-
15 Apps At Games Na Maaaring Gamitin Ng Mga Online Sexual Predators
Kailangang i-monitor mong maigi ang mga apps na ito para mapanatiling ligtas ang iyong anak.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Bunsod ng pagdami ng mga batang nabibiktima ng online sexual predators at human traffickers, mas pinaigting pa, hindi lang ng mga awtoridad at NGOs sa ibang bansa kundi pati na rin dito sa atin, ang information drive para mas maging aware ang mga magulang tungkol dito. Sa panahon kasi ngayon ng digital innovations at social media, maraming mga apps ang nagagamit para makapambiktima ng mga bata na i-gogroom para sa sex trafficking at iba pa.
Kaya naman para hindi maging biktima ang mga anak mo, narito ang mga apps na kailangan mong i-monitor o iwasan ayon sa Madill Police Department at sa iba pang sheriff’s office sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Social media apps
1. ASKfm
Maraming nahuhumaling sa app na ito dahil na rin sa taglay nitong entertainment value. Gamit kasi ito, makakapagtanong ang mga tao sa iyo ng kahit anong gusto nilang itanong.
Sa unang tingin ay mukhang masayang gamitin ang app, ngunit kung matagal ka nang gumagamit nito, alam mo na madalas ay nagiging tambayan ito ng mga bullies at iba pang klase ng mga masasamang tao.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
2. TikTok
Siguradong nakagamit ka na, maging ang iyong anak ng TikTok. Sa dami ng filters at mga nakakatuwang pwedeng gawin sa app, hindi nakakapagtakang maraming bata ang tuwang-tuwang gamitin ito.
Ngunit, ayon sa mga eksperto, dahil kaunti lang ang privacy controls ng app, madali lang maging biktima ng bullying ang sino mang gagamit nito. Madali lang ding makakita ng explicit content sa loob ng app.
What other parents are reading
3. SnapChat
Katulad ng TikTok, talaga namang nakakaaliw din ang SnapChat kaya maraming teens at maging mga bata ang gumagamit nito. Ayon sa Very Well Family, dahil hindi na-sasave ang photos at messages sa app, kahit na gumamit ka ng software para i-monitor ang mga telepono ng mga anak mo, hindi mo pa rin makikita ang mga larawan at messages na ipinadala nila.
Bukod pa riyan, kahit pa nawawala ang messages at mga larawan pagkaraan ng ilang segundo, pwede pa rin naman itong ma-screenshot ng sino mang makakakita. Maraming mga kabataan ang gumagamit nito para sa 'sexting' dahil madali lang itong itago. Kaya naman maraming sex offenders ang naeengganyong gamitin ito para makahanap ng susunod na mabibiktima.
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
4. Whisper
Ang Whisper ay isang social networking app kung saan pwede kang magbahagi ng mga sikreto nang walang nakakaalam ng iyong identity.
Madalas na hit ang app sa mga kabataang naghahanap ng platform kung saan pwede silang mag-share ng kanilang mga personal and relationship troubles. Bagaman hindi makikita ng iba kung sino ka, makikita naman nila kung nasaan ka kaya pinapayuhan nila ang mga gumagamit nito na mag-ingat.
5. Hot Or Not
Sa app naman na ito, i-rarate ng ibang users ang profile mo. Wala itong age verification process kaya naman hindi mahaharang ang anak mo kung sakaling i-download niya ang app. Kapag parehong nag rate ng "hot" ang dalawang users, makakapag-usap sila gamit ang messaging feature ng app.
What other parents are reading
Live-streaming at video chat apps
1. Live.Me
Noong nakaraang taon, marami nang binago ang live streaming app na ito matapos ipakita ng imbestigasyon ng FOX 11 ang katotohanang maraming pedophiles ang gumagamit nito para magsamantala sa mga bata.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon sa naturang imbestigasyon, may mga batang sampung taong gulang lang na naghuhubad dahil sa pambubuyo ng mga taong hindi nila kilala, kapalit ang virtual gifts at currency na kasama sa app.
Ayon sa team sa likod ng Live.Me, gumagamit na ngayon ang app ng facial detection software para makita kung mayroon bang mga underage na gumagamit ng app. Mayroon ding mga human moderators para masigurong walang menor de edad na makakagamit ng app.
What other parents are reading
2. Holla
Magagamit ng mga anak mo ang app na ito para makipagusap sa kahit sino saan mang bahagi ng mundo. Isang swipe lang at makakahanap na sila ng "match"—mula doon, makakapagusap na sila.
Ilan lamang ang mga ito sa mga apps na dapat mong siguraduhing hingi ma-aaccess ng mga anak mo. Nariyan din ang mga dating apps tulad ng Bumble, Grindr, Badoo, at Skout kung saan pwedeng ma-expose sa mga sexual content ang mga anak mo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPagdating naman sa mga games, kailangan mo silang bantayan kung maglalaro sila ng Fortnite, Minecraft, at Discord.
Maaalalang noong 2018, ibinahagi ng isang nanay sa kanyang Facebook account ang nakita niyang mga litrato ng virtual character ng kanyang anak na hinahalay ng iba. Roblox ang nilalaro ng kanyang anak nang makita niya ito. Ayon sa nakaraang ulat namin, ang Minecraft at Fortnite ay tahasang ginagamit ng mga sexual predators para makapanghalay ng mga bata.
Maging ang mga messaging apps tulad ng Whatsapp, Kik, at iba pa ay nagagamit na rin para sa kasamaan. Kaya naman kailangan ninyong paigtingin bilang mga magulang ang pagmomonitor sa mga apps na naka-install sa gadgets ng mga anak ninyo.

- Shares
- Comments