embed embed2
  • Paano I-Potty Train Si Baby At Kailan Nga Ba Dapat Magsimula?

    Narito ang ilang paraan para turuang gumamit si baby ng toilet.
    by Jhem Bon .
Paano I-Potty Train Si Baby At Kailan Nga Ba Dapat Magsimula?
PHOTO BY iStock
  • Isa sa mga pinakamahahalagang milestones ng mga bata ay ang tamang paggamit ng toilet. Bukod kasi sa hindi na kailangang mag-diaper ng iyong anak, ito ang simula ng kanilang pagiging independent.

    Ngunit, kung nagsisimula ka nang mag-potty train, alam mong hindi ito madali. Katunayan, maraming mga nanay ang nahihirapan sa potty trainer, lalo na ang mga inang babae ang anak. 

    Sa aking experience, dalawang taon na ang anak kong babae nang magsimula kami ng potty training. Sinimulan ko sa pamamagitan ng pag-aalis ng diaper niya tuwing umaga.

    More from Smart Parenting

    Maya't-maya ko siyang tinatanong kung naiihi ba siya at kung sabihin man niyang hindi, paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na magsabi sa akin kapag naiihi siya. Matagal din bago niya natutunan ito—kailangan talaga ng maraming tiyaga at pasensya. 

    Isang paboritong usapin din ito sa mga mommy communities tulad ng aming Facebook group na Smart Parenting Village. Narito ang ilan sa mga mungkahi ng mga nanay pagdating sa potty training: 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mag-invest sa magandang potty trainer

    Ayon sa mga nanay sa Village, importante ang pagpili ng dekalidad na potty trainer. Malaki kasi ang maitutulong nito pagdating sa pagtuturo sa anak mo ng tamang paggamit ng toilet

    Isang mommy mula sa Smart Parenting Village ang nag-share ng nabili niyang potty trainer. Importante na alam mo ang mga "cues" ng anak mo. Mahalagang turuan mo siya na sabihin sa iyo kung naiihi o nadudumi na siya. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    More from Smart Parenting

    Maging mabuting halimbawa

    Kung may space sa inyong banyo, makakatulong kung doon nakalagay ang potty trainer ni baby. Iyon kasi ang magsisilbing palatandaan niya na tuwing kailangan niyang umihi at dumumi, sa banyo siya pupunta.

    Ipaliwanag mo sa anak mo na mayroon din kayong toilet ng daddy niya at doon pupunta kung kailangan.

    Gawin itong regular na habit

    Payo ng mga nanay sa Village, epektibo kung iuupo mo ang iyong anak sa toilet paggising niya pa lang. Ayon sa isang nanay na nagbahagi ng kanyang tip, apat na buwan pa lang ang anak niya nang turuan niyang umupo sa toilet tuwing umaga.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi niya, kahit na hindi pa makaihi ang iyong anak, mahalagang turuan siyang maupo sa toilet para ma-condition ang kanyang isip na tuwing umaga, doon iihi o dudumi.

    More from Smart Parenting

    Huwag magalit kay baby kung hindi niya agad makuha ang punto ng toilet

    Kung nasanay ang anak mo sa diaper, huwag mong asahang matututunan niya agad ang paggamit ng toilet. Ayon pa sa mga nanay sa Village, tiyaga talaga ang kailangan para maturuan si baby na gumamit ng toilet.

    Kung magagalit ka sa anak mo tuwing magkakamali siya, magiging pangit ang tingin niya sa toilet at matatakot siyang magkamali. Kailangan mong maging matiyaga sa pagpapaliwanag sa kanya kung bakit sa toilet siya dapat umuhi at dumumi.

    More from Smart Parenting

    Walang isang paraan para turuan ang bata na gumamit ng toilet. May mga bata na kusang umaayaw na gumamit ng diaper at mas gusto nang gawin ang kanilang "business" sa inyong banyo. Ngunit mayroon namang mga bata na matagal bago matutunan ang gagawin—huwag ma-pressure na i-potty train agad ang inyong anak. Maaari mong subukang gawin ito ng maaga ngunit huwag pilitin kung nakikita mong hindi pa handa ang iyong anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magandang panahon din na i-potty train ang iyong anak kapag nakakapagsalita na siya at nasasabi na niya kung ano ang mga kailangan niya. Sa ganitong paraan, matatawag niya ang atensyon mo kung kailangan niyang gumamit ng banyo.

    Ang potty trainer ay may iba’t-ibang kulay at disenyo na kahali-halina sa mata ng mga bata. Makakatulong ito na maengganyo silang magsanay. Pero hindi lahat ng bata ay gusto nito. Huwag mabahala kung ayaw ng inyong anak na maupo sa potty trainer. 

    Paano mo tinuruang gumamit ng toilet ang anak mo? Ibahagi mo ang iyong mga tips sa comment section o hindi kaya ay sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles