breastfeeding,Tagalog,Solenn Heussaff,baby stage,toddler stage,lactation balls recipe,Solenn Heussaff-Bolzico's Lactation Bolz Recipe,breastfeeding, breast milk, lactation balls, lactation bolz, lactation balls, solenn heussaff,Naghahanap ka ba ng masarap na lactation balls na makakatulong para dumami ang iyong milk supply?
PregnancyBreastfeeding

'Booby Bites' Recipe: Part 2 Ng No-Bake Lactation Bolz Ni Solenn Heussaff-Bolzico

Craving ka ba for a delicious way to increase your breast milk?
PHOTO BYYouTube: Solenn Heussaff

Isa sa mga lagi naming inaabangan kay first-time mom Solenn Heussaff-Bolzico ay ang kanyang mga recipes. Isinulat ni Solenn sa kanyang blog na ngayong isinilang na niya ang kanilang baby girl ni Nico Bolzico na si Thylane Katana, mas naging masigasig pa siya sa pag-iisip at pag-hahanap ng mga recipes na tulad nito. 

Ayon kay Solenn, bahagyang mas matamis ang recipe niya na ito dahil mayroon itong dates. Inalis din niya sa recipe ang Brewer’s Yeast para sa mga nanay na hindi gusto ang aftertaste nito. Narito ang kanyang ikalawang no-bake Lactation Bolz recipe: 

Date Gooey Bites 

Ingredients:

2 cups, old-fashioned oats, ground

3/4 cup flax seeds

1/2 cup almonds, ground

1 cup pitted dates, soaked overnight or at least 15 to 20 minutes to make it softer

1/4 cup maple syrup

1/2 cup almond cashew butter or any nut butter of your choice

3/4 cup shredded coconut

Procedure:

  1. Paghaluin ang old-fashioned oats, flax seeds, at chia seeds sa isang bowl at itabi.
  2. Gilingin ng pino ang almonds sa food processor o blender. Ilagay ang pitted dates at i-blend hanggang maghalo ang almonds at pitted dates.
  3. Paghaluin ang almond at dates mixture sa oats, flax seeds, at chia seeds. Haluin ng mabuti.
  4. Idagdag ang maple syrup at nut butter. Haluing mabuti.
  5. Idagdag ang shredded coconut. Haluing mabuti.
  6. Ihulma ang mixture para maging balls. Igulong sa shredded coconut at ground almonds bago ilagay sa refirgerator.

Ayon kay Solenn, ang oats ay mainam na ingredient para sa mga breastfeeding moms. Ang shredded coconut naman ay makakatulong para i-boost, hindi lang ang iyong immunity, kundi pati na rin ang sa baby mo. Kung wala ka namang shredded coconut, pwede kang gumamit ng coconut oil. Ang chia seeds naman ay maaaring makatulong para mag-increase ang supply mo ng prolactin, ang hormone na nakakatulong para dumami ang gatas mo.

Paalala pa ni Solenn, hinay-hinay lang sa pagkain ng Lactation Bolz na ito dahil siksik ito sa sugar. Tama na ang isang lactation ball isang oras bago o pagkatapos mong mag-breastfeed.

Anong paborito mong lactation ball recipe? I-share mo lang sa comments section.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close