picky eating,picky,picky eater,Tagalog,baby stage,toddler stage,Here's How Your Attitude Can Cause Your Child To Be A Picky Eater,picky eater, picky eating, picky, toddler, toddler life, toddler,Hirap ka bang pakainin ang anak mo?
ParentingToddler

Keep Calm! How Your Attitude Can Create Kids Na Pihikan Sa Pagkain

Sabi ng mga eksperto, walang batang ipinanganak na picky eater.
PHOTO BYiStock

Karaniwan nang problema ng mga magulang ang kawalan ng gana sa pagkain ng mga bata pagdating nila sa toddler years.

Kaya naman, kabi-kabilang techniques at iba't-ibang mga paraan ang sinusubukan natin para masiguradong kumakain ang mga anak natin. Wala naman kasing magulang na gustong pabayaan ang anak niya na hindi kumakain.

Ngunit, sa kabilang banda, sabi ng mga eksperto, baka ikaw mismo ang nagiging dahilan kung bakit ayaw kumain ng anak mo.

Lumalabas na kung lagi mong pinipilit ang anak mo na kumain mas nagiging masama ang epekto nito sa kanya. Mas nagiging matigas ang ulo ng mga bata pagdating sa toddler stage mayroon silang tinatawag na 'innate need' o pangangailangan na tignan kung hanggang saan sila makakarating bago mo sila sawayin.

At dahil naman sa takot mo na magutom sila o hindi nila makuha ang mga kailangang nutrients ng kanilang katawan, nariyang suhulan mo sila o 'di naman kaya ay habulin nang habulin hanggang mapakain mo sila.

May ilang mga magulang din na aminadong binibigyan nila ng gadgets ang kanilang mga anak para lang kumain ang mga ito.

Ayon kay Janet Lansbury, ang may akda ng mga librong No Bad Kids: Toddler Discipline Without Shame at Elevating Child Care: A Guide To Respectful Parenting, ang paghabol at pagbibigay ng gadgets ay maaaring makaapekto sa kung paano mag-isip ang anak mo pagdating sa pagkain.

Kaya naman para maiwasang maipasa mo ang mga anxieties at pag-aalala mo patungkol sa pagiging picky eater ng anak mo, narito ang mga dapat mong gawin, ayon kay Janet Lansbury.

5 dapat tandaan para sa mas masayang kainan

1. Ipaliwanag mo ang iyong mga 'rules' o expectations

Bago pa man kumain, sabihin mo na sa anak mo na kapag oras ng pagkain, dapat ay nakaupo lang siya. Kapag tumayo siya, ibig sabihin ay ayaw na niya. Choice din niya kung kakainin niya lahat ng mga ihinain mo o kakagatan niya lang ang mga ito.

2. Samahan mo ang iyong anak sa pagkain

Matagal nang sinasabi ng mga eksperto na malaki ang maitutulong ng pagsabay sa iyong anak para maengganyo siyang kumain. Sabi ni Lansbury, dapat ay sa anak mo ka lang nakatutok kapag oras ng pagkain.

3. Itabi mo na ang pagkain kapag inayawan niya ito

O 'di kaya kapag nilaro-laro niya na ang laman ng kanyang plato. Huwag mong ipakita na nagagalit ka o pinaparusahan mo siya.

Sa halip, sabihin mo sa kanya na kapag tumayo na siya o nilaro na niya ang pagkain, ibig sabihin ay busog na siya at pwede mo na itong ligpitin. Tandaan, kailangan mo itong maipaliwanag sa kanya nang maayos at kalmado.

4. Maniwala sa kakayahan ng anak mo

Kapag sinabi ng anak mo na ayaw na niya, maniwala ka na ayaw na niya sa halip na pilitin mo pa siyang kumain ulit.

5. Maging consistent

Tandaan, hindi gagana ang mga ito kung hindi ka magiging consistent. Kailangang tuwing mealtime ninyo, ipapaalala mo sa kanya ang iyong rules at expectations.

watch now

Kailangan mo ring bigyan ng sapat na panahon ang anak mo para matutunan at makapag-adjust sa ganitong mealtime.

Ayon sa mga nanay na nakasubok na ng mga payo ni Lansbury, mismong mga anak na raw nila ang nagtatanong kung anong oras kakain. Sila na rin ang nagsasabi kung busog na sila.

Ang pagdiskubre sa pagkain ang isa sa mga masasayang bahagi ng pagiging magulang. Normal lang na mag-alala ka sa nakukuhang nutrisyon ng anak mo at kung sapat ba ang nakakain niya araw-araw. Ngunit ang sobrang pag-aalala ay maaaring mas makasama.

Anu-ano ang mga techniques mo para mapakain ang iyong anak? Ikwento mo ang iyong experience sa comments section.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close