-
5 Practical Pointers Para Maging Malusog Ka Habang Nagpapadede
Magdudusa ang kalusugan ng isang breastfeeding mom kung hindi siya kumakain nang tama at sapat.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Puwera na lang kung severely malnourished ang isang breastfeeding mother, patuloy siyang makapagbibigay ng masustansyang gatas sa kanyang sanggol. Ang sustansya kasing nakaimbak sa kanyang katawan, tulad ng calcium na matatagpuan sa mga buto, ay automatic na kumakapit sa breast milk para mailipat sa pinapadedeng anak.
Kaya may paalala si Dr. Patricia Kho, isang obstetrician-gynecologist, infectious disease specialist, at head ng breastfeeding clinic sa Makati Medical Center. Aniya sa kanyang panayam kamakailan sa Doctor Is In medical program sa CNN Philippines, magdudusa ang kalusugan ng ina kung hindi siya kumakain nang tama at sapat.
Dagdag pa niya, “Breastfeeding entails a lot of work and the mother is also tired. She breastfeeds day and night, and she can’t sleep regularly, paputol-putol ang pagtulog. It’s really good to have a healthy diet, so that she will not get sick also.”
Hindi kailangan ng special diet sa pagpapadede ng sanggol
Paliwanag ni Dr. Kho na sapat na ang pangkaraniwang kinakain ng ina kasama ng kanyang pamilya araw-araw, basta iyon ay mayaman sa gulay, prutas, protein, carbohydrates, vitamins, at minerals. Rekomendado niya ang plant-based protein, gaya ng tofu at beans, imbes na animal meat.
Piliin din daw ang whole foods kesa sa processed foods. Sikapin namang magkonsumo ng mula 1,500 hanggang 1,800 calories para siguradong may energy buong araw.
Puwedeng junk food, pero huwag madalas
Bagamat hindi maaapektuhan ang kalidad at supply ng breast milk, maaari namang maghatid ang chips at softdrinks sa ina ng problema sa ngipin, acid reflux, at diabetes. Nauna na itong ibinahagi sa SmartParenting.com.ph ni Mec Camitan Arevalo, isang peer counselor sa LATCH Philippines at group administrator ng Breastfeeding Pinays sa Facebook.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTataas din ang posibilidad na humina ang immune system at maging malnourished ang breastfeeding mother na puro fast food ang kinakain. Dagdag pa din ang pagpangit ng kanyang balat at buhok, pati na ang pagiging anemic.
Iwasan ang gassy foods pag kinakabag si baby
Ang mga pagkaing gaya ng beans ay kadalasang nakakapuno ng hangin sa tiyan. Mainam na obserbahan kung ito ang dahilan kung bakit kinakabag ang sanggol. Gawin ito mula dalawa hanggang apat na oras pagkatapos magpadede.
May ilan pang mga pagkain na maaaring sanhi ng pagiging colicky baby. Ilan dito ang cow’s milk, dairy products, carbonated drinks, at caffeinated beverages. (Basahin dito ang ugnayan ng breastfeeding at gassy baby.)
Kung iinom ng alak, ipagliban muna ang pagpapadede
Maliit pa sa 2 percent ang tsansa na mahaluan ng alcohol ang breast milk, pero ang punto dito ay ang kaligtasan ng bata habang pinapadede ng inang nakainom. Baka kasi makaramdam ang nanay ng pagkahilo o makatulog nang mahimbing hanggang hindi na niya mamalayan ang kapakanan ng anak.
Payo ni Dr. Jaime Isip-Cumpas, isang pediatrician at International Board Certified Lactation Consultant (IBCLC), na alalahanin ang “drinking in moderation and timing” at huwag ipilit na magpadede nang may tama pa ng alak. (Basahin dito ang tungkol sa caffeine and alcohol consumption while nursing.)
Kailan mainam ang supplement sa breastfeeding
Kung nawalay ang ina sa sanggol dahil, halimbawa, nagkasakit o nakaranas ng stress, maaaring pagdudahan niya ang kakayanang makapagbigay muli ng masaganang gatas. Makakatulong ang supplement gaya ng malunggay capsules, fenugreek, brewer’s yeast, at blessed thistle. Ngunit kailangan niya munang ipaalam ang pag-inom nito sa kanyang doktor.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPayo ng LATCH Philippines peer counselor na damihan at dalasan ang pagkain ng lactogenic food. Kabilang dito ang oatmeal, nuts (raw almond, macademia, cashew), spinach, hummus, papaya, grains (millet, barley, brown rice), at curry. Subukan din daw ang clam soup, buko juice, at mga lutuing may gata.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments