-
Kung Ganito Ang Parenting Style Mo, Baka Lumaking Entitled Ang Anak Mo
Narito ang mga dapat mong gawin para maiwasan ito.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sa panahon ngayon, aminin man natin o hindi, parami na nang parami ang mga batang lumalaking entitled. Sila 'yung mga batang walang ibang iniisip kundi ang kanilang mga sarili. Malimit silang mag-tantrums kapag hindi nila nakukuha ang mga gusto nila.
Ang mga entitled na bata ay maaaring lumaki bilang mga high maintenance na empleyado o 'di naman kaya ay mga demanding na asawa.
Madalas ding hindi kinakaya ng mga entitled na bata ang mga hamon sa buhay dahil sanay silang nakukuha ang mga gusto nila nang walang hirap.
Walang magulang na gustong lumaking entitled ang anak niya. Ngunit kung hindi ka maingat, maaaring ito mismo ang mangyari.
Ayon sa mga eksperto, ang pagiging entitled ay maaaring magsimulang maitanim sa utak ng anak mo mula pa sa kanyang pagkabata. Isa sa maaaring maging sanhi nito ay ang parenting style ninyo ng partner mo.
Maaaring lumaking spoiled at entitled ang mga anak mo dahil sa mga gawaing ito
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBinibigay mo lahat ng gusto nila
Habang lumalaki ang anak mo, lalo na sa toddler stage, mas nagiging mahirap silang kontrolin. Mas mapapadalas na rin ang mga tantrums at meltdowns nila.
Hindi sa lahat ng oras ay magkakaroon ka ng sapat na pasensya at lakas para i-handle ang mga pagkakataong ito. Maaari kang matuksong ibigay na lang kung anong gusto ng anak mo. Kung paulit-ulit mo itong gagawin, lalaking entitled ang anak mo.
Payo ng mga eksperto, para hindi ito mangyari, bigyan mo ng sapat na panahon ang mga anak mo. Minsan kasi, nagtatantrums ang mga bata dahil kailangan nila ng atensyon mo. Kung araw-araw kang may dedicated na panahon para sa mga anak mo nang wlang iistorbo sa inyo. Sa ganitong paraan, mababawasan ang tantrums at meltdowns sa bahay ninyo.
Hindi mo sila hinahayaang maging independent
Unti-unti mo dapat tinuturuan ang anak mo ng independence habang bata pa siya. Kung hindi, mahihirapan siyang harapin ang buhay na wala ka para tulungan siya.
CONTINUE READING BELOWwatch nowKung bata pa lang siya at hindi mo na siya hinahayaang tumayo sa sarili niyang mga paa, lalaki siyang entitled. Lagi niyang iisiping responsibilidad mong tulungan siya kahit na dumating siya sa edad na dapat ay sinusuportahan na niya ang sarili niya.
Labis-labis sa pangangailangan nila ang ibinibigay mo
Natural lang na ibigay mo sa anak mo ang lahat ng kanyang mga pangangailangan. Ngunit kung malimit na sobra sa pangangailangan niya ang ibibigay mo, maaari siyang masanay at lumaking entitled.
Para maiwasan ito, mahalagang ipakita mo sa anak mo ang tinatawag na value of hard work. Dapat matutunan nila na kung may gusto silang makuha, kailangan nilang pagtrabahuhan ito.
Maiiwasan mo rin ito kung tuturuan mo ang anak mo na maging mapagpasalamat sa mga bagay na mayroon siya—maliit man ito o malaki.
Bandang huli, ang pinakamahalaga pa rin ay maturuan mo ang anak mo na lahat ng bagay ay pinaghihirapan. Ang pangarap niya ay hindi babagsak sa harap niya, kailangan niya itong pagtrabahuhan. Gayon din pagdating sa mga pangangailangan niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMakakatulong din kung bibigyan mo ang mga anak mo ng tinatawag na decision-rich environment. Dito sila masasanay na gumawa ng mga desisyon para sa kanilang mga sarili.
Anong parenting style mo? Paano mo sinisigurong hindi lalaki ang anak mo na entitled? I-share mo ang iyong mga tips sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments