embed embed2
  • Lumalaking Sinungaling? Paano Turuan Ang Anak Na Hindi Matakot Magsabi Ng Totoo

    Bakit nga ba natutuong magsinungaling ang mga bata?
    by Ana Gonzales .
Lumalaking Sinungaling? Paano Turuan Ang Anak Na Hindi Matakot Magsabi Ng Totoo
PHOTO BY Shutterstock/siro46
  • May mga pagkakataon bang iba ang sinasabi ng anak mo kumpara sa talagang ginawa niya? Itinatanggi ba niya ang ilang bagay sa iyo kahit alam mo naman kung anong totoo?

    Hindi na bago ang ganitong gawain. Sa katunayan, maaari itong magsimula habang bata pa ang anak mo. Ito 'yung mga pagkakataong hindi nila inaamin na sila ang nag-drawing sa pader o nagkalat sa kwarto.

    Sa umpisa, cute pa ito. Pero paano kung teenager na sila at mas napapadalas na ang hindi nila pagsasabi ng totoo? Kailan ka nga ba dapat mag-alala? Paano nga ba pigilan ang pagsisinungaling ng mga bata habang maaga pa?

    Normal ba ang pagsisinungaling?

    Ayon sa mga eksperto, hindi lahat ng pagsisinungaling ay masama. Lumalabas sa mga pag-aaral na milestone maituturing ang pagsisinungaling ng mga batang nasa preschool age.

    Ibig sabihin kasi nito ay nag-iiba na ang paraan ng anak mo para i-proseso ang mga impormasyong nakukuha niya. Normal ding maituturing ang pagsisinungaling sa edad na 4 hanggang 17. Sa edad na 7, nagiging magaling nang magsinungaling ang mga bata—minsan ay hindi na ito nahahalata ng mga magulang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag 17 years old na ang anak mo, nababawasan ang pagsisinungaling.

    Bakit nagsisinungaling ang mga bata?

    Madalas may lehitimong dahilan ang mga bata kung bakit sila nagsisinungaling. Maaaring ayaw nilang mapagalitan o 'di naman kaya ay umiiwas sila sa parusa. Pwede ring ayaw nilang ma-disappoint ang mga magulang nila o 'di kaya ay umiiwas sila sa komprontasyon.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Paano matitigil ang pagsisinungaling ng mga bata?

    Maging conscious sa kung paano mo kausapin ang anak mo

    Mabilis ka bang magalit kapag nagkakamali ang anak mo? Namamalo ka ba agad at hindi ka nakikinig sa paliwanag? Open ka ba sa pakikipagusap o may husga ka na agad sa anak mo kapag nagkakamali siya?

    Ito ang mga reaksyong iniiwasan ng anak mo kaya nagsisinungaling siya. Gaano man kalaki o kaliit ang kasalanan ng anak mo, pilitin mong maging kalmado kung kakausapin mo siya tungkol dito.

    Sa halip na magalit ka sa kanya at sisihin mo siya sa ano mang bagay, kausapin mo siya nang kalmado at masinsinan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Huwag bigyan ng pagkakataon ang anak mo na magsinungaling

    Halimbawa, kung nakikita mo na na makalat ang kwarto ng anak mo, huwag mo nang tanungin kung naglinis na ba siya ng kwarto. Sa halip, tanungin mo siya kung anong oras o kailan niya balak linisin ang kwarto niya.

    Sa halip na tanungin mo kung sino ang nagkalat, manghingi ka sa anak mo ng suggestion kung anong magandang gawin para malinis ninyo ang bahay.

    Bukod sa matuturuan mo na ang anak mo na huwag magsinungaling, magiging aral din ito sa kanya na tignan ang pwede niyang gawin sa halip na mag-isip ng palusot.

    Matutong makinig

    Kapag nahuli mong nagsisinungaling ang anak mo, sa halip na magalit, ipakita mo sa kanyang wala siyang dapat ikatakot pagdating sa pagsasabi ng totoo.

    I-celebrate ang mga pagkakataong nagsabi ang anak mo ng totoo

    Halimbawang may ginawa ang anak mo na hindi maganda pero inamin niya ang ginawa niya, magandang ipakita sa kanya kung gaano mo na-appreciate ang pagsasabi niya ng totoo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede mong sabihin sa kanya na alam mo na nakakatakot magsabi ng totoo kaya proud ka sa kanya dahil pinili niyang maging honest at gawin ang nararapat.

    Bukod pa sa mga nabanggit, mahalaga ring ikaw mismo ay maging halimbawa sa mga anak mo. Panindigan mo ang mga pangako mo at lagi ka ring magsabi ng totoo.

    May iba ka pa bang tips para maturuang maging honest ang anak mo? I-share mo na iyan sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles