pregnancy,sex during pregnancy,Tagalog,buntis,greener,con-00370,ano ang bawal sa buntis,Ano Ang Bawal Sa Buntis | Smart Parenting,ano ang bawal sa buntis, pregnancy, pregnancy dos and dont's, sex during pregnancy, buntis,Ano ang bawal sa buntis ang tanong ng mag-asawa, lalo na pagdating sa pagsisiping.
PregnancyGetting Pregnant

Sex During Pregnancy: 6 Dahilan Bakit Nagiging Bawal Ito Sa Buntis

May iba pang dapat iwasan kapag nagdadalang-tao.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Mahalaga na kumonsulta sa iyong doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo. Palaging humingi ng payo ng isang doktor at nutritionist pagdating sa diet o exercise kung buntis, kapapanganak lang, o breastfeeding.

Mahalagang maging ligtas at malusog ka sa iyong pagbubuntis, mula sa first trimester hanggang sa maipanganak mo na ang iyong baby. Panahon ito ng napakabilis na paglaki ng sanggol sa iyong sinapupunan at mga pagbabago sa iyong katawan. Marahil halo-halong emosyon ang iyong nararamdaman, lalo na kung first-time mommy ka! At siguradong isa sa mga gusto mong malaman ay kung ano ang bawal sa buntis.

Sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis, ayon sa mga eksperto, sasailalim ka sa physical exam upang ma-assess nang mabuti ang kalusugan ninyo ng iyong unborn baby. Pagkatapos ng walong linggo, ang embryo ay tatawagin ng fetus. Mula rito, tuloy-tuloy na ang mga sintomas na iyong mararamdaman at mararanasan.

Ano ang bawal sa buntis

Malaki ang epekto ng first trimester sa normal development ng fetus. Ito ang panahong lahat ng major body organs at systems ng fetus ay nabubuo. Dito rin pinaka-susceptible sa pinsala ang fetus mula sa substances tulad ng alcohol, droga at iba pang mga gamot, at mga sakit tulad ng tigdas hangin o rubella (German measles). Bukod sa sa mga iyan, dapat ding maiwasan ang paninigarilyo, ang second-hand smoke, radiation, at iba pang toxic substances.

Inilista ng Johns Hopkins Medicine ang ilang pregnancy precautions upang maunawaan ng mga nagdadalantao at mga nag-aalaga sa kanila kung paanong mapapanatiling ligtas ang nanay at kanyang anak.

Sa tulong ng mga gabay tulad nito, higit na maraming matututuhan at mauunawaan tungkol sa kung ano ang bawal sa buntis. Sadya nga namang nakatutuwang karanasan at isang biyaya ang pagbubuntis ngunit puno rin ng pangamba at mga pag-aalala.

Narito ang ilan sa mga  dapat iwasan kapag ikaw ay buntis:

watch now

Partikular na pagkain

Mainam na maghinay-hinay muna sa mga sumusunod:

  • Soft, unpasteurized cheeses tulad ng feta, goat, Brie, Camembert, blue-veined cheeses, at Mexican queso fresco
  • Unpasteurized milk, juices, at apple ciderraw eggs o foods na may raw eggs, tulad ng mousse, tiramisu, raw cookie dough, eggnog, homemade ice cream, at Caesar dressing
  • Raw o undercooked fish (sushi), shellfish, o meats paté at meat spreads
  • Processed meats tulad ng hot dogs at deli meats (kailangang lutuin nang maigi)
  • Mga isdang hindi makabubuti sa buntis, tulad ng shark, swordfish, king mackerel, tilefish, tuna steak (limited amounts lamang ng de lata)

Ayon sa mga eksperto, bawal kainin ng buntis ang mga hilaw na pagkain upang malayo sa foodborne illnesses, tulad ng listeriosis, toxoplasmosis, at salmonella na dulot ng bacteria.

Payo rin ng ob-gyn na si Dr. Aurora Lopez-Valdez, kailangang iwasan ang canned food dahil mataas ang mga ito sa preservatives, sodium, at sugar. “As much as possible, go for natural and fresh food choices if you have access to it,” paliwanag niya.

Mayroon ding mga inumin na dapat mong malaman kung bawal sa buntis, pati na kung bawal ba sa buntis ang maanghang na pagkain. (Basahin dito para naman sa mga dapat kainin ng buntis.)

Cat litter

Ang impeksyong  toxoplasmosis ay kumakalat din sa pamamagitan ng soiled cat litter boxes at maaaring maging sanhi ng seryosong problema sa fetus. Kabilang diyan ang prematurity, mabagal na paglaki, at severe eye and brain damage. Madalas na walang sintomas na nararamdaman ang buntis na infected nito ngunit maaari pa rin niyang maipasa sa kanyang baby ang impeksyon.

Paninigarilyo at exposure sa second-hand smoke

Ang paninigarilyo habang buntis ka ay maaaring makapagdulot ng sumusunod:

  • Premature birth o magiging sobrang liit ng iyong baby
  • Pagkakaroon ng birth defect of the mouth and lip ang iyong baby, ang tawag dito ay orofacial cleft.
  • Pagkakaroon ng ear infections and lung infections, tulad ng bronchitis at pneumoniapagkakaroon ng asthma attacks
  • Posibilidad ng Sudden Infant Death Syndrome (SIDS)

Recreational drugs

Kung ikaw ay buntis at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, mailalagay mo sa kapahamakan ang iyong unborn baby. Ilan sa mga epekto nito ang sumusunod:

  • Premature birth
  • Poor growth
  • Birth defects
  • Behavior at learning problems

Maaari ding maipanganak ang sanggol na addicted na sa droga at hahanap-hanapin ito sa kanyang paglaki.

High-impact exercise

Ipagliban muna ang ang mga sumusunod:

  • Weight training at heavy lifting
  • Intense sit-ups
  • Contact sports
  • Scuba diving
  • Bouncing
  • Jarring (tulad ng horseback riding)
  • Leaping
  • Mga galaw na may biglaang pagpapalit ng direksyon, gaya ng downhill skiing, at anumang may kinalaman sa posibilidad ng pagkahulog, tulad ng gymnastics. Maaari kasing makapagdulot ng increased pressure sa structures sa loob ng matris, na posible namang maging sanhi ng premature labor o bleeding.

Narito ang iba pang bawal gawin ng buntis:

  • Pag-inom ng ilang over-the-counter (OTC) at prescription medicines
  • Pagkakaroon ng exposure sa harmful chemicals, tulad ng ammonia at chlorine
  • Pagkakatoon ng exposure sa mga paint, paint thinners, oven cleaners, varnish removers, air fresheners, aerosols, carpet cleaners, at iba pang toxic na bagay
  • Paggamit ng bug sprays (insecticides, pesticides, repellents) dahil ang mga ito ay itinuturing na lason.

(Ang high levels ng exposure ay maaaring magdulot ng miscarriage, premature delivery, at birth defects.)

  • Pagkakaroon ng exposure sa lead, dahil maaari itong maging sanhi ng miscarriage, premature delivery, low birth weight, at developmental delays.
  • Pagkakaranas ng overheating, gaya sa hot tub, sauna, electric blankets, atbp.

Mainam na iwasan ang makapagtataas ng iyong core temperature nang higit sa 102°F o 38.9°C, tulad ng paggamit ng saunas o hot tubs, electric blankets o heating pads. Kung ang body temperature ay higit sa 102°F (38.9°C) nang higit sa 10 minuto, ang elevated heat ay maaaring makapinsala sa fetus.

Maaari din itong maging sanhi ng neural tube defects at miscarriage sa unang trimester. Dagdag pa riyan ang posibilidad ng dehydration sa buntis.

Bawal ba ang sex kapag buntis?

Karamihan sa mga babaeng normal ang pagbubuntis ay maaari pa ring makipagtalik (basahin dito) ngunit bawal ito sa sumusunod na mga pagkakataon:

  • Kung matukoy ng doktor na maaaring magkaroon ng komplikasyon ang pagbubuntis
  • May history o panganib na makunan ang buntis
  • May history ng preterm labor (panganganak bago ang 37 na linggo) o may mga senyales ng panganib ng preterm labor (tulad ng premature uterine contractions)
  • Unexplained vaginal bleeding, discharge, o cramping
  • Leakage ng amniotic fluid
  • Placenta previa, kung saan ang placenta ay napakababa kaya natatakpan ang cervix
  • Pakikipagtalik sa partner na may sexual history na hindi mo sigurado o posibleng may sexually transmitted disease (STD), tulad ng herpes, genital warts, chlamydia, o human immunodeficiency virus (HIV)

Kapag patuloy rin ang pagtatrabaho ng babae habang siya ay nagdadalantao, tandaan lamang na dapat munang iwasan ang sumusunod:

  • Matagal na pagtayopag-akyat sa matataas na hagdan o sa mga bundok
  • Pagbitbit o pagbuhat ng mabibigat na bagay labis na ingay
  • Heavy vibrations, tulad ng mula sa malalaking makina
  • Extreme temperatures

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga nakalap upang malaman mo kung ano ang bawal sa buntis. Higit na mahalaga ang pagkonsulta sa doktor sa buong panahon ng iyong pagdadalantao upang makasigurong ligtas ka at ang iyong baby. Mahalaga ring nariyan ang pamilya upang suportahan at alagaan ka.

Dapat lamang na maging malusog kayong mag-ina mula sa panahong nasa sinapupunan mo pa lamang siya hanggang sa maisilang mo na ang iyong anak.

Basahin dito ang mga pamahiin tungkol sa mga bagay na bawal sa buntis at dito para sa mga dapat gawin ng buntis.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close