embed embed2
  • Malungkot Habang Buntis? Sabi Ng Mga Eksperto, 'It's More Common Than You Think'

    Mayroong mga babaeng nakakaranas ng depression habang nagbubuntis.
    by Ana Gonzales .
Malungkot Habang Buntis? Sabi Ng Mga Eksperto, 'It's More Common Than You Think'
PHOTO BY Shutterstock/aslysun
  • Kamakailan nga ay isiniwalat ng dating aktress na si Meghan Markle sa isang tell-all interview kasama ang batikang talkshow host na si Oprah Winfrey, ang mga naranasan niya at ng asawa niya bilang miyembro ng royal family.

    Matatandaang nagbitaw na sina Meghan at Harry bilang 'working members' ng royal family at ngayon ay naninirahan sa Amerika kasama ang kanilang anak na si Archie.

    Kwento ni Meghan sa Oprah interview, dumating siya sa punto na ayaw na lang niyang mabuhay. Aniya, naisip niya noon na kung wala na siya ay matitigil na ang lahat ng mga issues na ibinabato sa kanilang mag-asawa, higit sa lahat sa kanya.

    Sinabi rin ni Harry na minsan niyang inabutan ang asawa na umiiyak habang nagpapasuso. Bagay na nagpakita sa kanya na kailangang may gawin siya para hindi lumala ang nararamdaman ng kanyang asawa.

    Naimulat man ang mata ng marami tungkol sa racism dahil sa interview na iyon nina Meghan at Harry, marami rin ang nakaalam na maaaring makaramdam ng depression ang isang nagbubuntis.

    Pwede bang maging depressed ang isang buntis?

    Ayon kay Dr. Megan Gray, OB-GYN sa Orlando Health Winnie Palmer Hospital for Women and Babies, ang depression during pregnancy ay "pretty common" o nararanasan ng maraming kababihan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa katunayan, lumalabas sa datos ng American College of Obstetrics and Gynecologists na isa sa sampung babae ang nakakaranas ng depression habang sila'y nagbubuntis.

    Naniniwala ang mga eksperto na mas mataas pa ang bilang na ito nang 70% dahil maraming mga kaso ang maaaring hindi nada-diagnose.

    Paliwanag nila, ang sintomas kasi ng depression at pagbubuntis ay halos pareho lang. Nariyan ang pagsusuka, pagbabago ng gana sa pagkain, pagtaas ng timbang, problema sa pagtulog at iba pa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi rin lahat ng mga buntis na nakakaramdam ng depression ay open na nagsasabi ng kanilang nararamdaman.

    Dagdag pa ni Dr. Gray, mayroong tinatawag na societal norm kung saan sinasabi ng mga tao sa paligid natin na ang pagbubuntis ay dapat maganda at masaya lang. Isa ito sa mga dahilan kung bakit may mga nanay na hindi nagsasalita tungkol sa tunay na nararamdaman nila.

    Malimit din ay nakatingin tayo sa mga common pregnancy symptoms tulad ng pagsusuka, pagkahilo, at iba pa. Sabi ng mga eksperto, ang pagbubuntis ay mayroon ding seryosong epekto sa mental health ng mga kababaihan.

    Anu-ano ang mga sintomas ng depression habang buntis?

    Narito ang ilan sa mga sintomas na maaaring maramdaman mo:

    • Labis na anxiety tungkol sa iyong baby
    • Sobrang babang self-esteem
    • Hindi ka na interesadong gawin ang mga dati'y nae-enjoy mo
    • Hindi ka nakakaramdam ng mas maayos na pakiramdam kapag nirereassure ka
    • Wala kang ganang kumain
    • Mayroon kang suicide thoughts

    Anong pwede kong gawin kung nakakaramdam ako ng depression?

    Halos lahat ng mga OB-GYNs at mga midwives ay ini-iscreen ang mga buntis na pasyente nila para sa perinatal depression. Ngunit kung hindi mo naramdaman na naaalagaan ang iyong mental health, kailangan mong lumapit sa ibang medical professional.

    Payo pa ng mga eksperto, kung hindi mo masabi sa doktor mo ang nararamdaman mo, pwede mo itong sabihin sa nurse na kukuha sa iyong vitals. Ano man kasi ang sabihin mo sa nurse na una mong makakausap ay siguradong makakarating sa doktor mo.

    Pwede ka ring humingi ng recommendation sa iyong doktor para mai-refer ka sa pychiatrist—kung saan maaari kang maging mas kumportable.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mahalaga dito ay malaman mong pwede kag magsalita. Pwede mong iparating kung may nararamdaman kang hindi maganda at hindi mo maipaliwanag.

    Hindi ka dapat mahiyang sabihin kung hindi ka masaya sa pinagdadaanan mong pagbubuntis. Kung magkakaroon ka kasi ng lakas ng loob na aminin ang pinagdadaanan mo, hindi lang buhay mo ang maililigtas mo, kundi pati na rin buhay ng anak mo.

    Nakakaramdam ka ba ng labis na kalungkutan at pag-iisa? Maaari kang tumawag sa National Center for Mental Health Crisis Hotline sa numerong 0966-351-4518. Pwede ka ring makipagkwentuhan sa mga kapwa mo nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles