-
Palagi Kong Nasisigawan Ang Anak Ko, Paano Ba Kumalma?
Pwede mo ring gamitin ang mga ito kapag naiinis ka na sa asawa mo.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sa isang nauna nang Smart Parenting article, sinabi naming ang pagsigaw ay hindi maganda at epektibong paraan ng pag-handle o pag-manage sa tantrum ng iyong anak.
Bagaman alam nating hindi maganda ang nagiging epekto ng pagsigaw sa mga bata, napakahirap pa ring pigilan nito—lalo na kung pagod ka sa trabaho at patong-patong ang mga iniisip mo.
Kaya naman para maiwasan mo ang pagsigaw at hindi ka na ma-guilty sa tuwing didisiplinahin mo ang anak mo, inilista namin ang ilang paraan para mas humaba pa ang pasensya mo.
What other parents are reading
Pampakalma techniques para maiwasan ang pagsigaw
Alamin mo kung ano ang mga triggers mo
Walang nanay (o tao) na basta-basta na lang sisigaw nang walang dahilan. Malimit, ang pagsigaw ay rekasyon sa isang bagay.
Anu-ano ba ang mga bagay na maaaring magpagalit sa iyo ng matindi? Pagod? Kawalan ng tulog? Gutom?
Tanungin mo ang sarili mo, kailan mo ba huling nasigawan ang mga anak mo? Bakit mo sila nasigawan? Dahil maingay sila? Dahil makalat sila? Dahil makulit sila?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung alam mo ang trigger mo, makakagawa ka ng plano para mas ma-handle mo ang mga ito ng maayos.
Alisin ang mga triggers na kaya mong i-control
Umiiksi ba ang pasensya mo kapag maingay ang paligid mo? Bakit hindi mo subukang patayin muna ang TV o gadgets ng mga anak mo para makabawas sa ingay?
Naiinis ka ba kapag hindi nasusunod ang schedule mo? Bakit hindi mo subukang bawasan ang mga dapat mong gawin sa isang araw para maibsan ang pressure na nararamdaman mo?
Mag-time out ka muna
Kung hindi gumagana ang time out sa mga anak mo, bakit hindi na lang ikaw ang mag-time out?
Sabi ng mga eksperto, kung desidido kang hindi na talaga sigawan ang mga anak mo, kailangan mong mag-practice na ilayo ang sarili mo sa tuwing mararamdaman mong sasabog ang dibdib mo at sisigaw ka na.
I-log mo ang nararamdaman mong galit
Makakatulong ito para makita mo kung gaano kadalas sa isang araw ka nagagalit. Pwede mong gamitin ang cellphone mo o 'di kaya ay isulat mo ito.
CONTINUE READING BELOWwatch nowBukod sa pagtala kung ilang beses ka nagalit, pwede mo ring isulat kung bakit. Makakatulong pa ito para makita mo ang triggers mo.
Pwede ka ring mag-iwan ng mga paalala sa bahay ninyo. Kung may mga reminders ka para sa mga anak mo, makakatulong din na magkaroon ka ng mga reminders para sa sarili mo.
Ayaw makinig sa akin ng mga anak ko
Sobrang tigas na ba ng mga ulo nila? Sumasagot na ba sila sa iyo at hindi sila nakikinig?
Pwede mong subukang bumaba sa kanilang eye level. Sa ganitong paraan, makikita nila sa mga mata mo kung galit ka na at kung kailangan na nilang itigil ang ginagawa nila at makinig sa iyo.
Hawakan sila ng bahagya. Makakatulong para matawag mo ang atensyon ng anak mo kung hahawakan mo sila ng bahagya. Siguraduhin mo lang na hindi mo sila hahablutin o sasaktan. Tama na ang tapik o bahagyang paghila.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMaging mabuting halimbawa. Ipakita mo sa mga anak mo na mahalaga ang kalmadong open communication. Ipakita mo sa kanila kung paano makinig at kung paano makipag-usap nang may respeto.
Okay lang magalit
Tandaan, hindi naman masamang magalit. Ngunit, tulad ng maraming bagay, kapag nasobrahan mo ito, saka ito nakakasama.
Kung umaabot ka na sa punto na miya't-miya at halos araw-araw mo nang nasisigawan ang mga anak mo, kailangan mo nang humanap ng paraan para mabago ang ugali mo.
Sabi pa ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, kailangan mo ring i-check ang connection mo sa mga anak mo. Bakit nga ba ayaw ka nilang sundin at pakinggan?
Bukod pa sa mga nabanggit, kailangan mo ring siguraduhing nakakakuha ka ng sapat na pahinga. Ang pagod at puyat kasi ay maaaring makaapekto sa pananaw, disposisyon, at pag-iisip mo.
Nasigawan mo na ba ang mga anak mo? Bakit? Anong naramdaman mo pagkatapos? I-share mo lang iyan sa comments section.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

- Shares
- Comments