embed embed2
Bukod Sa Missed Period, Iba Pang Sintomas Kung 1 Buwan Ka Buntis
PHOTO BY Unsplash
  • Ang article na ito ay nadagdagan na ng updates noong March 31, 2023.

    Mabibili mo na ang iyong pregnancy at baby essentials sa Smart Parenting ChatnShop! Pindutin mo lang ang 'ChatnShop Now' button at pwede ka nang pumili ng mga produktong kailangan mo. Huwag kang mag-alala dahil tutulungan ka ng aming community care team mula sa pagbayad at sa pag-ayos ng delivery ng mga pinamili mo. Parang nakikipagkwentuhan ka lang sa kapwa mo Smart Parenting mom!

     Ang pagbubuntis ay nahahati sa tatlong trimesters. Ang bawat trimester ay hindi lalampas sa 13 linggo. Ang unang buwan ng iyong pagbubuntis ang marka ng first trimester.

    Malimit ang unang tanda na buntis ka ay ang kawalan ng iyong regla o monthly period. Ngunit alam mo bang hindi lang ito ang maaaring sintomas na ikaw ay nagdadalang-tao?

    Ayon sa mga eksperto, marami pang ibang maaaring sintomas ng pagbubuntis sa unang buwan.

    What other parents are reading

    Kailan nagsisimula ang paglabas ng mga sintomas?

    Nagsisimula ang pagbibilang ng iyong pagbubuntis sa unang araw ng iyong huling menstrual period. Tatlo hanggang apat na linggo bago mo pa malaman na buntis ka. Dito pa lamang magsisimulang lumabas ang mga sintomas sa unang buwan ng iyong pagbubuntis.

    What other parents are reading

    Sintomas ng pagbubuntis at 1 month

    Pagkatapos na ma-fertilize ang iyong itlog, bababa ito sa fallopian tube at magsisimulang mahati nang mahati sa maraming cells. Tatlo hanggang apat na linggo pagkatapos ang fertilization, makakarating na sa iyong matris ang fertilized egg.

    Opisyal na magsisimula ang iyong pagbubuntis kapag kumabit na ang fertilized egg mo sa lining ng matris mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sampu hanggang labing-apat na araw o sa ika-4 na linggo ng iyong pagbubuntis, mararanasan mo ang tinatawag na implantation bleeding. Maraming mga kababaihan ang inaakalang period na nila ito. Narito ang ilan sa mga tanda ng implantation bleeding:

    • Maaaring ang kulay ng lalabas sa iyo ay pink, red, o brown
    • Maaaring makaramdam ka ng mild, moderate, hanggang severe na pananakit
    • Tatlong araw lang ang malimit na itinatagal ng bleeding at pananakit

    Kapag natapos na ang implantation, magsisimula nang gumawa ang katawan mo ng human chorionic gonadotropin (hCG). Ito ang hormone na tutulong sa iyo para magtuloy ang iyong pagbubuntis. Ito rin ang magsasabi sa obaryo mo na huwag nang maglabas ng mature na itlog buwan-buwan.

    Narito pa ang ibang sintomas ng pagbubuntis sa unang buwan. Tandaan na iba-iba ang sintomas depende sa katawan ng babaeng nagbubuntis.

    What other parents are reading

    Tataas ang iyong basal body temperature

    Mas mabilis na tataas ang temperatura ng iyong katawan lalo na kung nageehersisyo ka o mainit ang panahon. Kapag naranasan mo ang sintomas na ito, importanteng madalas kang umiinom ng tubig at maging maingat ka na sa page-ehersisyo.

    Makakaramdam ka ng fatigue

    Maaaring makaranas ka ng kawalan ng lakas o mabilis na pagkahapo sa unang ilang linggo ng pagbubuntis mo.

    Payo ng mga eksperto, sa puntong ito ay dapat lagi mo nang sinisiguro na nakakakuha ka ng sapat na tulog.

    Magiging antukin ka

    Tumataas ang progesterone level sa katawan mo kaya nagiging antukin ka sa unang buwan ng iyong pagbubuntis.

    Para makakuha ka ng sapat at dekalidad na tulog, lagi mong siguraduhing presko sa kwarto ninyo lalo na kung naging maiinitin ang iyong katawan.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

    Makakaramdam ka ng bloating

    Ang pagtaas ng pregnancy hormones ang pangunahing dahilan kung bakit bloated ang pakiramdam sa unang buwan ng pagbubuntis. Malimit na napagkakamalan ng ilang mga babae na premenstrual syndrome ang nararamdaman nila, pero pagbubuntis na pala.

    Makakatulong ang pagkain ng mga prutas at gulay na mayaman sa fiber.

    Makakaranas ka ng madalas na mood changes

    Isa rin ito sa naidudulot ng pagtaas ng hormone levels sa iyong katawan. Maaari kang makaramdam ng iba't-ibang emosyon sa maiksing panahon lamang. Kabilang dito ang bahagyang anxiety na maaaring mapalitan bigla ng kaligayahan o 'di naman kaya ay excitement o kalungkutan.

    Kung napapansin mong papalit-palit ang iyong mood ay masyado itong madalas at mabilis, makakatulong na makipag-usap ka sa mga kamag-anak o kapamilya mo para maibsan ang ano mang bigat na iyong nararamdaman.

    What other parents are reading

    Mas mapapadalas ang iyong pag-ihi

    Ayon sa mga eksperto, mararamdaman mo ito dahil sa pagdami ng dugo sa iyong katawan. Ibig sabihin, doble trabaho ang mga kidneys mo kaya mas madalas kang maiihi. Kung isa ito sa mga sintomas na nararamdaman mo, mahalaga ang madalas na pag-inom ng tubig.

    What other parents are reading

    Mamamaga ang iyong mga suso

    Ang sore o tender breasts rin ang isa sa mga sintomas ng pagbubuntis sa unang buwan. Tulad ng moodiness mo, hormones din ang dahilan kung bakit bahagyang parang namamaga ang boobs mo.

    Maaari kang makaranas ng morning sickness

    Hindi lahat ng mga buntis ay nakakaranas ng pagsusuka o nausea. May ilang mga nanay na nararanasan ito ng maaga, habang ang ilan naman ay nakakaranas nito sa gitna ng kanilang pagbubuntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Importanteng kumonsulta ka agad sa doktor mo kung iginugupo ka ng iyong morning sickness. Huwag mo ring hayaang ma-dehydrate ang sarili mo. Kailangang lagi kang umiinom ng tubig kung nararamdaman mo ang sintomas na ito.

    What other parents are reading

    Ilan lamang ang mga ito sa mga sintomas ng pagbubuntis at 1 month. May ilan pang mga nanay na nakakaranas ng tinatawag na food aversion o iyong pag-ayaw sa ilang klase ng pagkain, gulay, o prutas. May ilan din nagiging sensitibo sa amoy.

    Iba-iba ang mararanasang sintomas ng pagbubuntis at 1 month—depende sa pangangatawan ng isang babae. Mahalagang kumonsulta agad sa iyong doktor kung mayroon mang mga senyales na hindi nagiging maganda ang epekto sa iyo.

    Mga paalala kung ikaw ay posibleng 1 buwan nang buntis

    Sa unang buwan ng pagbubuntis, maaaring hindi pa gaanong maramdaman ng buntis ang mga sintomas dahil bago pa lamang ito. Mayroong ilang mga karaniwang sintomas na maaaring maranasan ng mga buntis sa panahong ito.

    Ito ay kasama ang pagsusuka, pagkahilo, pagkapagod, at pagbabago sa mga gana sa pagkain. Maaaring magkaroon din ng kaunting pagdurugo dahil sa implantation ng fertilized egg sa lining ng uterus. Maari ring magkaroon ng pagbabago sa mga hormone levels ng katawan, na maaaring magdulot ng mood swings o mga emosyonal na pagbabago.

    Mahalagang tandaan na hindi lahat ng mga buntis ay magkakaroon ng parehong sintomas sa unang buwan, at hindi rin dapat nagre-rely sa mga sintomas upang malaman kung buntis nga. Mahalagang magpakonsulta sa doktor upang magpa-check up at mag-undergo ng mga necessary na tests upang masiguro ang kalagayan ng buntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close