screen time,screen time rules,screen time guidelines,excessive screen time,con-00391,sc24,lch-00391,Screen Time For Kids | Smart Parenting,Family/Children,People & Society,Genres,Narito ang sabi ng mga eksperto ukol sa screen time para sa mga bata.
Parenting

Screen Time Para Sa Mga Bata: Gaano Nga Ba Katagal Dapat?

Pwede na ba mag-screen time ang batang wala pang 18 buwan? Heto ang sabi ng mga eksperto
PHOTO BYCANVA

Naririnig na natin sa mga eksperto ang kanilang mga paalala para sa screen time ng mga bata dahil sa nagiging epekto nito kung labis ang oras na inilalaan. Karaniwan na nilang ipinapayo ang pag-iwas sa screen time ng mga batang wala pang 2 taong gulang. Gayundin, inirerekomenda nila ang 1-2 oras na screen time lamang para sa mga bata.

Sa isinagawang pag-aaral na PH 2018 DQ, lumalabas na gumugugol ng 34 na oras kada linggo ang karaniwang batang Pilipino sa harap ng digital screen para sa libangan lamang, dalawang oras na mas mataas kaysa sa pandaigdigang antas. Humigit-kumulang sa 53% ng mga estudyante ang nag-aakses ng
internet sa pamamagitan ng kanilang personal na mobile phone at 41% naman gamit ang kanilang mga family computer. Kabilang sa pangunahing ginawa nila ang panonood ng video, paggamit ng search engine, paglalaro, pakikinig ng musika, at paggawa ng mga profile sa social media.

Sa isang bagong pag-aaral din na nailathala sa JAMA Pediatrics, tungkol sa labis na screen time ng mga batang nasa murang edad, mas nakapagpapababa ng kakayahang kognitibo nila sa kanilang pagtanda ang maaga at labis na screen time. Ipinapakita ng pag-aaral na bumababa ang atensyon ng mga batang matagal na nahaharap sa screen nang halos dalawang oras kada araw sa edad na 9.

Patnubay para sa screen time ng mga bata

Hinihikayat ang mga magulang na turuan ang kanilang mga anak na magdebelop ng tama at angkop na gawi o habits ng paggamit ng gadget sa murang edad pa lamang nila. Sa uri ng henerasyon ngayon, maaaring maging mahirap sa simula ang pamamahala sa screen time ng mga bata. Gayunman, makatutulong ang pagkakaroon nang maayos na pag-uusap at pagtatakda ng mga hangganan sa kanila.

Sinusundan ng Philippine Pediatric Society, Inc. ang itinakdang alituntunin din ng American Academy Pediatrics sa screen time ng mga bata.

Edad ng bata at screen time:

wala pang 18 buwan

Walang screen time o para lamang sa pakikipag-usap sa magulang gaya ng video chatting kung wala sila o malayo

18 hanggang 24 buwan

Limitado lamang sa panonood ng mga educational program; hindi hihigit nang 1 oras kada araw kasama ang magulang o nakatatanda

2 hanggang 5 taon

Limitado sa mga non-educational program nang 1 oras kada araw

watch now

6 na taon pataas

Hindi hihigit nang 2 oras kada araw maliban kung may assignment; hikiyatin sila na maglaro o magsagawa ng mga pisikal na gawain para malimitahan ang mga screen time

Maaari ding sa edad na 5 hanggang 8 taon, higit na ma-monitor ng magulang ang paggamit ng media ng mga anak para matiyak na hindi ito makaapekto sa kanilang gawain gaya ng pagtulog. Mahalagang matiyak din na ligtas at makabubuti sa mga anak ang kanilang pinapanood.

Para naman sa edad 9 pataas, na pumapasok na sila sa pagbibinata at pagdadalaga, mahalaga ang pakikipag-usap sa kanila tungkol sa paggamit ng media. Alamin mula sa mga anak kung ano ang kanilang mga pinapanood at mapaalalahanan sila sa mga dapat at hindi dapat.

Bukod pa sa nabanggit na patnubay, maaaring sundin din ang mga sumusunod na alituntunin:

  • Hindi paggamit ng gadget habang kumakain sa bahay man o sa labas.
  • Alamin ang paggamit ng mga parental control sa gadget.
  • Iwasang gamitin ang gadget para sa pagpapakalma ng bata o pagpapahinto sa pagwawala nito.
  • Kunin sa kanila ang gadget 30-60 minuto bago sila matulog.

Karagdagang Patnubay sa Screen Time

Maituturing na positibong paraan ng pagsisimula ng pamamahala ng screen time sa mga bata ang pagpapanatiling balanse, pagtatakda ng mga inaasahan, at ang pampamilyang tuntunin sa paggamit ng media. Hindi rin magkakapareho ang paggamit ng media dahildependenga ito sa edad. Maaaring isaalangalang din ng magulang ang karagdagang patnubay:

Para sa mga bata:

  • Pag-install ng parental control para matiyak na angkop ang mga inaakses ng mga anak
  • Paggamit ng mga akma lamang sa edad ng mga anak na mga sites na mas matuto sila at hindi para sa paglalaro
  • I-bookmark ang mga paboritong sites na maaaring ipakilala sa iyong mga anak para ito ang mapuntahan din nila
  • Makipag-usap sa mga anak at ipaliwanag ang mga bagay na dapat nilang i-naviate at makita o mapanood
  • Maglagay ng limitasyon sa pagtuturo sa mga anak ng pagkakaroon ng balanseng paggamit ng gadget sa murang edad pa lamang nila
  • Iwasan na gumamit pa sila ng gadget ang mga anak bago sila matulog

Para sa mga kabataan:

  • Pinakamahalaga ang pagmomodelo sa mga anak sa dapat nilang pag-uugali sa paggamit ng teknolohiya o gadget. Kung ano ang pamantayan sa pamilya, iyon din ang kanilang susundin.
  • Ang pagtatakda ng mabuting alituntunin sa paggamit ng gadget sa pamilya sa murang edad pa lamang ay malaking tulong sa kanilang paglaki.

Ang Screen Time at Social Media

Sa kasalukuyang pag-aaral ng Electronic Hub, ipinapakita na pinakamataas ang antas ng mga Filipino sa screen time gamit ang smartphone at patuloy na maatas din ang antas sa oras ng paggamit ng computer, social media, at paglalaro.

Ang screen time ay ang oras na inilalaan sa screen gamit ang smart phone, tablet, computer, telebisyon, at video game para sa layunin ng paglilibang at matuto rin. Ang paggamit ng social media ay bahagi ng screen time ng mga bata. Ito naman ay tumutukoy sa mga gawain, gawi, at kaasalan ng mga indibidwal sa mga social media platform.

Bukod sa libangan, mas nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan sa iba, pagbabahagi ng impormasyon, kasiyahan, at pag-shopping. Mas higit ang pagkonsumo nito sa mga kabataan kaya nga mas delikado rin ang pagiging expose ng mga kabataan dito. Pinatutunayan ng maraming pag-aaral na rin ang malaking negatibong epekto ng social media sa buhay ng mga kabataan.

Gayunpaman, sinasabi na hindi lahat ng itinatakda ring pamantayang nabanggit sa itaas ay naayon sa lahat. Magkakaiba ang sitwasyon ng bawat pamilya kaya mas mahalaga na tukuyin ng pamilya kung ano ang nararapat para sa kanilang mga anak lalo na kapag nag-aaral na ito at higit na nakauunawa na upang
maging responsable silang digital citizens.

Basahin kung paano nakatulong sa isang mag-ina ang pagkakaroon ng routines para mabawasan ang screen time dito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close