-
Love & Relationships Mom Of Twins Resorts To, Er, Extreme Measures To Stop Hubby's Long Bathroom Breaks
-
News Safer Batteries: Panawagan Ng Nanay Ng Nasawing Anak Dahil Sa Nalunok Na Button Battery
-
Labor & Childbirth 5 Reasons Why Babies Get 'Stuck' During Labor
-
Real Parenting 33 Honest Pieces of Advice for New Moms: 'Don't Buy Too Many Mittens. It Never Stays On'
-
4 Camps At Learning Schools Na Pwedeng Salihan Ng Anak Mo Ngayong Summer
Ito na ang pagkakataon ng mga bata para magkaroon ng mga bagong kaalaman.by Ana Gonzales .

PHOTO BY iStock
Malapit nanaman ang summer break ng mga bata. Mayroon ka na bang naisip na activities para sa kanila ngayong taon? Nakahanap ka na ba ng summer camp o play school kung saan sila pwedeng mag-enroll?
Kung wala pa, pwede kang pumili sa mga inilista naming recommendations mula sa mga nanay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Kinderfield Learning Center
(Facebook: @kinderfieldlearningcenterqc)
Maraming pwedeng gawin at matutunan ang anak mo dito. Mayroon silang Math and Educational Toys Area kung saan pwedeng maglaro ng pattern blocks, unifix cubes, counters, at marami pang ibang laruan na makakatulong para palawakin ang kanyang Math skills.
Mayroon din silang Science Area, kung saan maeengganyo ang mga bata na sumubok ng mga simple at ligtas na scientific experiments. Ang Dramatic and Housekeeping Area naman nila ay isang pretend area na makakatulong para sa imagination at pakikisama ng iyong anak.
May art area at music area din sila na bagay na bagay sa mga anak mo kung nakakakitaan mo sila ng potensyal sa sining at musika.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Hello Munchkins Play Cafe
(Facebook: @hellomunchkins)
Talagang engaging naman ang mga activities na mayroon dito. Mayroon silang ballet, karate, at ukulele. Inooffer din sila ang tinatawag nilang Ready, Steady, Go Sports at arts and crafts.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMayroon din silang cooking at baking classes na magugustuhan ng mga anak mo na mahilig magluto.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMay mga libreng trial classes ang Hello Munchkins Play Cafe—abangan mo lang ang mga schedules sa kanilang Facebook page.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
ILS Study Center
(Facebook: @ILSstudycenter)
Kung gusto mo namang mas maging matatas ang iyong anak sa pagsasalita ng wikang Filipino, pwede mo silang isali sa summer classes ng ILS Study Center.
Mayroon din silang Life Skills Bootcamp, taekwondo classes, at art workshops. Mayroon din silang Lego Camp na ginagawa nila kasama ang Bricked MNL.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Bert Lozada Swim School
(Facebook: @BertLozadaSwimSchool)
Importanteng life skill ang paglangoy. Kaya naman kung hindi pa marunong ang anak mo, pwede mo siyang i-enroll ngayon summer sa swimming lessons. Isa sa mga laging nirerekomenda ng mga nanay sa Village ang Bert Lozada Swim School.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSiguradong matutuwa ang mga anak mo sa swimming lessons. Hindi nila namamalayan, natuto na silang lumangoy, nakapag-exercise pa sila.
Anu-anong summer lessons na ang nasubukan ng anak mo? Anu-ano pa ang mga gusto mong matutunan niya? I-share mo na 'yan sa comments section.
Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makipagkwentuhan sa ibang mga nanay na tulad mo.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network