Isa ang Big Bad Wolf sa mga pinakainaabangang book sales dito sa ating bansa. Bukod kasi sa maraming pagpipilian (buong unang palapag ng World Trade Center Metro Manila), mura mo ring mabibili ang mga libro dito. Sa sobrang mura, nagdadala ng mga maleta ang karamihan sa mga namimili—lalong-lalo na ang mga nanay.
Ngayong taon ay mas pinalaki pa nila ang Children's Section kaya naman mas malulula kayo sa pagpipilian. Bukod pa sa mga murang activity books at learning materials, mayroon din mga parenting books na pwedeng makatulong sa iyo sa pagpapalaki ng iyong mga anak, mula sa pagbubuntis hanggang sa kanilang pagdadalaga at pagbibinata.
Narito ang ilan sa mga pwede mong pagpilian:
Para sa mga buntis
Kung naghahanap ka ng mga resources (bukod sa smartparenting.com.ph) na magsisilbing gabay mo sa iyong pagbubuntis, hindi ka mauubusan sa BBW2020.
Para sa mga may newborns at babies edad 0-1
Overwhelming ang mga unang buwan pagkatapos mong manganak kaya naman maganda kung maihahanda mo ang iyong sarili para sa pagdating ng iyong baby. Narito ang ilang librong maaaring makatulong.
Narito pa ang ilang mga librong siguradong magugustuhan mo:
Ilan lamang ang mga iyan sa mga librong pwede mong bilhin sa Big Bad Wolf Book Sale ngayong taon. Sobrang dami pang pagpipilian ano man ang hinahanap mo. Mayroon ding mga librong para sa relasyon ninyong mag-asawa at marami pang iba.
Nakapunta ka na ba sa Big Bad Wolf sa World Trade Center Metro Manila? Anu-anong mga libro ang binili ninyo ng mga anak mo? I-share mo na sa comments section.
Kung hindi ka pa nakakapunta, pwede ka pang humabol dahil hanggang February 24 pa ito. Bukas ito ng 24-hours at libre ang entrance.
Kung alam mong marami kang bibilhin, siguraduhin mong may dala kang bag na pwede mong paglagyan. Ihanda na rin ang proteksyon lalo na't mayroong mga karamdamang tulad ng COVID-19. Ugaliing magpunas ng kamay kung hindi makakapaghugas. Maaari rin kayong gumamit ng alcohol para idisinfect ang inyong mga kamay.