embed embed2
  • Yayo Aguila, Sobra Ang Pasasalamat Sa Mga Pamaskong Regalo Ng Mga Anak

    Ang movie-TV actress at ang kanyang ex-husband na si William Martinez ay may four grown-up kids.
    by Jocelyn Valle .
  • Para kay Yayo Aguila, hindi nagbabago ang diwa ng Pasko kahit malalaki na ang kanyang mga anak. Siya at ang kanyang ex-husband na si William Martinez ay may three daughters at one son. Sina Patrizha, Dannielle, at Dana ay working professionals habang college student naman si Adam.

    Ito ay ang pagsama-sama ng pamilya, kuwento ni Yayo sa SmartParenting.com.ph sa ginanap kamakailan na premiere night ng Miracle in Cell No. 7, kung saan bahagi siya ng cast. Aniya, dala-dala nilang mag-iina ang kaugalian na magsalo ng Noche Buena, at kinabukasan, Araw ng Pasko, ay papasyal sa mga kamag-anak alin man sa maternal o paternal side.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    May ilan lamang na pagbabago nitong mga nakaraang taon. Una ay bunsod ng paglipat ng tirahan ng panganay na si Patrizha sa Cavite tatlong taon na ang nakakaraan. Simula noon ay pumupunta si Yayo at iba pang mga anak sa Cavite kapag December 24 para buo sila ng Christmas Eve.

    What other parents are reading

    Pangalawa ay nais nilang makapiling pa ang 96-year-old na lola ni Yayo. Kaya sa Christmas Day, doon sila sa kanyang angkan nagtutungo. Malaking selebrasyon daw ito dahil big family sila at talagang pinaghahandaan nilang lahat ito para sa kaligayahan ng kanyang lola, na nagsusuot pa ng Santa Claus outfit.

    Ang kaibahan lang sa pagkakaroon ng grown-up kids ay ang bigayan ng regalo, ayon pa kay Yayo, na youthful-looking sa edad na 52. Mas praktikal na daw sila ngayon. Katunayan, dalawang araw bago ang movie premiere night, kung saan namin siya nakausap, ay nagbigayan na sila ng kani-kanilang regalo. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sinabihan daw siya ng “Ma, para magamit mo na” at para na rin “wala na kaming masyadong bitbit pag punta namin sa eldest sa Cavite.”

    Dagdag pa niya tungkol sa regalo ng mga anak, “Ang sarap ng feeling kasi they’re giving back to you. Nakakatuwa, as in binibigyan ka nila ng importance. Talaga they spend. Sabi ko nga, ‘You don’t have to spend much for me.’ Pero talagang pinag-e-effort-an nila. Bibigay nila ’yong alam nilang gusto mo without even asking.”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles