-
Getting Pregnant This Mom Fought Against Five of the Most Severe Pregnancy Complications
-
Love & Relationships A Mom Confesses: 'I've Fallen Out Of Love With My Husband. We Live Like We're Siblings'
-
Money Pinay Mom Says This Work At Home Job Lets You Earn Up To P100K Monthly
-
Toddler Matigas Ang Ulo At Sumasagot? 4 Ways To Discipline Kids Who Refuse To Listen
-
Subukan: No-Bake Lactation Bolz Ni Solenn Heussaff-Bolzico
Bukod sa madali itong gawin, isa rin itong masarap na paraan para magparami ng breastmilk.by Ana Gonzales .

PHOTO BY Solenn Heussaff/YouTube
Isa sa pinakamadalas na itanong ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ay kung paano nga ba magparami ng gatas.
Nakapagbahagi na kami sa aming website ng ilang epektibong paraan, tulad ng pag-inom ng maraming tubig, pagkain ng mga ulam na sagana sa malunggay, at pag-didirect latch. Ngunit ang pinakapaborito ng mga nanay ay ang lactation bombs. Bukod kasi sa nakakatulong ito sa pagpaparami ng breastmilk, masarap din itong papakin.
Kaya naman na-excite kami nang makita namin ang recipe ni Solenn sa kanyang pinakahuling vlog.
Ito ang mga kakailanganin mo para sa kanyang No-bake Lactation Bolz:
- 2 cups old-fashioned oats
- 2 tablespoons Brewer’s Yeast
- 1/2 cup flaxseeds, ground
- 1 and 1/2 cups unsweetened peanut butter (or any nut butter)
- 1/4 cup honey
- 2 teaspoons vanilla
- 1/2 cup pure dark chocolate chips (Payo ni Solenn: huwag sobrahan ang tsokolate kapag nagpapadede)
What other parents are reading
Procedure:
- Paghaluin sa isang malaking mixing bowl o mangkok ang oats, Brewer’s Yeast, flaxseeds, nut butter, honey, at vanilla. Siguraduhing haluin ng mabuti
- Idagdag ang chocolate chips at haluin ulit mabuti.
- Kumuha ng isang kutsara at igulong ito sa iyong kamay hanggang maging bilog.
- Ilagay sa refrigerator at palamigin hanggang tumigas.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon kay Solenn, Part 1 pa lang ito ng kanyang No-bake Lactation Bolz kaya makakaasa ka ng isa pang recipe na pwede mong idagdag sa mga pinapapak mo para dumami ang iyong breastmilk.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosTandaan mo lang, at mag-stock ka na, ng mga ingredients tulad ng flaxseed na maraming napatunayang benepisyo para sa mga nanay na nagpapasuso.
Mayroon ka bang lactation balls o cookie recipes na gusto mong i-share? Ibahagi mo lang sa comments section. Pwede mo rin itong i-share sa mga katulad mong breastfeeding mommies sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

View More Stories About
Trending in Summit Network