embed embed2
  • Lagi Akong Naiinis At Nagagalit! Paano Maging Kalmadong Magulang?

    Pwede mong subukan ang mga techniques na ito kung madalas na maiksi ang pasensya mo.
    by Ana Gonzales . Published Feb 28, 2020
Lagi Akong Naiinis At Nagagalit! Paano Maging Kalmadong Magulang?
PHOTO BY iStock
  • Nakakapagod maging magulang kaya hindi nakapagtataka kung minsan ay nasasagad at napipikon ka. Hindi ka masamang magulang kung sakali mang may mga pagkakataon na napapagalitan mo ang iyong mga anak.

    Sa kabilang banda, hindi rin makakabuti sa mga anak mo, pati na rin sa partner mo kung madalas kang nagagalit sa kanila. Kaya naman para hindi masira ang relasyon mo sa iyong mga mahal sa buhay, pwede mong subukan ang ilan sa mga paraan na ito para maging mas kalmadong magulang.

    What other parents are reading

    Bigyan mo ang sarili mo ng timeout

    Kung binibigyan mo ang mga anak mo ng timeout kapag nagta-tantrums sila, bakit hindi mo rin bigyan ng panahon ang sarili mo para kumalma kapag nagagalit ka?

    Makakatulong ang pananahimik ng tatlo hanggang limang minuto para maiwasan mong makapagsalita ng kahit anong pagsisisihan mo sa huli.

    What other parents are reading

    Mag-isip, huwag mag-react

    Maraming bahagi ng pagiging magulang ang unpredictable. Kung palagi kang magrereact nang hindi nag-iisip sa lahat ng mga bagay na mangyayari at nangyayari sa iyo, mabilis kang maiinis at makakaramdam ng stress.

    Ayon sa isang Huffpost article, makakatulong kung sasanayin mo ang sarili mo na maging isang mindful na magulang. Sabi pa ng mga eksperto, mas mainam maging responsive kaysa reactive o iyong pag-iisip muna bago gumawa ng kahit ano.

    Halimbawa, kung naitapon ng anak mo ang kinakain niya, sa halip na mag-react at magalit agad, mas mainam na huminto ka muna at mag-isip. Unahin mong hanapin ang solusyon bago pa man ang kahit anong reaksyon.

    What other parents are reading

    Magpractice ng maraming relaxation techniques

    Pwede kang mag yoga, mag pilates, o 'di kaya ay mag meditate. Mas relaxed ka, mas madali mong mahahandle ang stress at galit mo. Mayroon ding mga breathing techniques sa YouTube na pwedeng makatulong para manatili kang kalmado.

    Maging mabait sa iyong sarili

    Masyado ka bang harsh sa iyong sarili? Masyado bang mataas ang mga expectations mo? Kung palagi mong pinepressure ang sarili mo nang higit sa kaya mo, magkakaroon ka talaga ng tendency na maging masungit.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Patong-patong man ang mga responsibilidad mo bilang magulang, hindi ito sapat na dahilan para hindi ka maging mabait sa iyong sarili. Kailangan mong bigyan ang sarili mo ng panahon para magpahinga. Hindi ka magiging kalmadong magulang kung masyadong malaki ang mga expectations mo.

    What other parents are reading

    Bawasan mo ang panahon mo online

    O 'di kaya ay i-follow mo ang mga social media pages na nagpapasaya at nagbibigay inspirasyon sa iyo. Hindi masama ang social media kung gagamitin mo ito nang may balanse.

    Pero kung nararamdaman mo na hindi positibo ang epekto sa iyo ng social media, mas magandang bawasan mo ang paggamit nito. Kung napapansin mong madalas kang mainggit at hindi mo ma-control ang pagkukumpara mo sa iba, baka hindi ka dapat nagtatagal online.

    Ang stress at pressure na kaakibat ng kagustuhang magkaroon ng 'social media perfect life' ay maaaring makaapekto sa pakikitungo mo sa iyong pamilya.

    What other parents are reading

    Magpahinga ka

    Napansin mo ba na mas mahaba ang iyong pasensya kapag mas mahaba ang iyong tulog? Ayon sa mga pag-aaral, malaki ang epekto ng kakulangan o kawalan ng tulog sa mood ng isang tao. Maaaring tumaas ang iyong anxiety levels at pwede ring mas umiksi ang iyong pasensya.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Maaapektuhan din ng kakulangan ng tulog ang kakayahan mong mag-isip. Mas madali kang mainis at mas mahirap para sa iyo na mag-isip ng mga solusyon kung may ma-encounter ka mang problema.

    What other parents are reading

    Makipagkwentuhan ka sa mga mommy friends mo

    Masarap at magaan sa pakiramdam kapag alam mong hindi ka nag-iisa sa mga struggles. Para maging kalmadong magulang, kailangan mo ng mga kaibigang makakausap mo tungkol sa mga bagay-bagay na nagpapabigat sa kalooban mo.

    Magkaroon ka ng hobby

    Hindi dapat hadlang sa pagkakaroon mo ng hobbies ang pagiging magulang mo. Ang hobbies kasi ang magiging paraan mo para makapagrelax. Maging pagbabasa man 'yan o 'di kaya ay panonood ng mga pelikula, siguraduhin mong may inilalaan kang panahon. Huwag mong kalimutan ang sarili mo kahit na magulang ka na.

    What other parents are reading

    Hindi ibig sabihin na masama kang magulang kung nagagalit ka. Tandaan na ang galit ay normal na bahagi ng pagiging tao. Makakasama lang ito kung madalas at matindi kang magalit hanggang sa punto na nasasaktan mo na ang damdamin ng mga mahal mo sa buhay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaari ring makatulong para maging kalmadong magulang ka kung uupo ka at pag-iisipan mo kung bakit mabilis kang magalit. May mga frustrations ka ba? May mga gusto ka ba na hindi mo magawa? May mga hindi ka ba masabi?

    Importante rin na maintindihan mo na maraming bagay ang wala sa iyong control. Kung lahat ng bagay sa paligid mo ay pasusunurin mo ayon sa gusto mo, lagi kang makakaramdam ng disappointment at lagi ka ring magagalit.

    Gaya nga ng madalas nating sinasabi, hindi madaling maging magulang. Pero hindi rin ibig sabihin nito na hindi mo na pwedeng i-enjoy ang bawat moment.

    What other parents are reading

    Lagi ka bang nagagalit? Mainitin ba ang ulo mo? Anong ginagawa mo para hindi mo mapagbuntunan ng galit ang mga anak mo? Anu-ano ang mga ginagawa mo para maging kalmadong magulang? I-share mo na ang iyong mga techniques sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close