embed embed2
  • Bilis Ng Panahon! May Teenager Na Si Jennylyn At Si Kristine

    13 years old na ang kani-kanilang panganay na pawang lalaki.
    by Jocelyn Valle .
Bilis Ng Panahon! May Teenager Na Si Jennylyn At Si Kristine
PHOTO BY Instagram/@khsotto (L); @mercadojenny
  • Tama nga ang sabi nila, ang bilis ng paglipas ng panahon. May tig-isa nang teenager, na pawang lalaki, sina Jennylyn Mercado at Kristine Hermosa.

    Base sa kani-kanilang Instagram account, parehong nagdiwang ng 13th birthday ang unico hijo ni Jennylyn na si Alex Jazz at ang panganay ni Kristine na si Kiel nitong August 16, 2021.

    Jennylyn at Jazz

    "My Jazz is now officially a teenager!" lahad ni Jennylyn sa caption ng post kalakip ang ilang litrato mula sa birthday party ng anak.

    Kabilang diyan ang litrato nilang mag-ina kasama ang kanyang boyfriend at kapwa GMA-7 star na si Dennis Trillo at ang unico hijo ni Dennis na si Calix. Sa September naman ang 14th birthday ni Calix, na anak din ng ex-girlfriend ni Dennis at dating beauty queen-actress na si Carlene Aguilar.

    Sabi pa ni Jennylyn tungkol sa anak, "Pero he will remain my baby boy forever! Happy 13th, my Jazzy! I love you so much!" Ang ex-boyfriend ni Jennylyn na si Patrick Garcia, isa ring aktor, ang daddy ni Jazz. (Basahin dito ang pagtatanggol ng aktres sa mga tulad niyang single parent.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kristine at Kiel

    Nagbigay pugay at pangaral si Kristine kay Kiel, na adopted son nila ng asawa at kapwa artista na si Oyo Sotto bago pa sila ikasal noong 2011. 

    "Walang aksidente kay God," panimula ni Kristine sa caption ng post, na may kalakip ding mga litratong kuha mula sa birthday celebration ni Kiel.

    Kabilang diyan ang litrato ni Kiel, o Kristian Daniel, kasama ang mga nakababata niyang kapatid: Ondrea Bliss, Kaleb Hans, at Marvic Valentin. Wala lang ang baby brother nilang si Vittorio Isaac, na ipinanganak  noong August 3, 2021 (basahin dito.)

    Kuwento pa ni Kristine tungkol kay Kiel, "Hindi aksidente na binigay ka niya sa amin, na ikaw ang naging daan sa matinding training namin bilang magulang. Thank you for always trying to be better and for understanding our shortcomings.

    "You are a good and obedient son, Kiel. Don’t forget that. God has a great plan for your life, always obey and honor Him in everything you do. Happy 13th birthday, Kiel! We, your family, are just here for you.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "We are proud of you. Your siblings are all looking up to you and are all cheering you on. They adore you so much, Kuya. Please lead them well. We love you!"

    Nagbigay rin ng mensahe si Oyo sa sarili niyang post kalakip ang litrato nilang mag-ama. Aniya, "I thank the Lord for 13 years of your life here on earth. You are such a blessing to us, Kiel. I may not be perfect but always remember that Dada loves you so much!

    "I pray that as you go through your teenage years, you will seek the Lord all the days of your life. I love you Kiel! Happy birthday! Let’s create more good memories! I’m excited for you."

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles