embed embed2
  • Takot Ba Ang Anak Mo Sa Math? Narito Ang Sikreto Ng Isang Nanay

    Para hindi mahawa ang anak niya sa kanyang takot sa Math, gumagamit siya ng mga creative na pamamaraan para turuan ito.
    by Ana Gonzales .
Takot Ba Ang Anak Mo Sa Math? Narito Ang Sikreto Ng Isang Nanay
PHOTO BY courtesy of Angel Limjap-Lozano
  • Aminado si mommy Angel Limjap-Lozano, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, bata pa lang siya, hirap na siyang umintindi ng kahit anong may kinalaman sa math.

    Tinawag pa nga niya ang sarili niya na 'math hater'. "Sinabi ko pa sa nanay ko na math professor, 'Bakit pa kasi nabuhay dito sa mundo ang mga nag-imbento ng mga [theories] na 'yan—pampahirap lang sila sa pag-aaral,'" kwento niya.

    What other parents are reading

    Kaya naman ngayong may anak na si mommy, gusto niyang masiguro na hindi lalaking takot sa math ang anak niya. Limang taong gulang na ang kanyang anak na pre-kinder. Noong isang taon ay sinimulan na niyang turuan ito ng math gamit ang ilang creative na pamamaraan.

    Sa kasalukuyan, mayroon na silang lessons na tungkol sa shapes, sizes, weight, patterns, at numbers. Sinusubukan na rin ng anak niya na mag sort ng mga objects, mag-add, mag-subtract, at mag-problem solving. Mayroon na rin silang mga aralin tungkol sa fractions.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Para i-reinforce ang kaalaman ng kanyang anak, pinag-aral niya ang anak niya ng Singapore Math. Ito ay isang teaching method na may three-step learning model—concrete, pictorial, at abstract.

    Umiikot ito sa paniniwala na para matuto ang mga bata ng math, kailangan muna nilang matuto ng problem solving at magdevelop ng mathematical thinking.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "Sinasabi doon sa orientation ng Singapore Math na hindi spoon-feeding ang method nila. Mag aanalyze talaga sila ng problems by using math tools or toys," pagbabahagi ni mommy. "Dito talaga naisip ko na gusto ko ma-enjoy ng anak ko ang math at ayaw kong ipamana sa kanya 'yung naging galit at hinanakit ko sa math [noong] nag-aaral pa ako," dagdag pa niya.

    Narito ang ilan pa sa mga best toys for math na ginagamit ni mommy para hindi matakot ang anak niya sa numbers:

    Wooden blocks

    Ito ang ginamit ni mommy para matuto ang anak niya na mag-sort ng shapes. Kailangang mailagay ng anak niya ang tamang shapes sa tamang bucket.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Nirecycle lang ni mommy ang mga laruang natanggap ng anak niya bilang regalo.
    PHOTO BY courtesy of Angel Limjap-Lozano
    Enjoy na enjoy naman si baby sa pag-aaral niya.
    PHOTO BY courtesy of Angel Limjap-Lozano
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "'Yung mga blocks na may mga iba't-ibang shapes, 'yun ang ginamit niya para ma-identify niya [ang] mga shapes kung saan dapat ilagay according to label," paliwanag ni mommy.

    What other parents are reading

    Stacking Cookies

    Natanggap ni baby ang laruan na ito mula sa isa sa kanyang mga ninong. Pagpapatung-patungin niya ang cookies at saka niya bibilangin kung ilang piraso na ito.

    Isang cute na paraan naman para matuto ng math ang laruang Stacking Cookies.
    PHOTO BY courtesy of Angel Limjap-Lozano
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Dahil may iba't-ibang itsura ito, pinagamit ko na rin sa kanya ang one by one at two by two na pattern," kwento ni mommy.

    What other parents are reading

    Bucket Balance

    "Una kong nakita ang laruan na ito sa learning center ng Singapore Math kung saan ko pinag enroll ang anak ko," pagbabahagi ni mommy. "Ginamit ko ito sa lesson na 'weights of things' o 'yung tungkol sa light or heavy," dagdag pa niya.

    Gumamit din daw si mommy ng mga lumang lalagyan ng gamot na pinuno niya ng coins at siya nilang pinagkumpara kung alin ang magaan at mabigat.

    Sa sobrang cute ng laruan na ito hindi mamamalayan ng anak mo na natututo na siya ng math.
    PHOTO BY courtesy of Angel Limjap-Lozano
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Ginamit ko rin ang mga illustrations na galing sa libro. Nag-scan ako at print [ng kopya] na idinikit [ko] sa mga lumang lalagyan ng gamot," paliwanag ni mommy. "Example, ang illustration ay eroplano, tapos 'yung isang lalagyan ng gamot kaunti lang ang coins para less lang ang bigat—doon ko naman idinikit 'yung illustration na kotse. [Saka ko pinalagay sa anak ko ang illustration ng eroplano at kotse. Doon niya nakita at nalaman kung alin sa dalawa ang mas mabigat."

    What other parents are reading

    Math Balance

    Ayon kay mommy, magandang gamitin ang mga toys for math na ito para turuan ang anak mo ng konsepto ng 'greater than' at 'less than'.

    Mas nakakaengganyo sa mga bata kung may mga laruan silang magagamit para sa kanilang pag-aaral.
    PHOTO BY courtesy of Angel Limjap-Lozano
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Katulad ng Bucket Balance, malinaw na makikita ng anak mo kung alin ang 'mas malaki' at 'mas maliit' na number dahil sa pag-galaw ng balanse o scale ng laruan.

    USL Link Cubes

    Ginamit din ni mommy ito para maituro sa anak niya kung ano ang lowest at highest number—kapag lower number, kaunti lang ang cubes, kapag naman higher number, mas marami ang cubes.

    Isa ito sa mga madalas na ginagamit ni mommy at ng kanyang anak.
    PHOTO BY courtesy of Angel Limjap Lozano
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Ito na rin ang ginamit ko para sa addition at subtraction dahil may pare pareho itong mga kulay," kwento pa ni mommy.

    Intelligent Sticks

    Sabi ni mommy, ginamit niya ito para turuan ang anak niya na magbilang at para na rin maintindihan nito ang konsepto ng small and large numbers. Ginamit niya ito kasabay ng USL Link Cubes, para mas lalong maging malawak ang pang-unawa ng anak niya sa mga numbers.

    Barrel of Monkeys

    Kwento ni mommy, isa ang laruan na ito sa mga toys for math na pwedeng gamitin para hindi maging spoon-feeding ang pagtuturo ng numbers sa kanyang anak. Bukod sa paggamit dito para sa addition, ginamit rin ito ni mommy para sa subtraction. "Nirelate namin ito sa kantang Five Little Monkeys, pero ang tanong ko naman dito, how many monkeys should jump off the bed?" paliwanag ni mommy. "Dahil 'jump off the bed' na ang monkeys, kailangan itong alisin ng anak ko," dagdag pa niya. Saka bibilangin ng anak niya kung ilang unggoy na lang ang natira sa kama.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    May storytelling pang kasama ang math problems nila.
    PHOTO BY courtesy of Angel Limjap-Lozano

    Bukod pa sa mga laruang ito, ginagamit din ni mommy ang mga toys na nakukuha nilang mag-ina mula sa fast food chains. Ayon sa kanya, madalas daw kasi itong ipasalubong sa kanyang anak. Sa halip na nakatambak lang, ginagamit nila ito para mas maging masaya ang pag-aaral ng addition at subtraction.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagdating naman sa word problems, gumagamit si mommy ng mga tunay na bagay na pwedeng i-represent ang mga kabilang sa word problems na mayroon sila. Para naman sa fractions, naggugupit talaga si mommy ng mga shapes at figures mula sa mga activity books. Sa ganitong paraan, nakikita talaga ng anak niya kung paano at ano ang ibig sabihin ng 'equal parts'. 

    What other parents are reading

    Kwento ni mommy, dahil sa mga ginagawa niyang pamamaraan na ito at sa mga toys for math na ginamit niya, unti-unti nang na-aappreciate ng anak niya ang pag-aaral ng addition, subtraction, at iba pa. Sa katunayan, tuwing gagawa nga raw sila ng assignment, gusto ng bata na mauna nilang talakayin ang math. 

    Struggle ba para sa iyo na turuan ng math ang anak mo? Takot ba sila sa addition, subtraction, at iba pa? Pwede mong subukan ang mga techniques ni mommy. I-share mo sa comments section kung gagana ito para sa anak mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles