-
Effective Ba Talaga? 5 Milk Boosters Na Pwedeng Magparami Ng Iyong Gatas
by Kitty Elicay .
- Shares
- Comments

Maraming nanay ang gustong mag-breastfeed simula pagkapanganak, pero marami sa kanila ang pinanghihinaan ng loob dahil sa low milk supply o kakaunting gatas. Kung newborn pa lang ang anak mo, magiging sapat ang iyong supply dahil maliit lang ang kanyang tiyan at hindi pa niya kailangan ng napakaraming breast milk. Pero hindi rin maikakaila na may mga inang kahit anong gawin ay hindi pa rin nilalabasan ng gatas.
Lactation goodies para dumami ang breast milk
Ayon sa mga eksperto, ang susi sa pag-maintain ng healthy milk supply ay ang patuloy na pagpapadede kay baby at pagkakaroon ng regular na pumping schedule. Pero sabi ng mga breastfeeding moms, malaking tulong rin ang mga supplements at lactation goodies. Bukod sa nagpaparami ito ng breast milk, masarap din itong kainin!
Heto ang ilan na pwede mong subukan — at pwede mo ring bilhin agad-agad!
Mommy Co Coffee
Ang isang pack (Php145) ay nakakagawa ng 8 tasa ng kape.PHOTO BY babymama.phADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPwedeng magkape ang breastfeeding moms pero dapat limitahan ang dami o ‘di kaya’y uminom na lang ng decaf — may mga baby kasi na maselan sa caffeine. Kung ‘di mo talaga mapigilan, subukan ang kapeng ito na may herbal extracts tulad ng guyabano, ashitaba, malunggay, at turmeric — ito ay mga kilalang galactagogue o mga pagkain na nakakapagparami ng gatas.
Buy it on Lazada
Mamabear Milky Mama Lactation Cookies
Pwede mong kainin ito habang buntis ka pa lang! Bilhin dito sa halagang Php575.PHOTO BY babymama.phBukod sa masarap, pwedeng-pwede rin ito sa mga bata! Gawa ito sa rolled oats, brewers’ yeast, flaxseeds, at iba pang superfood na nagpapalakas ng iyong milk supply.
What other parents are reading
Upsring Milkflow Blessed Thistle
Ang supplement na ito ay all-natural, vegan, non-GMO at gluten-free. Bilhin dito sa halagang Php676.PHOTO BY babymama.phCONTINUE READING BELOWwatch nowAng blessed thistle ay isang uri ng namumulaklak na halaman na sinasabing nakatutulong sa pagpaparami ng breast milk. Mabuti rin daw ito para sa impatso hindi lang ng nanay kundi pati na rin ng sanggol.
Tandaan: Importanteng kausapin ang inyong doktor bago uminom ng kahit na anong supplement, lalo na’t nagbebreastfeed kayo.
Oat Mama Lactation Tea
Ang isang pack ay nakakagawa ng 14 na tasa. Bilhin dito sa halagang Php750.PHOTO BY babymama.phKung ang hilig ninyo naman ay tsaa, pwede sa inyo ang caffeine-free drink na ito. Meron itong “milk-boosting herbs” at chai spices na nakakatulong magparelax. Bukod sa masarap, hindi ka rin magui-guilty na inumin ito!
Lacta Flow Malunggay Capsule
Kung mas madali sa’yong uminom ng capsule, pwede mo itong bilhin sa halagang Php900.PHOTO BY babymama.phADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa Facebook community namin na Smart Parenting Village, maraming mga nanay ang naniniwala sa kakayahan ng malunggay na magparami ng gatas. Pwede mong ilaga ang mga dahoon nito at inumin araw-araw, o kaya’y ihalo sa iyong ulam tulad ng tinola, nilaga, at munggo.
Pwede ka ring uminom ng malunggay capsule — siguraduhin lang na may pahintulot ka ng iyong doctor. Talagang nakapagpaparami daw ito ng gatas at tinutulungan pang palakasin ang iyong immune system—meron din kasi itong vitamin C, vitamin A, calcium, protein, potassium, at iron.
Nature Earth M2 Malunggay Okra Luya Concentrate Tea Drink
Pwede itong inumin ng mainit o ng may yelo. Sabi nila, para raw itong iced tea! Bilhin dito sa halagang Php290.PHOTO BY SHOPEEDahil kilalang milk booster, maraming pagkain at inumin ang nagagawa gamit ang malunggay. Isa na rito ang healthy drink na ito na mayroong malunggay, okra, at luya. Bukod sa napaparami nito ang iyong gatas, pwede rin itong source ng beta-carotene, calcium, iron, potassium, magnesium, zinc, vitamin A, and vitamin K.
Marami pang ibang paraan para maparami ang iyong gatas! Mag-click dito para sa mga subok na tips ng mga nanay.
What other parents are reading

- Shares
- Comments