-
Home How This Single Mom Became A Homeowner At 25: 'Ayaw Ko Nang Palipat-Lipat Kami'
-
Preschooler 10 Etiquette Lessons To Help Your Child Grow Up Kind, Well-Behaved, And Respectful
-
Your Health Mom Opens ‘Scream Hotline’ To Help Fellow Mothers Release Stress Amid The Pandemic
-
News Andi Eigenmann And Philmar Alipayo's Underwater Engagement Photoshoot Looks Magical
-
Kahit Toddler Pa Lang, Puwede Na Utusan! Mga Dapat Alalahanin Sa Pagbigay Ng Tasks
Sundin ang ilang tips ng teacher-mommies.by Jocelyn Valle .

PHOTO BY iStock
Totoong nakaka-proud ang bata, kahit toddler pa lamang, kapag sumusunod sa ipinapagawa at natatapos ang gawain o task. Ngunit para mangyari ito ay may malaking papel na dapat gampanan ang magulang.
Ayon kay Tina Zamora, isang family life and child development specialist at director ng Nest School, hindi lang basta mag-utos ang magulang, at sabihin, halimbawa, “Anak, iligpit mo na ang mga laruan mo.” Dapat daw ay ihanda na ang mga container kung saan ilalagay ng toddler ang mga laruan niya.
Nagbigay paliwanag si Teacher Tina sa nakaraang Smart Parenting Masterclass: Toddler Expertips Facebook Live session na handog ng Nido 3+ milk brand. Aniya, “When we plan these activities, we need to prepare the environment to help them achieve the goal. Kasi kung di natin ginawa ’yon, they’re just destined to fail all the time.”
What other parents are reading
Kapag may task para sa anak, nandyan ba lahat nang kakailanganin niya?
Sang-ayon naman dito ang guest mom ni Teacher Tina sa livestream na si Cherrie Magbanua, na isa ring early childhood teacher at miyembro ng Smart Parenting Mom Network. Kapag may task si Cherrie sa kanyang toddler daughter na si Zuri ay hinahanda na niya ang environment para dito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWLahad niya, “Since Zuri is petite like her mom, I make sure that within her reach ’yong pinapagawa ko sa kanya. So it shouldn’t be above her height or when she stretches her hand out, ’yong hindi siya mahihirapan.”
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPero aminado si Cherrie na hindi sa lahat ng pagkakataon ay naisasakatuparan ang task o ano mang activity ang hinahanda niya para sa anak. Kahit pa daw pinplano niya ang mga ito nang maigi. Minsan talaga ay sadyang hindi natatapos gawin ni Zuri.
Maging handa sa susunod na activity pagkatapos ng 30 minutes
Payo ni Teacher Tina na tignan din kung tama ang oras na ibinigay ng magulang para magawa ng anak ang task. Ang toddler kasi ay mayroong attention span na tatagal mula 20 hanggang 30 minuto para sa isang activity. Kaya dapat mag-isip ng activity na tatagal nang ganoong oras lamang. Magpalit na ng activity kapag narating na nito ang attention limit.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa pag nagpaplano ng activity, sabi pa ni Teacher Tina, kailangan ang magulang ay mayroong Plan B. Kasi ang Plan A daw, maaaring hindi tanggapin ng toddler.
Huwag mainis o magalit agad kapag may pagkakamali ang anak
Kung nagkamali ang toddler at tuluyang hindi na natapos ang task ay huwag naman mangamba. Bagkus, kunin ang pagkakataon bilang aral na normal lang ang magkamali. Diin niya, “Masyado lang naha-highlight ng parent ang mistake ng mga anak natin when we ask them to do a task. We should teach them that mistakes are where we actually learn. Dito sila matututo.
“If we normalize mistakes, whenever your toddler has a setback, it’s easier for him to get back on track because she knows that’s part of the process. Di ba mas madali? Hindi sila nade-depress when something goes wrong. That helps develop their self-regulation with their emotions. So let’s be good role models, but let’s not ask too much from our toddlers.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKapag hindi nagawa ng anak ang task o chore
Dagdag payo pa ni Teacher Tina sa mga magulang na tuwing hindi nagagawa ng toddler ang task ay tanungin ang sarili ng mga sumusunod:
- Binigyan ko ba siya ng sapat na oras para magawa ang task?
- Angkop ba sa kanyang edad ang task?
- Hinanda ko ba ang mga kakailangan niya sa paggawa ng task?
- Sinabihan ko ba siya na maaari siyang magkamali habang ginagawa ang task?
Mainam din na kausapin ng magulang ang toddler sa pagkakamali nito kaya hindi natapos ang task. Minsan daw kasi ay minamaliit natin ang kakayahan ng bata na umintindi.
Isang paraan para mas maging bukas ang bata sa pagkikipag-usap tungkol dito ay gumawa ng listahan ng mga dapat nitong gawin. Kapag hindi nagawa ng toddler ang isang task, tanungin ito. “Anak, paano natin ito iche-check kung hindi natin ’to natapos?"
O di kaya naman ay gumawa ng parang treasure hunt of activities ng mga dapat gawin ng toddler. At kapag nagkulang ang toddler, sabihan ito, “Hindi tayo makakapunta sa isang lugar, anak, pag di natin natapos ’yong isang task.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPraise the effort
Kapag naman maayos na nagawa ng toddler ang task, bigyan ng papuri sa pagsisikap o effort nito. Sabihan ito, halimbawa, “Anak, ang galing ng pagtupi mo d’yan sa T-shirt mo, paano mo ginawa ’yan?” Sa ganitong paraan ay gaganahan itong magpaliwanag at makipag-usap sa magulang.
Iwasan daw ng magulang na sabihan lang ang bata ng simpleng “Anak, ang galing-galing mo!” Bigyan halaga ang effort para mawala ang takot nito na sumubok ng bagay-bagay dahil lang baka magkamali.
Ang diskarte naman ni Cherrie ay tanungin ang anak na si Zuri na ipaliwanag kung ano ang ginagawa nito mula sa simula ng task hanggang sa katapusan. Dito daw matututo ang bata na pahalagahan ang proseso ng paggawa, bukod pa sa pagiging tutok at pagkakaroon ng tiyaga.
Aniya, “Minsan kino-commend ko siya hindi lang sa end product all the time. Of course, sa process, like sa baking or sa cooking, when she mixes or when she sprinkles the ingredients. Kino-commend ko siya sa every skill na accomplish niya.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSang-ayon si Teacher Tina, sabay paliwanag, “When you praise the steps, kahit nasunog na niya ang end product, na-praise mo na siya every step going there. Tatawanan niyo na lang ang nasunog niya something, and babalikan na lang ninyo. Let’s not make those mistakes again. So gagawa na naman kayo. Nakaka-motivate sa bata ’yon. Normalize the mistakes.”
Gawin din daw ang pagbibigay ni Cherrie ng kumpiyansa kay Zuri sa pagsasabi ng “You can do it!” Dapat talaga na ang magulang ang numero unong cheerleader ng kanyang anak.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network