embed embed2
  • Matinding Pregnancy Cravings Mula Tinolang May Ketchup Hanggang Apple Na May Dilis?!

    Kawawa naman ang mga daddies sa paghahanap ng mga pagkaing ito. LOL!
    by Ana Gonzales .
Matinding Pregnancy Cravings Mula Tinolang May Ketchup Hanggang Apple Na May Dilis?!
PHOTO BY Unsplash
  • Maraming pisikal na pagbabago ang nangyayari sa mga buntis. Bukod sa morning sickness at unti-unting paglaki ng iyong tiyan, nariyan na rin ang pananakit ng ilang bahagi ng iyong katawan.

    SATISFY YOUR CRAVINGS HERE:

    Malimit ding maranasan ng mga buntis ang matinding craving sa kung anu-anong pagkain at inumin. Mayroon pa ngang mga buntis na naghahanap ng mga kakaibang kumbinasyon ng pagkain.

    'Yan ang siyang inilista namin sa tulong ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Marami kasi sa kanila ang nakaranas ng weird o kakaibang food cravings.

    Pero bago 'yan, bakit nga ba naglilihi ang mga buntis?

    Malimit na nagsisimula ito sa ika-12 linggo ng iyong pagbubuntis. Ayon sa mga eksperto, wala pang pag-aaral na talagang nagpapliwanag kung bakit ito nangyayari. Isa sa mga tinitignan nilang dahilan ay ang pagbabago sa mga hormones sa katawan ng isang buntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga pagbabagong ito ang maaaring nagtutulak sa iyo na maghanap ng isang specific na texture, lasa, kulay, o amoy. Maaari ring dahil sa dami ng pagbabago sa katawan mo, ang food craving ang paraan nito para mas maging komportable ka.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Narito ang ilan sa mga kakaibang food cravings at food combinations na hinanap-hanap ng mga nanay sa Village:

    Tinolang manok na isasawsaw sa ketchup

    'Yan ang hinanap-hanap ni mommmy There Castañeto. Ayon sa kanya, pinaglihian din daw niya ang siopao asado, pero laman lang ang kinakain niya at hindi ang tinapay.

    Siopao pero tinapay lang

    Kabaligtaran naman ni mommy There si mommy Dhanzen Domingo. Ang hinahanap kasi ni mommy Dhanzen ay ang tinapay lang ng siopao. Ang laman, ibinibigay niya kay daddy.

    Strawberries

    Kwento ni mommy Camille Chua, hindi raw panahon ng strawberries noong naglilihi siya, kaya naman nung makakita siya nito sa grocery, agad niya itong kinuha—muntik pa raw siyang makipag-agawan!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bayabas na may suka at asin

    Ito ang pinaglihian ni mommy Cynthia Deguerio Belaro. Ang kakaiba rito, ito ang pinaglihian niya sa tatlo niyng anak.

    Green apple na sinasawsaw sa bagoong

    Malimit mangga at bagoong ang hinahanap ng mga nanay, pero kay mommy Malyn Solocio Castanares, green apple ang hinahanap niya.

    Sopas at singkamas

    Ito ang pasalit-salit na kinakain ni mommy AshleyGail Dela Cruz. Kakaiba talaga!

    Manggang hilaw at buko

    Kakaiba man, madali namang hanapin ang cravings na ito ni mommy Gerry Lyn.

    Paksiw at milk tea

    Siyempre, hindi mawawala sa listahan ang milk tea. Maraming mga nanay ang Nagsabing ito ang hinahanap nila noong nagbubuntis sila.

    Adobong paa ng manok

    Ito ang pinaglihan ni mommy Lyka Geronimo. Kwento niya, nahirapan daw silang maghanap nito dahil may mga balita ng bird flu noong naglilihi siya.

    Manggang hilaw at spaghetti

    Kinakain daw ito ni mommy Nica Sayson nang sabay. Ayon pa sa kanya, kapag iniisip niya ito ngayon, hindi niya maintindihan kung bakit iyon ang hinanap niya. Pinaglihian din daw niya ang cookies and cream at chicharon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Napakaraming mga pagkain ang kinwento ng mga nanay na pinaglihan nila. May mga naghanap ng street foods, may mga gustong kumain ng kahit anong itim na pagkain, mayroong naghanap ng pagkaing violet at orange at iba pang mga kulay.

    Mayroon ding mga naghahanap ng pagkain pero hindi sila ang kumakain ng ipinapahanap nila kundi ang mga daddies. LOL!

    SATISFY YOUR CRAVINGS HERE:

    Kung mayroong nagke-crave ng pagkain, meron din namang nakaranas ng food aversion. Ito iyong maamoy mo pa lang ang pagkain, nasusuka ka na.

    Ikaw? Anong naranasan mo? Weird food cravings? O food aversion? I-share mo na 'yan sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles