embed embed2
Baka Si Hubby Ang Naglilihi Kung Buntis Ka! Mga Sintomas Sa Ika-12 Linggo
PHOTO BY Unsplash
  • Sa huling linggo ng first trimester, lumalaki ang tsansa ng buntis na maiwasan ang miscarriage habang bumibilis ang pagkakabuo ni baby sa sinapupunan. Patuloy ang sintomas ng pagbubuntis sa week 12, at nakakasanayan mo na ang mga pagbabago sa iyong katawan.

    FOOD TO AVOID WHEN PREGNANT!

    Mga sintomas ng pagbubuntis sa ika-12 linggo 

    May mister na kasing nagsabi na nagkaroon sila ng pagnanakit ng ulo at tiyan, maging pagduduwal sa panahon na ito ng pagbubuntis. Marahil sa kakakuwento mo sa asawa mo ng mga pinagdadadaan mo, pakiwari niya tuloy nakakaramdam din siya ng mga sintomas o paglilihi. Kaya nga siguro “we’re pregnant” na ang pregnancy announcement sa henerasyon ngayon.

    Malaking tulong na may katuwang ang buntis dahil tunay na may kahirapan at kaakibat na discomfort ang kanyang mga pinagdadaanan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Constipation

    Maaaring mapansin mo na nahihirapan kang dumumi o malimit kang constipated, lalo na kung regular naman ang punta mo sa banyo dati. May kinalaman ang hormones sa pagbagal ng iyong panunaw. Makakatulong ang pagkakaroon ng high-fiber diet, tulad ng fresh fruits at vegetables, upang mapabilis ang digestion. Dagdag pa dito ang madalas na pag-inom ng tubig at pag-e-exercise.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Stomach pain at cramping

    May iba-ibang posibleng dahilan ng pananakit at paghihilab ng iyong tiyan. Bukod sa constipation, nariyan ang pagkakaroon ng kabag at pagbabanat sa ligaments. Sikapin pang kumain ng makakatulong sa digestion at mag-exercise na makakabawas sa stomach pain at cramping. Pero kung grabe na ang sakit, at may kasabay na bleeding, mainam na ipag-alam mo na ito sa doktor.

    Excessive saliva

    Isa sa mga kakaibang sintomas ng pagbubuntis sa week 12, o mas maaga pa dito, ang saliva build-up na tinatawag ding ptyalism gravidarum. Kung nararanasan mo ang hindi pangkaraniwang pagdami ng laway, malamang nangyayari ito tuwing mayroon kang morning sickness. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang suspetsa ng mga eksperto, ito ang paraan ng katawan para protektahan ang iyong bibig, ngipin, at lalamunan laban sa pinsalang dulot ng stomach acid. Hindi naman daw ito seryosong kondisyon, pero walang remedyo kung hindi hintayin ang iyong panganganak.

    Maaaring subukan ang ilang paraan upang maibsan ang paglalaway.

    • Ngumata ng yelo
    • Ngumata ng chewing gum na sugarless
    • Magmumog ng mouthwash na mint ang flavor
    • Magsipilyo gamit ang toothpaste na mint ang flavor
    • Kumain o uminom ng maasim, tulad ng lemon
    • Ihanda ang tissue o panyo para mapunasan kaagad ang laway

    Brown patches sa mukha o leeg

    Posibleng magkaroon ka ng patse-patse sa mukha at leeg na kulay brown. Tinatawag ang brown patches na chloasma o "mask of prenancy." Hindi ito nalalayo sa pagkakaroon ng itim na linya sa iyong tiyan, na kilala bilang “linea nigra.” Pareho kasi silang dulot ng hormonal changes sa iyong katawan kaya tumataas ang melanin. Ito ang resposable sa kulay ng balat, buhok, at mata ng tao. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mood swings

    Sa kabila ng excitement na iyong nararamdaman, maaaring hindi mo maiwasan na maging anxious at stressed. Madami ka kasing iniisip sa pangkasalukuyan at maging sa hinaharap. Minsan pa, nagiging mista ng pagtatalo ninyong mag-asawa ang iyong mood swings. Makakatulong ang pagiging open sa iyong nararamdaman sa mga taong iyong pinagkakatiwalaan o di kaya sa mga kasapi ng mommy groups.

    Makakagaang din ng pakiramdam na malaman na patuloy ang development ni baby. Halos fully formed na siya sa puntong ito. Kumpleto na ang kanyang mga daliri sa kamay at paa. Marunong pa siyang mag-close-open. Nasa advanced stage na rin ang kanyang reproductive, circulatory, at urinary systems.

    Ang development ni baby sa loob ni tiyan

    Nasusukat sa 5 cm o 2 inches ang haba ni baby, mula ulo hanggang puwitan, at 14 grams o 0.49 ounces ang kanyang timbang. Nabubuo na ang kanyang vocal cords habang nagsisimula na ang kanyang kidney na gumawa ng urine at punuin ang bladder. Gumagalaw-galaw na siya, ngunit hindi mo pa masyadong nararamdaman.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    FOOD TO AVOID WHEN PREGNANT!

    Maaari mong alagaan si baby sa pamamagitan ng pag-aalaga sa iyong sarili, kasabay ng mga sintomas ng pagbubuntis sa week 12. Alalahanin na kung ano ang iyong kinakain at iniinom, para din iyon kay baby. Kaya mahigpit na iwasan kung alin ang makakasama sa inyong dalawa, tulad ng pag-inom ng alak at paninigarilyo. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles