embed embed2
  • Maganda Ang Mensahe Ng Librong Ito Pagdating Sa Body Parts Awareness

    Hindi kayo dapat mahiyang kausapin ang mga anak ninyo tungkol sa kanilang reproductive health.
    by Ana Gonzales .
Maganda Ang Mensahe Ng Librong Ito Pagdating Sa Body Parts Awareness
PHOTO BY Leah San Jose
  • Kamakailan nga ay maraming naaliw (at nagulat) sa kuwentng pambata ni Genaro R. Gojo Cruz na pinamagatang Ako ay May Titi. Bukod sa tawag-pansing pamagat, napakaganda rin ng pagkaguhit ni Beth Parrocha.

    Sa introduksyon ng libro na isinulat ni Roberto E. Javier Jr., PhD. RPsy ng De La Salle University Department of Psychology, sinabi niyang importanteng issue ang tinatalakay sa libro. "Iminumulat sa murang isipan na ang panawag na titi ay pag-iiba sa iba ng kasarian at siyang dapat gamiting salita para dito," sabi niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Leah San Jose
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ngunit bakit nga ba napapanahon at mahalaga ang usaping ito? Ano nga bang epekto sa mga anak mo kung hindi 'titi' o 'puke' ang tawag nila sa kanilang mga ari?

    More from Smart Parenting

    Ang tamang pagtawag sa mga bahagi ng ating katawan ay tinatawag na body parts awareness. Ito ang pagkakaintindi natin sa bawat bahagi ng ating katawan, mula sa ating mga mata, hanggang sa ating mga daliri, at pababa nga sa maselang bahagi ng ating katawan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi maikakaila na dito sa ating bansa, mayroon pa ring mga hindi pa bukas sa ganitong pananaw. Sa kabilang banda, malaki ang maitutulong ng tinatawag na body safety skills sa iyong mga anak. 

    PHOTO BY Leah San Jose

    Maaga pa lang, pwede mo nang ituro sa mga anak mo ito. Nagsisimula ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng tamang pangalan ng kanilang mga reproductive organs.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa mga eksperto, kapag natuto nang magsalita ang anak mo, dapat ay sinisimulan mo na siyang turuan nito.

    More from Smart Parenting

    Ano man ang wika ninyo, kailangang alam ng anak mo ang tawag sa mga pribadong bahagi ng katawan niya. Sa pamamagitan nito, kapag may humawak na hindi dapat sa ari ng mga anak mo, masasabi nila ito sa iyo ng diretso at maayos.

    Isipin mo, kung sinabi ng anak mo na may humawak sa 'cookie' niya, hindi mo agad maiintindihan na ari na pala niya ang tinutukoy niya.

    Mas madali rin siyang malilinlang ng mga sex offenders kung hindi niya alam ang tawag sa mga bahagi ng katawan niya, lalo na kung hindi niya alam na walang ibang dapat humawak nito ng walang pahintulot niya.

    More from Smart Parenting

    Bukod pa riyan, narito pa ang ilang mga paraan para maturuan ang anak mo ng mga body safety skills:

    Paano ituro ang body safety skills

    Siguraduhing alam na mga anak mo kung ano ang pribado at pampubliko

    Kailangang alam ng mga anak mo na may mga lugar na pribado at mayroon namang pampubliko. Ganito rin patungkol sa bahagi ng kanilang mga katawan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hikayatin silang magsumbong

    Kung may mga pagkakataon mang maramdaman nila na hindi sila ligtas kasama ang sino man, dapat alam nilang ayos lang magsumbong sa iyo o sa tatay nila. Kailangang alam din nila na walang ibang may karapatang humawak sa mga katawan nila kundi kayong mga magulang nila.

    Mahalaga ring ipaliwanag mo sa mga anak mo na dapat din nilang igalang ang pribadong bahagi ng katawan ng ibang tao. Hindi sila dapat tumingin o humawak sa katawan ng iba.

    Ngayong nasa digital age na tayo, dapat alam ng mga anak mo na maging ang pagpapadala sa ibang tao ng litrato o video ng kanilang private parts ay hindi rin pwede.

    Kung mayroon mang tao online na hihingi nito sa kanila, kailangang alam ng anak mo na hindi ito tama at dapat itong isumbong sa iyo.

    More from Smart Parenting

    Ipaliwanag sa kanila ang ibig sabihin ng 'ligtas' at 'hindi ligtas'

    Dahil sa kanilang mga murang kaisipan, maaaring hindi pa maintindihan ng mga anak mo kung ano ang ligtas o safe na pakiramdam at kung ano ang hindi ligtas o unsafe na pakiramdam.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kailangan mo itong ipaliwanag sa kanila. Pwede mo silang bigyan ng mga halimbawa tulad nito:

    Unsafe: Kapag may nanakit sa iyo

    Safe: Kapag masaya kang nakikipaglaro kay Mommy o Daddy

    Unsafe: Kapag may tumawag sa iyo ng mga masasakit na salita

    Safe: Kapag pinupuri at minamahal ka ni Mommy at Daddy

    More from Smart Parenting

    Huwag silang hayaang maglihim sa iyo

    Minsan, sa sobrang takot at sa kakulangan na rin sa kakayahang intindihin ang mga nangyayari, maaaring maglihim sa iyo ang mga anak mo.

    Madalas nangyayari ito dahil na rin sa takot nilang mapagalitan o 'di naman kaya ay sa labis na kahihiyan sa naranasan nila. Para maiwasan ang paglilihim, iwasan mong magalit sa mga anak mo kung may aminin man sila sa iyo. Sa ganitong paraan, hindi sila matatakot magkaroon ng open communication kasama ka.

    Ipaalam mo rin sa kanila ang kaibahan ng mga ligtas na sikreto sa mga hindi ligtas na sikreto. Halimbawa, ang isang birthday suprise ay isang ligtas na sikreto, samantalang ang patagong pakikipag-usap sa taong hindi mo kilala ay isang hindi ligtas na sikreto.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Hanga ang mga magulang sa likhang kwentong pambata ni Genaro dahil hinarap nito ang malimit na 'taboo' sa ating kultura. Sa katunayan, napakarami nga nating palayaw sa pribadong bahagi ng katawan ng ating mga anak.

    Kung guilty ka dito mayroon ka pang pagkakataon para itama ang kaalaman ng mga anak mo. Ang simpleng kaalaman sa tamang pangalan ng mga bahagi ng kanilang katawan ang maaaring magligtas sa kanilang mga buhay sa oras ng panganib.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles