embed embed2
  • Pwede Mag-Kape! 4 Safe Coffee Alternatives Na Nagpaparami Pa Ng Breast Milk

    Para sa mga breastfeeding at buntis na coffee lovers rin!
    by Grace Bautista .
Pwede Mag-Kape! 4 Safe Coffee Alternatives Na Nagpaparami Pa Ng Breast Milk
PHOTO BY iStock
  • Products and services recommended on our websites are independently selected by our editors. If you buy something through our links, Summit Media may earn an affiliate commission at no extra cost to you. 

    Para sa mga coffee lovers, bahagi na ng bawat umaga, hapon (kahit gabi!) ang pag-inom ng kape. Hindi lang ito "want" kundi "need" dahil hindi aandar ang kanilang utak at katawan nang walang kape. Pero paano na kapag ang mga nanay na mahilig sa kape ay nagbubuntis o nag-be-breastfeed? Safe pa ba itong inumin? Kung oo, gaano karami ang pwede?

    BASAHIN ANG IBA PANG BREASTFEEDING STORIES

    Kung ikaw ay buntis

    Ayon sa mga pag-aaral, ang caffeine ay tumatagos sa placental barrier. Ibig sabihin nito, ang caffeine ay dumadaan sa umbilical cord at nakakarating sa bloodstream ni baby. Pero ang mabuting balita, hindi lubusang ipinagbabawal sa mga buntis ang pag-inom ng kape.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa What to Expect, pwedeng uminom ang mga buntis ng kape "in moderation." Sabi rin ng American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG) at ng iba pang eksperto, walang masamang epekto kay baby kung si mommy ay iinom ng hindi lalampas sa 200mg ng caffeine: katumbas ito ng 12oz na kape kada araw.

    Pero dapat rin nating isipin na hindi lang kape ang may caffeine. Meron din ang tsaa, milk tea, soda, chocolate, ice cream at cake (coffee-flavored). Kaya kung kakain o iinom ka nito, kailangang bawasan ang pag-inom ng kape para masunod ang 200mg limit.

    Ang caffeine ay diuretic o nakakaihi, kaya maaaring mas mapadalas pa ang pagpunta mo sa banyo. Ang sobrang caffeine naman ay maari ring makaapekto sa pag-absorb ng iron ng ating katawan, at maaring makapagpataas ng risk ng iron deficiency o anemia. Tandaan na laging kumunsulta sa iyong ob-gyn bago ang lahat.

    Kung ikaw ay breastfeeding mom

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Pwede ka pa ring uminom ng kape habang nag-be-breastfeed. Pero iba-iba ang reaksiyon ng mga baby sa caffeine, at maaaring makuha nila ang 0.06 hanggang 1.5 percent ng caffeine na iniinom ng nanay.

    Obserbahan kung ang baby mo ay nagiging hyper, iyakin, di-makapakali o di makatulog kapag nagkakape ka. Kung may ganitong reaksyon si baby, makakabuting bawasan ang pagkakape. Maari ring uminom ng kape habang kadede lang ni baby para matunaw na ito ng iyong katawan at hindi na maipasa kay baby sa sunod niyang pagdede.

    Paalaala ni L.A.T.C.H. Philippines peer counselor Mec Camitan Arevalo sa mga breastfeeding moms, ang kape at mga caffeinated tea ay diuretic. Uminom ng dalawang baso ng tubig sa bawat tasa ng kape na iyong iniinom para mapalitan ang tubig na nawawala sa iyong katawan. Kailangan kasi ng ating katawan ng maraming tubig para makagawa ng maraming gatas.

    Coffee alternatives na mabuti kay mommy at baby

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dahil marami sa atin ang hindi kaya na tuluyang mawala ang kape sa araw-araw, marami na ngayong alternative na inumin na sadyang ginawa para sa mga buntis at nagpapa-breastfeed. Bukod sa masarap ang mga ito, mayroon din itong mga herbal extracts na masustansiya at nakatutulong sa pagpaparami ng gatas. Narito ang ilan sa paborito ng mga nanay sa ating Smart Parenting Village:

    - Mother Nurture 7-in-1 Coffee Lactation Drinks, Php140 sa Valianne's Trends LazMall, Valianne's Trends Shopee Mall, at Value Thrift Mart Shopee Mall

    - Mother Nurture Lactation Drink - Family Pack (35 Sachets), Php 680 sa Valianne's Trends LazMall at Valianne's Trends Shopee Mall

    - Mother Nurture 7-In-1 Coffee Mix, Php 140 sa CEO Emporium Shopee Mall

    - Mother Nurture 7-In-1 Choco Mix, Php 140 sa CEO Emprion Shopee Mall

    Mama Blends 8-in-1 Lactation Coffee w/ Malunggay Extract (8 sachets), Php 148 on 9 Matters LazMall

     

    mommy co coffee
    Yes, kape ito! Meron din tong guyabano, ashitaba, malunggay, at turmeric extracts na nakakatulong magparami ng gatas.
    PHOTO BY DAIRY DARILAG
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    mommy co chocolate
    Masarap na alternative sa kape ang chocolate!.
    PHOTO BYDAIRY DARILAG
    oat mama lactation tea
    Hindi lang nakaka-relax ang decaffeinated tea na ito, nakakapagparami rin ito ng gatas.
    PHOTO BY DAIRY DARILAG
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    BASAHIN ANG IBA PANG BREASTFEEDING STORIES

    Naghahanap ka ba ng iba pang milk boosters? Basahin ang aming list dito.

    Links are updated regularly and as much as possible but note that products can run out of stock, discounts can expire and listed prices can change without prior notice.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close