embed embed2
Dapat Bantayan Na Senyales Sa Week 38 Ng Pagbubuntis: Puwede Ka Na Manganak!
PHOTO BY Shutterstock/Tolikoff Photography
  • Dalawang linggo na lang bago ang iyong due date. Pero anumang oras ay maaari ka nang manganak o makaramdam ng mga sintomas ng labor. Anong sintomas ng pagbubuntis ang inaasahan mong mararanasan sa week 38?

    Mas madalas na rin nag pagbisita mo sa iyong ob-gyn para tingnan kung nag-dilate na ang iyong cervix. Mapapansin mo ring bumaba na ng puwesto si baby at nakaposisyon na ito. Naglilikot na siya at gumagalaw sa bahagi ng iyong pelvis kaya naman mas maginhawa na ang iyong paghinga dahil nabawasan na ang pressure sa iyong diaphragm.

    Halos nasa full-term ka na ng iyong pregnancy journey kaya posibleng lumabas na si baby! Ayon sa mga eksperto mga nasa 5% lamang ang mga nanganganak sa mismong due date nila.

    Mga tips para sa iyong nalalapit na panganganak 

    • I-check ang iyong hospital bag baka sakaling may nakalimutan ka pang ilagay.
    • Pag-usapan ninyong mag-asawa ang inyong mga plano sa paglabas ni baby.
    • Balikan ang iyong mga inihandang plano pagkapanganak mo.
    • Patuloy na magsanay para sa tamang pag-ire.

    Sintomas ng pagbubuntis week 38 

    Hindi ka na gaanong lumalaki o bumibigat sa panahong ito ngunit may ilang bagay na nahihirapan ka nang gawin.

    Paglalakad

    Mas hindi nagiging komportable na sa iyo ang kahit simpleng paglalakad at pagkilos dahil labis na timbang mula sa bigat ng iyong matris dagdag pa ang pressure na ibinibigay ng iyong baby sa mga binti at paa mo. Parang paika-ika ka na sa paglalakad. Kasama pa nito ang pagmamanas ng iyong mga paa.

    Pangangati ng tiyan

    Nararanasan mo ito dahil sa paglaki ng iyong baby nababanat nang husto ang balat sa  tiyan. Nagdudulot ng pag-dry ng balat kapag nababanat ito kaya nagiging sanhi ng pangangati. Makatutulong ang paglagiang paglalagay ng moisturizers sa iyong tiyan para mabawasan ang pangangati nito.

    Mas madalas na pag-ihi

    Sa patuloy na paglaki ng iyong baby at uterus, nagdadagdag ito ng pressure sa iyong bladder na nagdudulot nang mas mapadalas mong pag-ihi. Patuloy na uminom ng maraming tubig para manatiling hydrated.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pelvic pain

    Dahil nakahanda na ang iyong baby sa kaniyang paglabas, mararamdaman mo ang pressue sa bahagi ng iyong pelvis. Mababa na rin ang puwesto ni baby kaya mas nadaragdagan ang pressure o bigat sa iyong pelvis, bladder, at balakang.

    Pagmamanas

    Patuloy ang pagprodyus at pananatili ng mas maraming tubig sa mga bahagi ng iyong paa at bukong-bukong kaya mararanasan mo ang pagmamanas. Ipahinga lamang ang iyong paa, uminom ng maraming tubig, at magsuot ng komportableng panyapak (sapatos o tsinelas) para malabanan ang sakit o kirot na dulot ng pagmamanas.

    Mapapansin mo rin ang pamamaga o pagmamanas ng iba pang bahagi ng iyong katawan gaya ng mukha, ilong, kamay at daliri. Normal lamang ito sa mga buntis na malapit nang manganak.

    Ngunit kung labis ang napapansin mong pagmamanas ng iyong mukha, kamay, at paa, dapat naipaalam ito sa iyong ob-gyn dahil maaaring sintomas ito mataas na blood pressure o preeclampsia.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Hirap sa pagtulog

    Dahil sa mararamdaman mong pananakit ng likod at balakang, pagsakit ng puson, at pamumulikat, nagdudulot ito ng mga alalahanin sa iyo kaya mas nahihirapan ka sa pagtulog. Maaaring makinig ng kaaya-ayang musika o magbasa ng libro na makapagpapaaliw at magpapayapa sa iyong pakiramdam.

    Colostrum

    Habang hinihintay ang paglabas ng iyong baby, maraming pregnant mommy ang nakararanas ng pag-leak ng colostrum o “pre-milk” sa kaniyang suso. Ito ay yellowish na liquid na lumalabas kapag nasa huling yugto ng pagbubuntis.

    Hindi naman lahat nakararanas nang maagang paglabas nito kaya huwag mabahala marahil patuloy na nagpoprodyus pa nito ang iyong katawan para sa paglabas ni baby.

    Senyales ng labor

    Ang mga sintomas ng pagbubuntis na ito sa week 38 ay dapat bantayan dahil maaaring senyales ng pagla-labor.

    Diarrhea

    Ang diarrhea o pagtatae ay likas na paraan para magkaroon ng sapat na espasyo para sa iyong baby bilang paghahanda sa kaniyang pagsilang. Uminom ng maraming tubig at subukin ang soft diet. Iwasan na ang mamantikang pagkain at pagkaing matagal matunaw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagduduwal

    Posibleng maranasan mo ang bahagyang pagduduwal. Kung nakakaramdam ka ng pagkahilo, mabuting kumain nang paunti-unti o maliliit na meals kada araw.

    Contractions

    Patuloy kang makararanas ng Braxton Hicks contractions sa linggong ito. Hindi naman regular ito at madalas na nawawala rin. Pero kung napapansin mong masakit at tumitindi ang paninigas ng iyong tiyan at mas matagal ito dapat na ipaalam sa iyong doktor.

    Vaginal discharge at pagputok ng panubigan

    Bantayan ang uri ng vaginal discharge na mararanasan mo. Kung makakikita ka ng bahid ng dugo na ang kulay ay mala-pink o brown sa iyong panty maaaring simula na ito ng pagbukas o pag-dilate ng iyong cervix.

    Kasunod nito ang pagputok na ng iyong panubigan na siyang huling yugto na handa ka nang manganak.

    Development ni baby sa loob ng tiyan sa ika-38 linggo ng pagbubuntis

    Sa linggong ito, kasinlaki na si baby ng isang maliit na pakwan na may sukat na 20 centimeter at mga nasa 7 pounds ang timbang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Patuloy ang kaniyang paghinga mula sa amniotic fluid at pag-inom nito na magiging parte ng kaniyang unang dumi o tinatawag na meconium sa paglabas sa iyong sinapupunan.

    Unti-unti nang nalalagas ang maninipis na buhok na tinatawag na lanugo na bumabalot sa balat ni baby bilang paghahanda sa kaniyang paglabas. May ilan na natitira sa bandang bahagi ng kanilang likuran.

    Malakas na rin ang baga ni baby at nadebelop na ang kaniyang vocal cords na magagamit niya sa pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pag-iyak.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close