-
Wala Nang Maisip Na Ulam? Patok Sa Toddlers Ang Mga Ulam Combos Na Ito
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Malimit na concern ng mga nanay ang pagiging pihikan ng mga anak nila sa pagkain, lalo na pagtungtong nila sa edad na minsan sa isang araw na lang sila umiinom ng gatas.
Kwento ng mga nanay, madalas nilang maranasan na itinatapon ng anak nila ang pagkain.
Minsan naman ay ibinababad ng mga bata ang pagkain sa bibig nila. Labis din ang frustration ng mga nanay sa tuwing aayawan ng mga anak nila ang pagkaing ihinanda nila—ang ending, ibang pagkain pa ang para sa bata.
Sabi ng mga eksperto, isa sa mga pinakamabisang paraan para mahikayat na kumain ang mga bata ay sa pamamagitan ng paghahanda ng mga pagkaing makukulay at maganda sa paningin.
Kaya naman todo effort ang mga nanay para gawing mas creative ang mga pagkaing ihinahanda nila para sa mga anak nila. Isa na riyan si mommy Josanne Burgos, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Sa isang post sa Village, ibinahagi niya kung paano niya ginagawa ang mga cute at makukulay na snacks at meals para sa kanyang 2-year old. "I started making it creative as it can be kasi everytime I make something cute, my toddler always says 'Wow, mimi'," pagbabahagi niya. Narito nga ang ilan sa kanyang mga recipes.
What other parents are reading
Makukulay at masasarap na toddler recipes
Halabos na Hipon with Sipo Egg
Ang sikreto sa recipe na ito? Kailangan sariwa ang mga gulay para sa Sipo Egg. Igisa lang ang bawang, sibuyas, carrot, corn, at baguio beans. Lagyan ng egg yolk para lumapot.PHOTO BY Josanne BurgosADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWLechon Kawali with Nilaga Soup
Para mas masarap ang lechon kawali, ibabad ito ng matagal sa toyo, asin, at paminta. Pinipirito ito ni mommy sa coconut oil.PHOTO BY Josanne BurgosPipino at Arroz Caldo with Egg
Lahat ng recipes na ihinahanda ni mommy ay laging may kasamang prutas o gulay. Dito sa arroz caldo niya, sinamahan niya ito ng side dish na pipino.PHOTO BY Josanne BurgosADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPork Afritada with Crispy Kangkong
Sariling tanim nina mommy ang kangkong—bukod sa tipid na sila, sigurado pa silang sariwa ang gulay.PHOTO BY Josanne BurgosGrilled Fish with Chopsuey
Kailangan ring masanay ang anak mo na kumain ng isda at gulay. Ito ang isa sa mga putaheng madalas ihanda ni mommy para matutong kumain ng isda ang anak niya.PHOTO BY Josanne BurgosADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Bistek Tagalog at Sinampalukang Manok
Alam niyo bang masarap na kapares ng malinamnam na bistek ang maasim-asim na sabaw ng sinampalukang manok?PHOTO BY Josanne BurgosWhat other parents are reading
Sinigang na Hipon at Baked Mussels
Bukod sa isda, maganda ring matutunan ng anak mo na kumain ng shellfish. Siguradong magugustuhan niya itong kumbinasyon ng sinigang na hipon at baked mussels.PHOTO BY Josanne BurgosADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Camaron Rebusado at Suam
Kung hirap kayong pakainin ang anak ninyo ng gulay, pwede ninyong isama na sa kanin para hindi na niya mapansin.PHOTO BY Josanne BurgosWhat other parents are reading
Piniritong Isda at Ginisang Kalabasa
Ito pa ang isang magandang halimbawa ng gulay at isda combo! Samahan mo pa ng sariwang prutas bilang side dish o dessert para mas nakakagana.PHOTO BY Josanne BurgosADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGyudon at Korean Potato Salad
Kung wala kayong mirin at dashi stock, pwede ninyong gayahin ang ginawa ni mommy. Pinirito muna niya ang beef kasama ang puting sibuyas at pre-made soba sauce. Sandali lang, may gyudon ka na!PHOTO BY Josanne BurgosKung sa kabila ng mga makukulay na putahe ay hindi pa rin maganang kumain ang anak mo, maari mo ring subukang ipakita sa kanya na masarap kainin ang mga ihinahain mo sa kanya.
Sabi nga ng mga eksperto, walang bata na ipinanganak na picky eater. Maaaring hindi mo sila nabibigyan ng sapat na options para lumawak ang kanilang panlasa.
May mga recipes ka ba na gustong-gusto ng toddlers mo? I-share mo lang sa comments section. Marami pang ibang recipes si mommy Josanne. Pwede mo iyong makita dito.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments