embed embed2
  • Hot Compress, Maternity Pillow At Iba Pang Pregnancy Must-Haves Ni Andi Eigenmann

    Ibinahagi ng celebrity mom ang mga essentials na hindi nawawala kapag buntis siya.
    by Ana Gonzales .
Hot Compress, Maternity Pillow At Iba Pang Pregnancy Must-Haves Ni Andi Eigenmann
PHOTO BY YouTube/TheHappyIslanders
  • Nasa second trimester na ang celebrity mommy na si Andi Eigenmann! Ang bilis ng panahon dahil kailan lang ay inanunsyo ng mommy vlogger ang kanyang pagbubuntis sa kanilang ikatlong anak ng kanyang partner, ang pro surfer na si Philmar Alipayo.

    MORE HAPPY ISLANDERS STORIES HERE:

    Ibinahagi naman ni Andi ang kanyang mga second trimester must-haves sa kanilang latest Happy Islanders vlog. Nag-pregnancy update na rin si Andi kasama ang kanyang dalawang nag gagandahang mga anak na sina Ellie at Lilo sa video.

    Hindi pa nire-reveal ni Andi ang gender ng ikatlong baby. Kahit sina Ellie at Philmar ay hindi pa rin alam kung lalaki ba o babae ang paparating. "Mommy is not trying to say the gender because me and Philmar don't know the gender," kwento ni Ellie. "But there's [going to be] a vlog [about] that," dagdag pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon naman kay Andi, bahagyang mas madali ang pagbubuntis niya ngayon kumpara sa mga nakaraan. "This one has been fairly easy compared to my pregnancy with Lilo, where I suffered really bad morning sickness from the first until the end of the second trimester," kwento niya. "This time around, I've just been feeling 100, feeling good," dagdag pa niya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ibinahagi rin ni Andi na Ikatlong linggo na niya sa kanyang prenatal workout program. "I have been eating as healthy as I could," sabi niya, habang nakaharang ang cute na cute na mukha ni Lilo sa camera.

    Pagkatapos ng maiksing pregnancy update, ibinahagi na ni Andi ang kanyang mga second trimester must-haves. "This, I'm pretty sure of already," sabi niya. "[I] won't be sharing those unnecessary things that they tell you you need online." Dagdag pa niya, "It's my third pregnancy already, so I am so sure of the actual necessities."

    Kwento rin niya, ang advantage ng pagkakaroon ng mga anak na magkakalapit ang edad ay isang bilihan na lang ang maraming bagay, lalo na pagdating sa mga gamit sa pagbubuntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Itinago na ni Andi ang mga essentials na ginamit niya nang nagbubuntis siya kay Lilo, kaya ngayon ay may magagamit siya para sa kanyang ikatlong pagbubuntis.

    Heto ang kanyang mga must-haves:

    Maternity Pillow

    "Having this pillow makes me feel good, not only physically but, mentally as well," kwento ni Andi. May nursing pillow din siya na ginagamit na rin niya para sa kanyang tiyan o likuran.

    Comfortable Clothes

    Sabi ni Andi, dahil maraming nagbabago sa katawan mo, ngayon ang oras para ipunin mo lahat ng mga pinaka komportable mong damit. May maternity shorts na gamit si Andi, "No matter how far along I am in my pregnancy, it will fit me comfortably."

    Kailangan mo ring mag-invest sa maayos at komportableng underwear, lalo na sa iyong bra. "Everything is growing so you need that extra support," payo niya.

    Hot Compress

    Pwede ka ring gumamit ng heat pads. Ayon kay Andi, makakatulong ito para sa iyong back pains.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tumbler

    "You tend to get dehydrated more when you're pregnant," sabi ni Andi, kaya naman sinisiguro niyang mayroon siyang tumbler sa tabi para madali na lang uminom ng tubig.

    Pregnancy Support Band

    Nakakatulong ito kung kailangan mo ng extra support sa iyong lumalaking tiyan.

    Moisturizing Lotion

    "Any type of lotion is good enough," payo ni Andi. Basta importante ay ma-moisturize nito ang iyong balat, lalo na kung napapansin mong nagda-dry na ito.

    Vitamins

    Trusted plant-based supplements lang and iniinom ni Andi para maksiguro siyang nakukuha niya lahat ng mga nutrients na kailangan niya.

    Tandaang kumonsulta muna sa doktor bago ka bumili o uminom ng mga vitamins.

    Mayroon din siyang pregnancy fitness journal na makakatulong naman para i-track ang mga nararamdaman niya pati na rin ang mga pagbabago sa kanyang katawan.

    MORE HAPPY ISLANDERS STORIES HERE:

    'Yan ang lahat ng mga second trimester pregnancy must-haves ni Andi. Panoorin mo ang kabuuan ng video niya dito:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ikaw? Anu-ano ang mga pregnancy must-haves mo? I-share mo na iyan sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles