-
Mula 38 Inches, Naging 29 Inches Na Lang Ang Waistline Ni Mommy!
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments
Sa loob ng 20 years sinubukan ni Rosalee Barbosa-Bacero na epektibong magbawas ng timbang. Simula kasi nang magtapos siya sa college at magsimulang magtrabaho, napansin na niya ang kanyang pagiging chubby. Bumigat pa siya nang maging mommy sa panganay at nasundan ng isa pa.
Sa paglipas ng panahon, gumawa si Rosalee ng iba-ibang paraan upang masolusyonan ang kanyang problema sa pangangatawan. Sa una, successful siya sa kanyang weight loss, pero hindi ito nagtatagal. Bumabalik ang nawala na niyang timbang — at may dagdag pa nang sobra.
Pag-amin niya, “I cannot maintain the weight that I have lost because I eat unhealthy food.”
Noong October 2019, nagdesisyon ang 48-year-old mompreneur na maging seryoso na sa pagpapayat “for health reasons.” May fatty liver disease daw kasi siya at urinary tract infection (UTI), habang nasa borderline o may problema na siya sa pagtaas ng kanyang blood pressure. Ang timbang niya nang panahon na iyon ay 183 lbs at may waistline na 38 inches.
Sinimulan niya ito sa pagkakaroon ng healthy lifestyle, na para sa kanya, ay “80 percent food and 20 percent exercise.” Gumawa din niya ng research at kumausap ng lifestyle coach kaya nabuo ang kanyang nutrition-based weight-loss program.
Paliwanag niya, “I believe that you are what you eat, and humans are not meant for a sedentary life.”
Kaya naman may meal plan siya na sinusunod at maging regular workout schedule, na nahinto lang nang maitupad ang community quarantine noong March 2020. Kabilang din sa kanyang healthy lifestyle ang pag-inom ng maraming tubig.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng meal plan ni Rosalee ay binubuo ng mas maraming protein at complex carbohydrates na nakukuha niya sa mga gulay, itlog, white meat gaya ng manok, at tokwa.
May iniinom din siyang plant-based source protein powder shake kapag nakakaramdam siya ng gutom.PHOTO BY courtesy of Rosalee Barbosa-BaceroNagsimulang magpakita ng positibong epekto ang kanyang weight-loss program makaraan lamang ng tatlong araw nang pagsunod dito. Pagkalipas naman ng 36 weeks o 8 months, narating na niya ang current weight niyang 146 lbs (mula sa 183) at waistline na 29 inches (mula sa 38).
Ayon sa kanya, ito na ang “most effective and safest” na paraan ng pagpapayat na nasubukan niya dahil “good and proper nutrition” ang hatid nito sa katawan. Pero, dagdag niya, hindi naging madali ang kanyang weight-loss journey.
Nahirapan din daw siyang tumanggi sa “temptation,” tulad ng pagkain ng fast-food items dahil sa “comfort and convenience” nito. Malimit din daw siya dati na humanap ng palusot para hindi makapunta sa gym at mag-work out. Kaya inisip na lang niya ang kalagayan ng kanyang kalusugan at pamilya para tuluyang magseryoso sa kanyang plano.
CONTINUE READING BELOWwatch nowSabi ni Roselle, kapag kakainin ang pamilya sa labas noon, pipiliin nila ang restaurant na may healthy choices. Isang engineer si Michael Bacero. Ang mga anak nila ay si Mikaella Roselle, 15 , at Miguel Antonio, 11 years old.PHOTO BY courtesy of Rosalee Barbosa-BaceroMalaking tulong din daw kay Rosalee ang kanyang support groups para maging ganado at inspired siya. Dati daw sumasama ang kanyang asawa na si Michael sa kanya sa pagwo-work out at binibigyan siya ng positive affirmations, gaya ng pagsabi na pumapayat na siya.
What other parents are reading
Tuloy-tuloy pa din si Rosalee para marating ang kanyang ideal weight na 120 lbs at waistline na 24 inches. Kailangan daw “always challenge ourselves,” kaya kapag nagawa na niya iyon, magkakaroon siya na panibagong goal.
Payo niya sa kapwa mommies na nahihirapan na magbawas ng timbang na huwag mawalan ng pag-asa dahil hindi pa huli ang lahat. Siya nga raw ay dumaan ang 20 years bago narating ang kanyang current weight at waistline.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaalala niya, “Be healthy first, and weight loss will follow as a bonus. We all deserve to be a better version of ourselves. It’s only up to us.”
What other parents are reading

- Shares
- Comments