-
Mabisang Paraan Kung Paano Disiplinahin Ang Batang Nananakit
Naninipa o nanghahampas ba ang anak mo?by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Isang nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang dumaing samin na napapadalas na ang pananakit sa kanya ng toddler niya. Kwento ni mommy, lagi raw siyang 'binubugbog' ng anak niya kapag hindi nito nakukuha ang gusto.
Bagaman maraming mga magulang ang nakisimpatiya sa pinagdaraanan ni mommy, hindi pa rin maaalis sa kanya na mag-alala kung normal pa ba ang pagiging mapanakit ng anak niya. Ayon sa mga eksperto, oo. Sadya raw talagang dadaan sa ganitong stage ang mga bata.
Sabi ni Dr. William Sears, hindi pa raw kasi kayang ipahayag ng mga bata ang kanilang nararamdaman kaya lumalabas ito bilang pananakit. May mga batang nanghahampas, nananabunot, nangangagat, naninipa, at may ilan pang nanununtok o nambabato.
Bagaman normal ang ganitong mga pangyayari, hindi ibig sabihin nito na hahayaan mo na ang anak mo na manakit. Kailangan mo pa rin siyang turuan kung paano maayos na maipapahayag ang kanyang sarili.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Narito ang mga mabisang paraan para matulungan mo ang anak mong nananakit:
I-acknowledge mo ang nararamdaman niya
Tulad mo, nagagalit din ang mga bata. Ang pinagkaiba lang, hindi pa nila alam kung paano maayos na maipapahayag ang kanilang galit.
Kaya naman sa halip na sabihan mo ang anak mo na itigil ang pag-iyak, i-acknowledge mo ang galit at frustration na nararamdaman niya.
Huwag mong sabihin o iparamdam sa kanya na hindi siya pwedeng magalit o ma-frustrate.
Turuan mo siya ng mas magandang paraan para magalit
Kung magsimula ang anak mo na saktan ka, sabihin mo sa kanyang pwede siyang magalit, ngunit kailanman ay hindi siya pwedeng manakit.
Dito mo na siya pwedeng turuan ng mga paraan kung paano magalit nang tama. Pwede siyang sumigaw, pumadyak, o tumalon, ngunit hindi siya pwedeng manghampas, manghila, manabunot, at iba pa.
Sa ganitong paraan, tinuturuan mo ang anak mo na tanggapin ang nararamdaman niya, ngunit iwasan na manakit ng kapwa.
CONTINUE READING BELOWwatch nowIwasang mamalo
Ayon sa mga eksperto, hindi ka makakatulong sa anak mo kung papaluin mo siya sa tuwing mananakit siya. Sa halip, tinuturuan mo siya na huwag i-express ang kanyan galit, lungkot, o frustration ng maayos.
Tandaan na ang mga emosyong tulad ng galit ay normal—kailangan mo lang ng ligtas at tamang paraan para ipahayag ito.
Bukod pa riyan, malilito rin ang anak mo kung papaluin mo siya habang itinuturo mo sa kanya na masama ang nananakit o namamalo.
Ipakita mo sa anak mo na naiintindihan mo siya
Malaki ang posibilidad na mas mabilis kakalma at tatahimik ang anak mo kung makikita at mararamdaman niya na naiintindihan mo kung bakit siya nagagalit at nananakit.
Kaakibat ng pagsabi sa kanya na naiintindihan mo siya, pwede mo ring iparamdam na kakampi ka niya sa pamamagitan ng mga paghaplos at marahan na paghawak sa kanya.
Bukod sa comforting ang ganito para sa mga bata, isa rin itong magandang paraan para ipakita sa kanila kung paano ang mga tinatawag na soft gestures.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Hindi maikakailang mahirap talagang mag-alaga ng mga toddlers, lalo na ngayon na nasasanay silang nakukuha agad kung anong gusto nila. Pero hindi ibig sabihin nito na hindi mo na sila matuturuan ng tamang asal.
Ang pag-iisip ng mga toddlers ay pwede pang hulmahin, basta't ika'y matiyaga at motivated na turuan sila, siguradong magiging matagumpay ka sa pagpapalaki ng isang responsable at mabait na bata.
Nasaktan ka na ba ng anak mo habang nagtatantrum siya? Anong ginawa mo? Paano mo ito hinandle? Paano mo pinaliwanag sa kanya na mali ang ginagawa niya? I-share mo 'yan sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments