embed embed2
  • Bukod Sa Paghele, Isang 'Unconventional' Na Paraan Para Mapatahan At Mapatulog Ang Bata

    Mainam na magkaroon ng person-to-person connection, ayon sa parenting expert.
    by Jocelyn Valle .
Bukod Sa Paghele, Isang 'Unconventional' Na Paraan Para Mapatahan At Mapatulog Ang Bata
PHOTO BY Shutterstock/Yaoinlove
  • Nakasanayan na nating ipaghele ang bata para patahanin o di kaya patulugin ito. Sinasayaw-sayaw paminsan, lalo na kung ayaw matigil sa pag-iyak o di kaya mailap ang antok.

    Ang problema, ayon sa sa National Sleep Foundation, posibleng maging dependent ang bata sa hele para makatulog. Magkakaroon tuloy ng tinatawag na sleep association. Kaya mainam daw na ihele lang ang bata hanggang sa puntong “drowsy but still awake,” at saka ilapag sa kuna nang makatulog siyang mag-isa.

    Bukod sa paghele, may suggestion si Janet Lansbury, isang parenting education expert. Aniya sa kanyang blog, may natutunan siyang “unconventional” na paraan upang patahanin ang bata at maihanda ang pagtulog nito. Iyon daw ay mula sa kanyang mentor na si Magda Gerber, ang founder ng Resources for Infant Educarers (REI) approach.

    Paliwanag pa ni Lansbury, nirerekomenda ni Gerber ang pagkakaroon ng “open and honest communication” sa pagitan ng magulang at kanyang anak. Maaaring mag-umpisa si mommy, halimbawa, sa pagkukuwento kay baby ng kanilang bedtime routine. Mainam din daw kung si mommy ay makikinig, magtatanong, at makikipag-usap kay baby bilang “connecting person to person with children from birth.”

    Pero paalala ni Lansbury, hindi dapat ikonsedera ang pagkikipag-usap ng mag-ina o mag-ama bilang “sleep method” tulad ng paghehele. Bagkus isa itong paraan ng “seeing and being with children” na kailangan gawin ng magulang kahit ano mang oras.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pinatotohanan ng ilang followers ng blog ang benepisyo ng pakikipag-usap sa bata nang bukas at tapat. May mga mapupulot na aral mula sa kanilang mga karanasan.

    Pag-usapan ang nangyari sa araw ninyo

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isang mommy ang nagkuwento na biglang nagigising ang kanyang 20-month-old daughter ng disoras at gusto nitong ipaghele muna bago bumalik sa pagkatulog. Minsan, imbes na kargahin at ipaghele ang anak, tinabihan niya lang ito sa crib at kinausap tungkol sa naganap na araw na iyon.

    Nagkaroon kasi ng playdate sa kanilang bahay na dinaluhan ng ilang mga magulang at kanilang mga anak. Magulo pero masaya ang kinalabasang playdate. 

    Sa umpisa ng kanyang pagkukuwento, umiiyak daw ang kanyang anak. Pero nagpatuloy lang siya sa hanggang napansin niyang nagre-react ang bata sa mga parteng nakakatawa. Tumatango pa raw bilang pagsang-ayon sa kanyang mga sinasabi.

    Maya-maya raw, niyakap siya ng kanyang anak at saka humiga ulit para bumalik sa pagtulog nang mahimbing.

    Bigyan halaga ang nararamdaman ng bata

    Isa pang mommy ang may 21-month-old naman na daughter din. Dati raw hirap siyang iwan ang bata sa kuwarto nito para matulog mag-isa. Kahit ano daw ang paliwanag niya bago lumabas ng kuwarto, iiyak ang bata at magsasabi ng, “I miss Mama.”

    Isang gabi, habang pinapahiga niya ang kanyang anak sa kama nito, bigla niyang kinausap. Aniya, “It’s ok to miss me. It’s ok to cry and feel sad. I miss you, too, when I leave. You can cuddle your doll, take deep breaths, sing to yourself, or even cry, and it’s ok. It’s ok to be sad.”

    Maya-maya, tumigil ang bata sa pag-iyak at sabi sa kanya, “It’s ok. It’s ok.” Kaya sa kauna-unang pagkakataon sa loob ng ilang linggo, lumabas daw siya ng kuwarto na hindi umiiyak ang kanyang anak. Kailangan daw pala ng bata ng reassurance na bagamat mahirap mawalay, normal lang ang nararamdaman nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles