-
Maaaring Mas Tumalino Si Baby Kapag Pinasuso Siya Sa Mas Mahabang Panahon: Study
May epekto ang breastfeeding duration sa cognitive development ng bata.by Jocelyn Valle . Published Jun 7, 2022
- Shares
- Comments

Maaaring may kinalaman ang breastfeeding duration sa mas mabilis na cognitive development ng mga bata.
Ayon kasi sa isang bagong paga-aral, o study, ang mga batang mas matagal pinasuso ay nakakuha ng mas mataas na cognitive scores. Pag sinabing cognitive o cognition, tungkol ito sa pagi-isip (thinking), pag-memorya (remembering), at pagbibigay ng rason (reasoning).
Ang study ay ginawa nina Reneé Pereyra-Elías, Maria Quigley, at Claire Carson ng University of Oxford, United Kingdom, at nailathala sa Public Library of Science (PLOS) One peer-reviewed journal.
Sinuri ng mga researcher ang mga datos ng 7,855 na sanggol na ipinanganak sa pagitan ng mga taong 2000 at 2002 at kanilang sinundan hanggang edad 14. Ito ay parte ng UK Millennium Cohort Study.
Hindi talaga layunin ng nasabing cohort na imbestigahan ang relasyon sa pagitan ng breastfeeding at cognition. Pero isinama nila sa pagkolekta ng mga datos tungkol sa duration ng kahit anong breastfeeding at exclusive breastfeeding.
Dagdag pa dito ang verbal cognitive scores ng mga batang may edad 5, 7, 11, at 14, pati na ang spatial cognitive scores ng mga may edad 5, 7 at 11. Isinama rin ang potential confounders, tulad ng socioeconomic characteristics at maternal cognition batay sa isinagawang vocabulary test.
Napag-alaman ng mga researcher na ang pagpapasuso sa mas mahabang panahon ay posibleng may kinalaman sa mas mataas na verbal cognitive scores sa mga batang hanggang edad 14 at spatial cognitive scores naman hanggang edad 11.
Inihambing nila ang mga resulta sa kakayahang pinansyal (socioeconomic position) at kakayahang mag-isip ng nanay (maternal cognitive ability). Lumabas na mas mataas ang cognitive scores ng mga batang may edad hanggang 14 na mas matagal pinasuso noong mga sanggol pa sila.
Sa kabilang banda, iyong mga batang mas maiksi ang panahong pinasuso ay mataas lamang ang mean cognitive scores ng mula 0.08 hanggang 0.26 kumpara sa mga batang hindi nakaranas ng breastfeeding.
Iba pang benepisyo ng breastfeeding
Bukod sa posibilidad na mas tatalino si baby, narito ang iba pang mabuting naidudulot ng pagpapadede ng gatas ng ina:
Proteksyon laban sa mga sakit
Umaapaw ang breast milk sa nutrisyon na kailangan ni baby para sa kanyang paglaki, ayon sa American Academy of Pediatrics (AAP). Dahil din diyan, protektado siya sa diarrhea; respiratory tract infection; urinary tract infection (UTI); sepsis (kung preterm ipanganak); childhood obesity; type 1 at type 2 diabetes; ear infections; at meningitis.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIwas sa allergies
Ayon pa sa AAP, napatunay sa research na may hatid na proteksyon ang breast milk para sa mga sanggol mula sa mga pamilyang may history ng allergies. Mayroon daw kasing immune components ang breast milk kaya mayroon ding panangga si baby laban sa allergies.
Pansin naman daw ng ilang mommies na ang protinang taglay ng breast milk ay mas madali para kay baby na ma-digest kumpara sa milk formula. Posible pa raw maghatid ang milk formula ng allergic reactions.
Pagbaba ng panganib sa SIDS
Ayon naman sa ulat ng USA Today, may pag-aaral nailathala sa Pediatrics na nagsasabing ang pagpapasuso sa loob ng dalawa hanggang apat na buwan ay maaaring magpapababa ng panganib sa sudden infant death syndrome (SIDS) ng 40%.
Kapag naman daw sa loob ng apat hanggang anim na buwan ang breastfeeding, 60%; at kapag sa mas mahabang panahon, aabot pa sa 64% na makaiwas sa SIDS.
Basahin dito ang ilang paalala sa pagpapadede kay baby.
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading

- Shares
- Comments