;
embed embed2
  • Hindi Lang Nagwawala, Pero Nananakit Pa? 3 Tips Kung Nagiging Agresibo Ang Anak

    Normal na maging agresibo pero hindi ito dapat bale-walain.
    by Jocelyn Valle .
Hindi Lang Nagwawala, Pero Nananakit Pa? 3 Tips Kung Nagiging Agresibo Ang Anak
PHOTO BY Shutterstock
  • Bilang magulang, hindi maiiwasan na mabigla at mag-alala kung nagiging agresibo ang anak na toddler o kahit preschooler. Bukod kasi sa paninigaw, pagmamaktol, at pag-iiyak, nariyan ang pananakit, pangangagat, at pagbabato ng gamit.

    Pero ang tinatawag na toddler aggression ay parte ng normal na development ng mga bata, ayon sa sa mga eksperto. Sa ganyang edad nadidiskubre ang pagiging independent. Kaya kapag hindi pa nila ito nakakamit, nagkakaroon sila ng hindi kanais-nais na pakiramdam, tulad ng pagkabigo (frustration) at galit (anger).

    Sa pamamagitan ng violent reaction nailalabas ng mga bata ang kanilang mga emosyon, sabi ni Melissa Otero, Psy.D., isang child psychologist sa Connecticut, U.S.A. sa kanyang panayam sa Parents.

    Paliwanag naman ni Janet Lansbury, isang parenting educator, nag-uugat ang ganoong mga emosyon sa hindi magandang pakiramdam (discomfort) ng bata. Aniya sa kanyang blog, mahalaga na maintindihan ng mga magulang ang pinagdadaanan ng kanyang anak at maging tutok sa pag-aalaga na may respeto (respectful care).

    Kung ano raw kasi ang pananaw mo bilang magulang sa pag-uugali ng iyong anak ay iyon din ang magiging reaksyon mo. Halimbawa raw ang batang hindi kumportable dahil nangangailangan ng tulong at kalinga. Pero kung nagdesisyon ka na kaagad na isa siyang "bad kid," iisipin mong pagalitan siya o di kaya bigyan ng leksyon at parusa.

    Ang nangyayari tuloy, lahad ni Lansbury, lumalayo ang loob ng bata at lalo siyang natatakot at nagkakaroon ng discomfort. Pagkatapos, umuulit lang ang ganyang mga eksena o nagiging cycle.

    Mga puwedeng gawin sa batang agresibo

    Ibinahagi ni Lansbury ang karanasan ng isang nanay na unang humingi ng kanyang payo apat na taon na ang nakaraan. Noong mga panahon na iyon, sinusubukan ni mommy na bawasan ang panonood ng TV ng kanyang anak. Pero naging agresibo ang reaksyon ng bata. Kaya sinunod ni mommy ang mga suhestiyon ni Lansbury at unti-unting naging maayos ang relasyon nilang mag-ina.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi ni Lansbury, ito ang mga rekomendado niyang gawin ng magulang sa agresibong anak:

    Maglagay ng limitasyon

    Paalala ni Lansbury na maging kalmado at tiwala sa paglalagay ng limitasyon sa pag-uugali ng bata. Halimbawa, magkasundo kayo na hindi aabot sa pananakit, lalo na kung meron siyang nakakabatang kapatid. Habaan mo naman ang iyong pasensya sa pagpapatulad ng limitasyon na iyon.

    Huwag bale-walain ang pananaw ng bata

    Bilin ni Lansbury na iwasan maging judgmental sa pananaw ng anak. Hindi porket bata, wala ng siyang alam at hindi na dapat pakinggan. Makakatulong daw kung maging bukas ang pag-iisip mo sa mga saloobin ng anak.

    Bigyan halaga ang lahat ng nararamdaman ng bata

    Kung anuman ang nararamdaman o feelings ng anak, mahalaga raw na bigyan mo ito ng pansin. Sa ganitong paraan magiging buo ang tiwala ng bata at magiging bukas ang komunikasyon ninyong mag-ina.

    Ayon pa sa ibang eksperto, malaki ang epekto ng kung paano tratuhin ng magulang ang anak sa pagiging agresibo ng bata. Basahin dito.

    Maaaring may kinalaman ang tinatawag na oppositional defiant disorder kung gumagrabe ang pagiging agresibo at matigas na ulo ng bata. Basahin dito.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles