postpartum depression,PPD,Tagalog,Smart Parenting Village,postpartum depression treatment,greener,Postpartum Depression Treatment | Smart Parenting,postpartum depression treatment, postpartum depression, PPD, new mom, depression,Ibinahagi ng isang miyembro ang karanasan niya bilang new mom at paraan niya bilang postpartum depression treatment.
PregnancyHealth & Nutrition

Ganito Nalampasan Ng First-Time Mom Ang Postpartum Depression At Minahal Muli Ang Sarili

Ibinahagi ng isang miyempbro ng Smart Parenting Village ang kanyang pinagdaanan.
PHOTO BYCourtesy of Kristinejoy Maco

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Kung new mom ka, lalo na kung sa unang pagkakataon, marahil nagugulat ka na hindi natatapos sa pagbubuntis at panganganak ang mga pagbabago sa iyong katawan at pakiramdam. Isa na diyan ang tungkol sa mental health, kaya kinakailangan ng postpartum depression (PPD) treatment.

"PPD is not an ARTE lang," ika nga sa post ni Kristinejoy Maco, 23, sa kinabibilangan niyang online parenting community na Smart Parenting Village. "Di biro pinagdadaan namin mga mommies na dumadaan sa ganitong sitwasyon. To all daddies and soon-to-be daddies out there, basahin mo 'to baka sakaling makatulong sa inyo mag-asawa."

Ano ang postpartum depression?

Isang "mood disorder involving intense psychological depression" ang PPD, ayon sa Merriam-Webster dictionary. Tipikal daw itong nangyayari sa loob ng isang buwan pagkatapos manganak at tumatagal ng higit pa sa dalawang linggo.

Dahil daw sa postpartum depression, kadalasang nahihirapan ang new mom na bumuo ng bond sa kanyang newborn at nakakaramdam siya ng "worthlessness" o di kaya "guilt." (Basahin dito ang tungkol sa mom guilt.) Nilalayo rin daw niya ang kanyang sarili mula sa kanino man (social withdrawal). Mainam na kumonsulta sa doktor para makumpirma kung dumananas ka nga ng PPD.

Personal experience sa postpartum depression

Sa kaso ni Kristinejoy, nagsimula ang kanyang PPD journey isang buwan pagkaraan niyang manganak sa baby girl niyang si Brianna noong November 5, 2020. Naging "halos sobrang mairitahin" daw siya at "lagi galit."

Kuwento niya sa SmartParenting.com.ph, "Worst kong na-experience halos muntikan na 'kong mag-suicide, gabi-gabi umiiyak. Sobrang nahirapan akong i-handle 'yun, kahit po asawa ko hindi n'ya ako maintindihan...Di kami nagkakasundo."

Ang nangyayari tuloy, sabi pa ni Kristinejoy, araw-araw silang nag-aaway ng partner niyang si John Brian "JB" Sacdalan Domingo noong mga panahon na iyon. Aniya sa kanyang post, "Konting bagay lang na di sundin ng partner ko, nagagalit na 'ko. 'Yung pasensya kong pagkahaba-haba nung dalaga pa ako, halos wala na, simula nung nanganak ako.

watch now

"At halos dumating na sa punto na nasasaktan ko si Jb dahil din sa katigasan ng ulo. Di nya pa kase ako naiintindihan nun. At kahit paulit-ulit ko syang sabihan, akala nya 'yung nararamdaman ko eh ARTE lang. Maski ako sa sarili ko, di ko maintindihan nun."

article image
Sabi ni Kristinejoy, focus siya sa pag-aalaga sa baby girl nilang si Brianna, habang si BJ ay nagtatrabaho bilang supplier ng beef at carabeef.
PHOTO BY Courtesy of Kristinejoy Maco

Paliwanag ni Kristinejoy sa amin, "Actually nung nagkasakit ako, nagpatingin ako at part daw po ng PPD ang mga nararamdaman ko."

Ang tinutukoy ni Kristinejoy ay ang pagkakaroon niya ng lactational mastitis mula sa breastfeeding. Para raw iyong pigsa, pero nabuo pa lang gatas na lumaki at naging dahilan kung bakit siya isinugod sa emergency room ng ospital.

Ang sabi nga raw ng tumingin sa kanya na si Dr. Noe Bacon, "Buti nadala ka agad." Kuwento kasi ng doktor na "'yung ibang pumupunta daw po dun halos nabubulok na ang breast, at kung di agad maagapan maaring matanggal ang isang breast." Kaya laking pasalamat niya kay Dr. Bacon, na talagang umasikaso sa kanya at sobrang bait pa raw.

Bukod sa iniindang lactational mastitis, nakadagdag sa pinagdadaang PPD ni Kristinejoy ang pagkakaroon ng stretch marks at paglobo ng kanyang katawan. Pero tinatagan niya ang kanyang loob at kusang ibinangon ang sarili.

Pagkalipas ng isang taon, naramdaman ni Kristinejoy na bumubuti ang kanyang kalagayan at bumalik ang pagmamahal sa sarili. Aniya, "Ako lang po nag-push na alagaan ang sarili ko at lagi kong iniisip anak ko...Wala po akong iniinom o kahit exercise, di rin po.

"Siguro isa sa mga nakatulong sa 'kin 'yung pagpapadede ko sa anak ko. 'Yun po 'yung isa sa dahilan ba't po bumalik 'yung timbang ko nung dalaga ako. Tanggap ko kung ano man po 'yung pagbabago sa katawan ko. Part 'yun ng isa na akong ganap na nanay."

Umayos din ang pagsasama nilang mag-partner at napagtibay pa nila ito "sa araw-araw na pagsubok na dumadaan sa 'kin" at sa sabay na pagpupunta sa simbahan at pag-iisip sa ang kanilang anak.

May mensahe si Kristinejoy sa mga kapwa niya new mom, lalo na kung nagkakaroon ng di pagkakaunawaan sa asawa o partner dahil sa pinagdadaanang PPD: "Laging magdadasal. Kahit gaano kahirap ang buhay, laging iisipin ang mga anak. Ang hiwalay ay di sagot upang masolusyunan ang problema.

"Ang problema hayaan lang na dumaan, lilipas din 'yan. Laging mag o-open up sa asawa. Ipaintindi kung ano 'yung nararamdaman. Maging malakas sa lahat ng bagay. 'Wag na 'wag susuko. 'Wag naten hayaan na talunin tayo ng mga pagsubok."

Postpartum depression treatment

Ang unang hakbang na dapat gawin ay magpatingin sa doktor, ayon sa mga eksperto. Bukod kasi sa PPD, may iba pang karamdamang nakapaloob sa Perinatal Mood and Anxiety Disorders (PMADs).

Ang baby blues syndrome, halimbawa, ay tumatagal lamang sa loob ng ilan pang mga araw o di kaya linggo basta bumalik sa normal levels ang hormones. Sabi ni Dr. Theresa Castillo-Masilungan, isang clinical psychologist, kailangan mo lang ang tulong at suporta ng iyong asawa o partner at iba pang miyembro ng pamilya, pati na ang iyong mga kaibigan, upang malampasan mo ito.

Pero ibang kaso raw ang PPD, kung saan kailangan talaga ang professional help para bumuti ang iyong kalagayan. Ito ang ginawa ng isa pang PPD survivor sa pahayag niya sa isang episode ng Calamansi Live Cast. Aniya, mahalaga na magkaroon ng acceptance sa pinagdadaanan at humingi ng tulong para sa postpartum depression treatment.

Basahin dito para sa karanasan ng iba pang mommy tungkol sa postpartum depression.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close