embed embed2
  • Matindi Ang Tigas Ang Ulo? Ang Posibleng Dahilan Ng Pagiging Sobrang Pasaway

    Oppositional Defiant Disorder (ODD) ang posibleng dahilan.
    by Jocelyn Valle .
Matindi Ang Tigas Ang Ulo? Ang Posibleng Dahilan Ng Pagiging Sobrang Pasaway
PHOTO BY Shutterstock/MIA Studio
  • Simula sa pagka-toddler, natututo ang mga bata na magmatigas sa kanilang mga magulang at iba pang mga nakatatanda. Nariyan ang panay na pagsabi nila ng “hindi” o “no” sa halos lahat ng tanong.

    Pero pahirapan naman ang pagsunod kapag sila na ang sinabihan ng “hindi” o kaya “huwag.” Sa edad kasi na 2 hanggang 5 years old, sinusubukan ng mga bata ang kanilang independence, ayon sa mga eksperto.

    Tinitignan nila kung hanggang saan ang kanilang boundaries at paano sila makakapag-explore mag-isa. Kaya magandang gabayan sila ng positive discipline hangga’t maaga. (Basahin dito kung paano.)

    Sintomas ng oppositional defiant disorder

    Ngayon, kung patuloy ang mga bata sa pagiging matigas ang ulo, lumalaban o hindi sila masaway kahit anung gawin mo, baka mayroong mas malalim na dahilan ang kanilang inaasal. Isang posibilidad ang pagkakaroon ng oppositional defiant disorder (ODD).

    Pahayag ni Dr. David Anderson, ang director ng ADHD and Behavior Disorders ng Child Mind Institute, higit sa typical disruptive behavior ang ODD — kumbaga nakababahala ang pagiging defiant, angry, at uncooperative ng batang meron nito.

    Masasabing matindi ang ipinapakita niyang pagtutol (oppositional) at pagiging pasaway (defiant) sa magulang.

    Kadalasang nasusuri ang ODD sa pagtungtong ng bata sa elementary hanggang sa kanyang adolescence kung kailan meron na siyang “well-established pattern of behavior problems.”

    Kabilang sa sintomas ng ODD ang:

    1. Kakaibang galit at pagiging iritable
    2. Malimit na pag-init ng ulo
    3. Kaagad nayayamot
    4. Pakikipagtalo sa authority figures
    5. Hindi pagsunod sa rules
    6. Sadyang pang-iinis sa kapwa
    7. Pagpasa ng sisi sa ibang tao
    8. Mapaghiganti

    Malaki ang apekto ng ODD hindi lang sa bata at kanyang magulang ngunit maging sa relasyon ng buong pamilya. Kung araw-araw ba naman ang bangayan ng mag-ina o mag-ama, at susundan pa ng sigawan at iyakan ay posible talagang mabulabog ang buong bahay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag ni Dr. Anderson na itinutulak ng batang may behavioral issues ang kanyang magulang “towards the extremes.” Napipilitan tuloy ang mga magulang na maging “permissive” at “hyper-coercive” upang maipakita na kaya nilang kontrolin ang anak na makinig sa kanila.

    Sino ang at risk sa ODD?

    Malaki ang posibilidad na ang mga batang may attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) ay magkaroon din ng ODD. May kinalaman din ang temperament, lalo na doon sa mga dating toddler na nahirapang gamitin ang “age-appropriate ability” na kontrolin ang kanilang emosyon.

    Dagdag pa rito ang mga batang nakaranas ng maraming stress at trauma sa kanilang murang edad. 

    Sa isang pag-aaral na ginawa sa Grade 1 pupils sa South Cotabato, lumabas na mas maraming male kesa female pupils ang may “higher levels” ng ODD at iba pang emotional and behavioral disorders (EBD). Ayon din sa study, mas mataas din ang EBD levels sa mga estudyanteng nasa “highly urbanized areas” kumpara sa “less urbanized areas.”

    Hindi lang para sa bata ang ODD treatment

    Mahalaga ang tamang diagnosis at treatment ng ODD. Kapag hindi ito mabibigyan ng kaukulang atensyon at therapy, malaki ang magiging epekto ng ODD sa kinabukasan ng bata.

    Puwedeng hindi na siya kumawala sa taktikang nakukuha niya ang gusto hanggang sa puntong maitulak niya nang husto ang mga taong malalapit sa kanya.

    May posibilidad na humantong ang bata sa pagkakaroon ng mas malalang karamdaman, tulad ng conduct disorder.

    Malaki ang papel na gagampanan ng magulang sa treatment ng anak. Sila ang magiging katuwang ng bata sa therapy program at mayroon ding training para sa mga magulang lamang.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maaaring makahanap ng tulong sa Philippine Mental Health Association (PMHA) at pribadong ospital na ispesyalista sa behavioral disorders gaya ng developmental pediatrician.

    Paalala ni Dr. Anderson na kahit ano pa man ang treatment plan ng ibibigay ng therapist, kinakailangan ang encouragement ng magulang para sa anak. Diin niya na hindi biglang nagigising isang araw ang batang may ODD na gusto na niyang gumaling at hihingin ang tulong ng adults sa kanyang paligid.

    Ipipilit pa rin daw ng bata kung ano man ang behavior na sa tingin nya ay umuubra para sa kanya. Kaya nakasalalay ang paggaling ng bata sa pang-unawa at gabay ng magulang.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles