula sa mga nakakatulong hanggang sa mga may masabi lang. Mahirap na hindi sila pansinin kaya mas makakabuting piliin mo kung alin ang susundin mo at kung saan ka lang magrereact at makikinig.

    What other parents are reading

    Payo ni Chesca Garcia-Kramer, mas magandang makinig ka sa sinasabi ng mga taong totoong concerned sa inyo ng anak mo. Huwag magpadala sa pressure mula sa iba dahil hindi mo naman kailangang sundin ang lahat ng sinasabi nila. Kung ikaw iyong tipo ng taong hindi marunong sumagot sa mga negative comments, maaari mong i-click ang link na ito para sa ilang helpful tips.

    Ilan lamang ito sa mga bagay na maaaring makatulong para mas maging stress-free ang iyong buhay bilang nanay. Bukod pa rito, anu-ano pang ginagawa mo para mas maging madali ang iyong buhay? Ibahagi mo na sa comments section.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close