parenting tips,parenting,teens,teenagers,teen,social media,sc23,Understanding and Dealing with Teenage Cancel Culture,teenage cancel culture, online safety for kids, social media challenges, protecting children online, cyberbullying prevention, parenting tips, adolescent mental health, peer group dynamics, communication with teenagers, online behavior guidance,Learn how to safeguard your child from teenage cancel culture and online challenges.
ParentingTweens & Teens

Ano Ang Teenage Cancel Culture At Paano Mapro-Protektahan Ang Ating Anak Dito

Na-”cancel” ka ba o ang anak mo?
PHOTO BYAdobe Stock

Maaaring maganap o maranasan ang teenage cancel culture sa online at sa totoong buhay.  Pero sa mga kabataan, madalas itong nangyayari online sa pamamagitan ng pagko-comment sa mga post sa social media at pag-unfollow o pag-unfriend sa mga kaibigan. Ito ay dahil sa mas aktibong partisipasyon ng mga kabataan sa social media ngayon. Sila ang may pinakamataas na bahagdan ng online engagement. Madalas din itong mangyari sa paaralan, lalo na sa mga group activities.

Ayon sa website ng Newport Institute, tinutukoy ng cancel culture ang isang uri ng social media shaming o boycotting ng isang tao dahil sa isang aksyon, gawi,  pag-uugali na itinuturing ng ibang tao na kontrobersyal o mali. Para sa karamihan ng kabataan, ito ay isa sa pinakamalupit na karanasan dahil kinatatakutan nila ang ideya ng “rejection” mula sa kanilang peer group.

Tunay na malaki ang epekto ng teenage cancel culture sa kabataan dahil madalas silang mahirapang harapin ang ideya na sila ay “pinagkakaisahan” ng isang grupo, at nauuwi ito sa kanilang kakulangan sa self-esteem at pagkawala ng gana na makisalamuha o makihalubilo sa iba.

Mga senyales na nakararanas ng teenage cancel culture

Ang pagkomento sa socmed post, pag-unfollow, pagbabalewala o hindi pamamansin, at pagbubukod o hindi pagsali ay mga karaniwang nararanasan ng isang teenager kapag itinatrato sila ng mga kaibigan at kaklase na kabahagi ng umiiral na sistema ng cancel culture.

Kung iiisipin, kaugnay ng teenage cancel culture ang pambu-bully. Gaya sa pambu-bully, nakararanas din halos parehong senyales na hindi pagiging kabilang sa pangkat o paghihiwalay ng grupo sa isang tao. Mapapansin din ang pagiging balisa, pagkakaroon ng depresyon, pagnanais na maging mapag-isa, at pagiging malungkutin ng mga taong nakararanas ng cancel culture.

Mga epekto ng teenage cancel culture

Ipinaliwanag din sa isang artikulo sa website ng Refocus ang mga dahilan at epekto ng teenage cancel culture. Ang pagiging biktima ng ay magdudulot sa kabataan nang hindi mabuti sa kaniyang mental na kalusugan gaya ng pagkabalisa, trauma, pagbabago sa pag-uugali, at madalas ang pag-iisipin na tapusin ang kaniyang buhay.  Marami pang maaaring maging epekto ito sa kabataan:

watch now

Magdulot ng social ostracism o pag-iwas sa tao na sa panahong ito ng edad ng kabataan lubos na mahalaga ang kanilang pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Maaaring bumaba rin ang kumpiyansa o tiwala sa sarili at magkaroon ng malaking pagbabago sa kanyang pag-uugali lalo na sa pakikitungo sa iba.

Magkakaroon din siya ng mga problema sa pag-aaral dahil sa kawalan ng gana sa pagpasok sa paaralan at pakikisama sa mga kaklase.

Mga proteksyon para sa iyong anak

Makatutulong sa magulang na magkaroon ng maayos na ugnayan sa mga anak at pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa kanila. Mahalaga rin na maituro sa mga anak ang konsepto ng teenage cancel culture sa murang edad nila at maturuan din sila sa pagharap nito sakaling maranasan nila.

  1. Tulungan ang iyong anak na maunaawaan ang mga maidudulot ng teenage cancel culture sa kanila. Minsan hindi naiisip ng mga kabataan na ang cyberbullying ay isang paraan ng cancel culture. Ginagamit ito bilang pamamahiya o pagtatakwil sa isang kaibigan o kaklase na nakagawa ng pagkakamali o maling bagay. Ipaliwanag sa iyong anak ang halaga ng pag-unawa sa nararamdaman at iniisip ng iba kahit na hindi sila sumasang-ayon sa kanilang nagawa o ginawa.
  2. Alamin ang nararamdaman ng iyong anak tungkol sa cancel cuture na maaaring makasangkutan niya. Bagaman maaaring hindi isang seryosong bagay para sa iyo ang sitwasyon, mahalagang kilalanin ang kahulugan o timbang nito sa iyong anak.
  3. Turuan ang iyong anak ng tamang pagdedesisyon lalo na sa paggamit ng social media. Ipaliwanag sa kaniya na kailangan pag-isipang mabuti ang mga bagay na ipinapaskil niya sa social media at iwasan ang pakikisangkot sa mga usapin na maaaring pagsimulan ng konsepto ng cancel culture.
  4. Mahalagang ipaunawa rin sa mga anak kung bakit nagagawa ng tao ang “pagkakansela” ng iba. Kailangan kilalanin at alamin ang dahilan ng ganitong pag-uugali ng tao. Maaaring may dahilan o layunin sila sa paggawa nito gaya ng ito ang daan nila para maging pinuno o bumuo ng pakikipagkaibigan sa iba.
  5. Gabayan ang iyong anak sa kung ano ang mga posible niyang mas epektibong gawin para ibahagi ang kaniyang paniniwala, pananaw at mga pinapahalagahan.
  6. Higit sa lahat, ipaalala sa iyong anak ang halaga ng pagiging bukas ang isipan. Dahil ang teenage cancel culture ay napakabilis na hindi namamalayan ng isang tao na nagagawa niya ito lalo na ang pagiging mapusok ng mga kabataan o ang padalos-dalos sa kanilang gawi o sinasabi.

Kung ang iyong anak ay nakararanas ng teenage cancel culture, huwag siyang husgahan agad o sabihing mali ang nararamdaman niya o ginagawi gayundin naman kung siya ang kabahagi sa gumawa ng ganitong kultura ng pakikitungo sa kapwa. Sa halip, gawing oportunidad ang pagkakataong ito na pag-usapan ninyo ang ganitong bagay at tulungan siyang maunawaan at makita ang mga nagiging epekto nito sa kaniya at sa iba.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close