-
New Study Reveals: Malaki Ang Epekto Ng Mood Ni Daddy Sa Development Ng Mga Bata
May epekto rin ang kalagayan ng iyong mental health sa paglaki ng mga anak mo.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Maraming maaaring makaapekto sa development ng ating mga anak. Kabilang diyan ang genetics, ang nutrisyong nakukuha, maging ang kinalakhan nilang environment.
Samantala, ayon sa mga bagong pag-aaral, nakakaapekto rin sa mental at behavioral development ng mga bata ang mismong mood at kalagayan ng mental health ni daddy.
Paano nakakaapekto ang mental health ni daddy sa development ng bata?
Maaaring lumaki ang bata na may poor language skills
Sabi ng mga eksperto, kung madalas kang makita ng anak mo na stressed o balisa, maaaring makaapekto ito sa kakayahan nilang ipahayag ang kanilang sarili habang lumalaki sila.
Kapag stressed madalas si daddy, magiging mahirap para sa mga bata, maging sa mga teenagers na makipagcommunicate.
Apektado rin ang social skills ng bata
Lalo na kung lumaki sila na nakikita at nararamdamang madalas hindi maganda ang mood ni daddy.
Ayon pa sa mga dalubhasa, ang tatay na madalas stressed, nakakaramdam ng depression, o 'di naman kaya ay laging nasa bad mood, ay hirap na makita at maintindihan kung anu-ano ang nangyayari sa kanilang mga anak.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung hindi nakikita ng tatay ang mga nangyayari at pinagdadaanan ng mga bata, maaaring lumaki ang mga ito na may cognition delay o 'di kaya ay behavioral problems.
Pwede ring maapektuhan ang eating habits ng anak mo
Nakakaapekto rin ang iyong mood at mental health sa eating habits ng mga anak mo. Kung mayroon kang poor diet o unhealthy lifestyle lalo na sa tuwing stressed ka, madali lang itong makuha o manahin ng mga anak mo.
Anong dapat gawin ni daddy para maiwasan ang mga ito?
Hindi mo maiiwasang mabalisa, makaramdam ng stress, o magalit. Ngunit mayroon kang mga pwedeng gawin para maiwasang maipasa sa anak mo ang mga negatibong nararamdaman mo.
Maging honest
Kung edad tatlo pataas na ang anak mo, mahalagang sabihin mo na sa kanya kung naiinis, nalulungkot, o pagod ka.
Hindi man niya maintindihan agad, magandang simula pa rin ito kaysa pigilan mo ang nararamdaman mo. Higit pa, kailangang maging honest ka sa sarili mo pagdating sa mga nararamdaman mo.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMaraming mga tatay ang amindaong hindi nila agad ipinapahayag ang kanilang mga nararamdaman.
Magpakita ng optimism
Tulad ng pagpapakita ng takot, galit, o stress, mahalaga rin na ipakita mo sa mga anak mo ang iyong optimism.
Makakatulong din para lumaki silang may balanse, kung ipapakita mo sa kanila na sa kabila ng stress, mayroon ding mabuting nangyayari.
Tandaan, gaya-gaya ang mga bata
Kung paano mo hinahandle ang stress mo sa harap ng mga anak mo ang siya ring maaaring maging paraan nila ng paghandle ng stress paglaki nila.
Kung nagwawala, nagdadabog, o hindi maganda ang paraan mo ng pag-handle ng iyong stress, maaaring ito rin ang maging paraan ng anak mo.
Ikaw, daddy? Paano mo hinahandle ang stress, takot, anxiety, at galit sa harap ng mga anak mo? I-share mo na iyan sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments