embed embed2
First-Time Mom Asks For Help, 'Ayoko Ng Makalat Na Bahay, Kaso Ang Kalat Ng Anak Ko'
PHOTO BY SHUTTERSTOCK
  • Hindi na kinaya ng isang mommy sa Smart Parenting Village ang frustration niya tuwing nagkakalat ang anak niya ng mga laruan. Nagpost ito anonymously, at umasang makakakuha ng payo mula sa mga kapwa magulang sa Village.

    Sabi ng first-time mom, "I just want to ask. Para sa mga walang playpen or playroom for their kids, how do you handle your toddler's mess? Sobrang kalat ng anak ko. He's 3 years old. And everytime he's going to play, sabog lahat ng toys niya." 

    Aniya, bumili sila ng murang playpen sa Shopee, ngunit nasira ito ng anak niya. "And sobrang nafufrustrate ako kasi everytime naglilinis ako, hindi pa ko tapos kalat na naman siya."

    Marunong naman daw magligpit ng laruan ang kanyang LO, pero may times na hindi ito madaan sa pakiusap. "Basta kapag ayaw nya, hindi talaga siya magliligpit. Pag pinagalitan ko naman at umiyak, kukunin ng biyenan ko na sa baba lang namin nakatira."

    Ang mga nagawa na niyang paraan ay in-organize niya ang mga laruan ni LO per tote bag at inilagay niya sa Megabox. "Pinagsama ko lahat ng dapat magkakasama at para kapag mag-o-open sya ng toys, hindi sana sabay-sabay. Kaso ganun pa din."

    "Ayoko ng makalat na bahay. Kaso ang kalat ng anak ko," sabi niya. 

    Mga pampalubag-loob para sa mga magulang ng makalat na toddler

    Bilang isang nanay rin ng toddler, para bang araw-araw na pasakit ang pagliligpit ng laruan. Lalo na para sa mga condo dwellers o nakatira sa apartment na hindi ka makakalatag ng kama kung hindi mo liligpitin ang mga laruan. Kaya minsan, mindset-mindset na lang, eh! Habang pinupulot ang mga laruan, sinasabi ko nalang sa sarili ko, "Therapeutic ito, therapeutic!" 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Familiar, ma?
    PHOTO BY JUDY SANTIAGO ALADIN

     

    Kaya naman, noong mabasa ko ang mga payo ng mga moms and dads kay anonymous mom, natuto rin ako ng mga pwedeng gawin! Heto ang top pampalubag-loob para sa mga makakalat na toddler:

    "Lower your standards muna, ma!"

    Ayon kay mommy Windy Lim, naranasan din niya ito noong toddler pa ang kanyang anak. Aniya, tanggapin na laman na magulo ang bahay dahil sa laruan, kung yun ang kapalit na hindi sila maglalaro ng gadgets. "Since I choose na no gadgets sila, I also have to accept na ganyan ang magiging situation, toys everywhere."

    Sabi ni Mommy Windy na mom of two, pasasaan pa't matututo din naman daw sila basta't habaan lang ang pasensya na turuan sila na magligpit habang bata pa. "Now my 9 years old is very responsible na with her mess kasi na-train ko na nung bata pa lang."

    Payo niya, kung walang budget sa playpen, magtalaga ng lugar sa bahay na pwede nilang gawing palaruan, at kahit anong kalat nila sa lugar na yun ay okay lang, at tuwing gabi na lamang magliligpit. "Just be consistent with your toddler, better sabay kayong mag-clean [up] para may role model siya."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    READ ALSO: Mom From Davao City Spent Only P1,000 to Make This Giant Playpen

    "Kids will be messy, period. Lower your standards muna!" dagdag pa niya.

    "Okay lang makalat, basta masigla!"

    Ayon naman kay Mommy Ai Tomihari-Alamo, dama niya si anonymous mom. Ayaw na ayaw rin daw niya na makalat sa bahay nila.

    "But when LO came to our lives, tinanggap na namin. Ang nasa mindset namin is okay lang maging playful and makalat, basta masigla at masayang naglalaro," paliwanag niya.

    Tulad ni Mommy Windy, okay lang ang kalat dahil iwas TV naman si LO.

    Payo niya, "Embrace mo nalang Mommy, tutal naman mukhang natuturuan niyo naman si LO na magligpit. In time, makikita at makikita niya sa inyo how you clean up at gagayahin ka rin niya."

    Iba rin naman kasi kapag tahimik sila, diba?

    "Pikit mo nalang mata mo, ma!"

    Biro naman ni Mommy Ladylyn Palaganas na mom of two, "Ako po, pinipikit ko na lang mata ko para di ko makita ang kalat, haha!"

    Ayon kay mommy na may mga anak na 5-year-old boy and 2-year-old girl, literal na makalat kapag naglalaro sila. "Minsan nga gusto ko na lang itago, ipamigay, pero dun din kasi nila nadedevelop ung discipline, sensory skills and creativity. Minsan sila nagliligpit, pero mas madalas pa rin na ako.

    Dagdag pa niya, tanggap nalang niya na parehong nasa kalat era ang mga anak niya. "So yeah, makalat ang bahay ko sa ngayon. Okay lng, sabi nga nila, minsan lang sila bata."

    READ ALSO: Sabi Nina Mommy At Daddy: 'No Mall, No Problem! Bumuo Na Lang Kami Ng Indoor Playground'

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Matapos mabasa ang halos 200 comments sa post niya, sumagot si anonymous mom, "Salamat sa inyo. Siguro, nappressure lang din ako kasi nakakarinig ako na napag-uusapan ako minsan ng ibang family members ni hubby na dito din sa building nakatira." Paliwanag niya, sa apartment ng in-laws sila nakatira pero hindi sila nagbabayad ng upa. "Kaya madalas nakikita na makalat yung bahay."

    READ ALSO: How to End the Love-Hate Relationship You Have With Your MIL

    Normal ang makalat 

    Sa US, trending naman ang isang nanay na walang kiming pinost sa TikTok ang video ng kanilang maduming bahay. Ang pinakasikat niyang video na may higit 5 million views ay nagpapakita ng kanyang makalat na bahay, ulat ng Motherly.

    Ayon kay Brianna James na kilala rin bilang si Messy Mama of 4 sa TikTok, hindi naman madumi ang kanyang bahay, makalat lang talaga ito. Maraming nanay ang naka-relate lalo na't sinabi niya sa isang video na ilang araw siyang hindi nakapaglinis ng bahay dahil tinamaan ang pamilya niya ng Covid-19.

    Sa panayam niya sa Good Morning America, sabi niya na hindi niya ininda na ipakita ang makalat nilang bahay sa social media dahil nakakatulong ito na maging mas accountable siya na maglinis.

    @themessymama4

    my accountability check to see if I can clean my dining room and kitchen ????????‍?????? it's bad I know

    ? Oh No - Kreepa

    "I want people who may not be in my shoes to understand that it's normal in a way as long as you know you're not going to live with it. And then also to show people who are in my shoes, that they're not alone," sabi niya sa GMA.

    Sa pagkakalat sila natututo

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon naman kay Deborah Stewart, isang private preschool educator, nakakaramdam din siya ng frustration tuwing nagkakalat ang mga estudyante niya - maging ito ay mga pira-pirasong papel o glue. Bukod sa nakakapagod ligpitin, magastos din ito!

    Pero sabi niya, kung tatanggalin ang mga bagay na kinaiinteresan ng mga bata gaya ng papel at pandikit, dahil lang sa nanghihinayang siya, baka tuluyang mawalan ng interes ang mga bata na mag-explore. Sabi niya, “Essentially, art becomes less fun and the children suddenly start thinking, ‘we don’t like art.’”

    Kung ang makalat na bahay ay hindi natin gusto bilang mga nanay, pero ito ang makakatulong sa mga anak natin upang sila ay maging masaya at matuto, hindi ba't sulit naman ang pagod at oras natin magligpit ng mga ito? 

    Akap sa lahat ng mga nanay! Today is another day to make kalat and ligpit! Anong payo mo kay first-time mom?

    Madaldal, magulo ang gamit ng anak mo? Sign daw yan na matalino siya! Basahin dito kung ayaw mo maniwala. :)

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles