no appetite,picky eater,Tagalog,greener,gamot sa walang gana kumain,r08-em,scr24,Gamot Sa Walang Gana Kumain | Smart Parenting,gamot sa walang gana kumain, walang gana kumain, no appetite, picky eater, vitamins,May mga dapat malaman ang magulang bago bigyan ng vitamins ang anak bilang gamot sa walang gana kumain.
ParentingToddler

Anong Dapat Malaman Bago Bigyan Ng Vitamins Ang Anak Na Walang Ganang Kumain?

May iba pang mga paraan.
PHOTO BYShutterstock

Fact-Checked by Ronna Capili Bonifacio

Ang article na ito ay unang naipublish noong February 2, 2022. Nadagdagan ito ng updates noong May 31, 2024.

Sa edad 2 years old, ayon sa mga eksperto, kailangang nakakakain ang bata ng mga masustansyang pagkain nang tatlong beses kada araw at may kasama pang isa o dalawang merienda. Pero kapag hindi ganyan ang nangyayari, nag-iisip kaagad ang magulang na bigyan ng vitamins ang anak bilang gamot sa walang gana kumain.

Paalala lang ng American Academy of Pediatrics (AAP), likas sa mga toddler ang tumanggi sa pagkain at kumain lang gusto nila. Kaya hindi makakatulong ang pagpipilit sa bata kada oras ng kainan dahil mag-aaway lang kayo. Pero huwag ding kalimutan ang iba pang paraan maliban sa pagbibigay ng vitamins.

Mga kadalasang rason kaya walang gana kumain

Mainam na alamin muna ang dahilan kung bakit ayaw kumain ng anak, ayon pa sa mga eksperto. Pagkatapos, makakagawa ka na ng mga hakbang para masolusyonan ang problema at maging magana kumain ang bata. Malaking tulong ito para maging maayos at masaya ang oras ng pag-kain sa pareho ninyong panig.

Baka may sakit

Nawawala talaga ang ganang kumain ng may sakit, maging toddler man o adult. Isa kasi itong sintomas ng may iniindang karamdaman. Kaya kunin ang body temperature ng anak para malaman kung may lagnat siya at tanungin kung masakit ang lalamunan. Suriin din ang kanyang katawan at baka may rashes. Kapag lumala ang kanyang pakiramdam, komunsulta na sa doktor.

Pag kain nang wala sa oras

Maaaring busog na ang anak pagdating ng tanghalian o hapunan kaya wala na siyang interes na kumain pa. Subukan na mag-imbestiga kung saan galing ang snack at ipaliwanag kung bakit hindi dapat ang in-between meals. Sabihan din ang mga kasama sa bahay na iwasang bigyan ng anumang makakain ang bata kung malapit na ang tamang oras ng pag-kain.

Pag-inom ng juice o softdrink

Kung hindi kumakain ng in-between meals ang anak, baka umiinom naman siya ng juice o iba pang matatamis na inumin. Nakakabusog din kasi ang mga iyan, kaya nawawalan na ng ganang kumain ang bata. (Basahin dito ang diskarte ng isang nanay.)

watch now

Hindi paggalaw

Pansinin kung matamlay ang anak imbes na aktibo sa paglalaro, kaya mababa ang kanyang energy level. Ang nangyayari tuloy, busog pa rin ang pakiramdam niya at hindi siya ginugutom. Malaking tulong ang exercise para maenganyo din siyang kumain. (Basahin dito para sa tips.)

Vitamins ba ang gamot sa walang gana kumain?

May paliwanag ang mga eksperto tungkol sa pagbibigay ng vitamin supplements. Sabi ng AAP, hindi talaga kailangan ang mga ito ng toddler na kumakain ng iba-ibang uri ng pagkain. Pero puwede raw makatulong ang supplemental iron kung hindi pa nakakakain ang bata ng karne, pati na gulay at cereals na mayaman sa iron.

Kapag daw, halimbawa, hindi nakakainom ang bata ng sapat na gatas, gaya ng higit pa sa 960 mL kada day, mahihirapan ang katawan niyang makuha ang iron mula sa iba pang pagkain.

Sang-ayon ang Mayo Clinic sa pagsasabing hindi kailangan ang multivitamins ng mga malulusog na bata na normal naman ang paglaki. Mas mainam pa rin daw na kunin ang sustansya mula sa regular meals at snacks.

Rekomendado ng mga eksperto ang pagkonsulta sa doktor kung nag-aalala ka hindi sapat ang nakukuhang vitamins at minerals ng anak mula sa pagkain. Ang doktor daw ang makakapagsabi kung kailangan ng bata na uminom ng multivitamins o di kaya ang oral nutritional supplement.

Ito naman ang mga puwede mong gawin para maengayong kumain ang anak:

  • Maghain ng iba-ibang uri ng pagkain na pupukaw ng interes
  • Hayaang na pumili ng gusto niyang kainin hanggang madala mo siya sa direksyon ng balanced diet
  • Hayaang kumain mag-isa
  • Magbigay ng finger food para hindi na gamitan pa ng kutsara o tinidor
  • Gawing makulay ang pagkain

Kung sadyang pihikan o picky eater ang anak, may mga paraan pa rin na puwedeng gawin bago mo siya bigyan ng multivitamins bilang gamot sa walang gana kumain. Narito ang mga suhestiyon ni Dr. Cristal Laquindanum, isang pediatrician, na gawin ng magulang para sa anak:

  • Iwasan ang distraction sa oras ng pag-kain
  • Maging ehemplo sa pag-kain ng masustanya
  • Huwag takutin ang bata para kumain
  • Kung 20 minuto nang ayaw pa ring kumain, tanggalin ang kanyang plato at huwag muna siyang pakainin kahit sa susunod na mealtime o snack
  • Maghain ng pagkain na angkop sa edad
  • Unti-unting bigyan ng pagkain na bago sa bata

FAQs (Frequently Asked Questions) ukol sa pagbibigay ng vitamins sa mga batang hindi magana kumain

1. Paano ko malalaman kung ang anak ko ay may kakulangan sa vitamins o minerals?

Ilan sa mga karaniwang palatandaan ng kakulangan sa nutrisyon o bitamina ay ang hindi normal o mabagal na paglaki, panghihina, hirap sa paghinga, hindi magandang gawi sa pagkain, at kawalan ng konsentrasyon. Kasama na din dito ang pagiging antukin, kakaibang ugali tungo sa pagkain, tuyong balat o buhok, at madalas na pagkakaroon ng sakit o impeksyon.

2. Anong mga uri ng pagkain ang dapat ihain sa isang bata na ayaw kumain?

Walang eksaktong uri ng pagkain na dapat ibigay, ngunit may ilang statehiya na maaaring subukan:

  • Hainan ang anak ng iba't ibang uri ng pagkain, kasama na ang mga bagong pagkain na maaaring hindi pa niya kilala. Limitahan ang bagong pagkain sa isa bawat araw.
  • Limitahan o kontian ang inihandang bagong pagkain, tulad ng isang kutsara para sa bawat taon ng edad ng anak.
  • Magsama ng pagkaing gusto o paborito ng iyong anak sa bawat paghahain. Huwag itago dito ang bagong pagkain, bagkus, isama lamang.
  • Maghain ng mga paboritong sawsawan tulad ng ketchup kasabay ng mga bagong pagkain.
  • Purihin ang anak kaysa pilitin itong kumain.
  • Subukang manatiling kalmado kung tatanggihan ng anak ang inihain.

3. Pwede bang sobrahan ang pag-inom ng vtamins ng bata?

Maaaring makasama ang sobrang pag-inom ng vitamins lalo na sa mga bata. Payo ng mga eksperto, sundin ang rekomendasyon sa label ng vitamins at huwag bigyan ang anak ngmahigit sa dalawang supplement nang sabay.

4. Anong mga vitamins ang pinaka-importante para sa mga bata?

Ilan sa mga importanteng vitamins at minerals na kailangan ng mga bata ay ang sumusunod:

  • Calcium: Sinasabing building blocks ng buto at ngipin. Makukuha ito sa mga dairy products, fortified na pagkain, salmon, at madadahong gulay.
  • Fiber: Hindi man ito vitamin o mineral, ang mga pagkain na mataas sa fiber ay naglalaman ng mga importanteng nutrient gaya ng Vitamin E, Vitamin C, calcium, magnesium, at potassium. Makukuha ito sa mga pagkain gaya ng broccol, avocado, oatmeal, at beans.
  • B12 at ibang B Vitamins: Importante ang mga B vitamins sa metabolism, enerhiya, at pagpapanitiling malusog ang puso at nervous system. Makukuha ito sa mga karne, manok, isda, at itlog.
  • Vitamin D: Tumutulong ito sa calcium para mapanatiling matibay ang buto. Maaari din nito maprotektahan ang mga bata mula sa mga chronic disease sa kanilang pagtanda. Makukuha ito mula sa mga isda gaya ng salmon, mackarel at sardinas. Kasama na ang mga itlog at gatas.
  • Vitamin E: Pinapalakas ng Vitamin E ang immune system, at nakakatulong ito sa maayos na pagdaloy ng dugo. Makukuha ito mula sa mga vegetable oils at mga mani at buto.
  • Iron: Nakakatulong ang iron sa mga red blood cells na nagdadala ng oxygen sa buong katawan. Makukuha ito sa mga karneng pagkain, madahong gulay, at beans.

5. Paano ko mababawasan ang pagiging pihikan ng anak ko sa pagkain?

Maaaring subukan ang mga sumusunod na stratehiya upang mabawasan ang pagiging pihikan sa pagkain ng mga bata:

  • Maghain ng iba't ibang pagkain na angkop sa edad ng anak: Panatilihing hindi limitado sa paboritong pagkain ng anak ang ihahain na pagkain. Ialok ang bagong pagkain sa bata nang higit kumulang 15 na beses bago nila ito subukan.
  • Limitahan ang mga inuming mataas sa calories: Maaaring mabawasan ang gana ng bata kung siya ay umiinom ng mga mataas sa calories na inumin gaya ng mga juice, softdrinks, o gatas. Limitahan ang pag-inom ng anak ng juice sa 4 ounces at ng gatas sa 24 ounces kada araw.
  • Magtakda ng schedule ng pagkain: Ang pagkakaroon ng nakatakdang oras para sa almusal, meryenda sa umaga, tanghalian, meryenda sa hapon, hapunan, at meryenda bago matulog ay makakatulong sa mga bata malaman na may darating na pagkain kada dalawa hanggang tatlong oras. Iwasang magbigay ng pagkain sa labas ng takdang oras.
  • Gawing kaaya-aya ang oras ng pagkain: Isaalang-alang ang kapaligiran sa oras ng pagkain at habang pinapakain ang bata. Gawing kaaya-aya ang usapan, malinis at maliwanag ang lugar ng pagkain, at limitahan din ang mga bagay na maaaring makaabala gaya ng telebisyon o gadget.
  • Iwasang magluto ng maraming putahe: Kung hindi gusto ng anak ng nakahain na pagkain, iwasan ang pagluluto ng pagkain para lamang sa kanya. Pakainin siya sa susunod na schedule ng pagkain.

Para sa iba pang tips sa batang walang gana kumain, basahin dito at dito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close