-
Narito Ang 4 Things Na Kailangan Mong Malaman Tungkol Sa Surrogacy
Pwede ba itong gawin sa ating bansa? Magkano ang aabutin?by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Isa sa mga pinaka kontrobersyal na pamamaraan ng pagbubuntis ang surrogacy, hindi lang dito sa ating bansa, pati na rin sa iba. Gayun pa man, mayroon pa ring mga mag-partners na pinipili itong paraan para magkaroon sila ng anak.
LEARN MORE ABOUT ASSISTED PREGNANCY HERE:
- What You Need to Know About IVF Today in the Philippines
- Here's How Much Money You'll Need If You're Considering IVF
May dalawang uri ng surrogacy
Ito ang traditional surrogate at ang gestational surrogate. Anong pinagkaiba ng dalawa?
Sa traditional surrogacy, dadaan sa artificial insemination ang isang babae o ang surrogate mother. Siya ang magdadala ng bata na siya niyang ibibigay sa inyo pagkapanganak niya.
Siya ang ituturing na biological mother ng bata dahil sa kanya manggagaling ang itlog na ife-fertilize ng semilya ng tatay. Pwede ring gumamit ng donor sperm.
Sa gestational surrogacy naman na madalas ginagawa ngayon, hindi sa surrogate mother manggagaling ang itlog na ife-fertilize.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa pamamagitan ng in vitro fertilization (IVF), kukuha ng itlog mula sa babae at semilya naman mula sa lalaki na siyang pagsasamahin hanggang maging embryo. Ang embryo na ito ang ilalagay sa surrogate na siya namang magdadala ng bata.
Ang surrogate ay maaari ring tawaging 'birth mother' dahil siya ang manganganak. Ang biological mother ang babaeng pinanggalingan ng itlog.
Malimit na may medical concerns ang pumipili nito
May mga pumipili ng surrogacy dahil sa mga dahilang ito:
- mayroon kang problemang medikal sa iyong sinapupunan
- sumailalim ka sa hysterectomy o ang surgical na pagtatanggal ng uterus
- mayroong kang mga medical conditions kung saan hindi magiging posible para sa iyo ang pagbubuntis
Malimit ay hindi surrogacy ang unang naiisip ng mga mag-partners na hirap sa pagbubuntis dahil marami pang ibang assisted reproduction techniques tulad ng IVF, artificial insemination, intrauterine insemination, at ovarian stimulation.
May kamahalan ang surrogacy
Ayon sa isang ABS-CBN News report, ang pagha-harvest pa lang ng itlog ay nagkakahalaga na ng Php150,000 hanggang Php300,000.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMaaari ring magbayad ng Php11,200 taon-taon para sa pagi-imbak ng itlog. Ang embryo transfer naman sa pamamagitan ng IVF ay nagkakahalaga ng Php100,000.
Sa parehong report, sinabi ni Rudie Frederick Mendiola, Medical Director sa Kato Repro Biotech Center, kinikilala ng World Health Organization (WHO) ang infertility bilang isang karamdaman.
"If it's an illness, it needs treatment. It's an unmet need," paliwanag niya. Dito kasi sa ating bansa, hindi hayagang ginagawa ang surrogacy dahil na rin sa ilang mga ethical considerations.
"There are many ethical issues. There's room for exploitation. Like in organ donation, di ba, it's the same thing. How can you put a price on something like that? How can you say that it's enough for you to pay me this much?"
Paliwanag pa ni Mendiola, sa ilalim ng Philippine Law, ang birth mother pa rin ang itinuturing na ina ng bata kaya marami ang hindi na sumusubok sa surrogacy.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWala pang batas dito sa ating bansa na nagbabawal ng surrogacy
Hindi pa naisasabatas ang Senate Bill 2344, An Act Prohibiting Surrogate Motherhood Including Infant Selling And Providing Penalties Therefor, na naglalayong ipagbawal ang surrogate motherhood dito sa ating bansa.
Sa naturang bill, limang taong pagkakakulong at Php10,000 multa ang parusang tinitignan para sa sino mang lalabag ng batas kung maipasa man ito. Ngunit sa ngayon, wala pa ring batas na tahasang nagbabawal ng surrogacy sa Pilipinas.
Sa katunayan, may ilang mga prominenteng tao na dito sa ating bansa ang gumamit ng surrogacy.
Ang malimit na nagiging tanong ay hindi kung sino ang legal na magulang ng bata kundi kung ano ang citizenship niya. Madalas kasi ang surrogate mother ng bata ay galing pa o nakatira sa ibang bansa.
Sa interview ng ABS-CBN news kay Atty. Cecilio Duka, isang legal ethics at constitutional law professor, sinabi nito na ang mga surrogate kids ay kailangan pang ampunin ng mga intended parents bago sila kilalanin bilang mga legal na magulang ng mga bata dito sa Pilipinas.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPumirma man ang surrogate at ang mga intended parents ng isang kontrata, maituturing pa rin itong invalid dahil sa kawalan ng batas. Kung hindi tuparin ng surrogate mother ang kontrata, halimbawa, siya pa rin ang bibigyang proteksyon ng batas dahil siya ang ituturing na biological mother ng bata.
Sa batas kasi natin, ang nanganak ang siyang ituturin na biological parent o nanay ng bata. Siya ang ituturing na mas may karapatan sa bata.
Ayon pa kay Duka, kung hindi aampunin ng intended parents ang bata at ipapagpalagay lang nila na sila ang mga legal na magulang, maaari silang makasuhan ng simulation of parental status.
Base sa Article 164 ng 1987 Family Code, bago pa man naging usapin ang mga teknolohiyang may kinalaman sa surrogacy, ang mga batang ipinanganak sa pamamagitan ng artificial insemination ay ituturing na legitimate child.
"Children conceived as a result of artificial insemination of the wife with the sperm of the husband or that of a donor or both are likewise legitimate children of the husband and his wife, provided, that both of them authorized or ratified such insemination in a written instrument executed and signed by them before the birth of the child."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMarami pang kailangang pag-aralan at talakayin ang ating mga mambabatas pagdating sa surrogacy dito sa ating bansa.
LEARN MORE ABOUT ASSISTED PREGNANCY HERE:
- What You Need to Know About IVF Today in the Philippines
- Here's How Much Money You'll Need If You're Considering IVF
Isa kasi ang hirap ng buhay at kawalan ng maayos na trabaho sa mga nakikitang dahilan para abusuhin ang surrogacy. Kung sa mga mag-partners ay isa itong paraan para magkaanak, sa iba ay maaari itong maging kabuhayan.
Hindi lahat ay nabibiyayaan agad ng anak. Kung naghahanap kayo ng partner mo ng paraan para mabuntis, maaari mong basahin ang mga Smart Parenting articles na ito.
What other parents are reading

- Shares
- Comments