embed embed2
Malapit Na Ang Due Date? Listahan Ng Gamit Sa Panganganak
PHOTO BY iStock
  • Maraming pagbabago sa buhay ang dulot ng COVID-19 pandemic at mga hakbang para maiwasan ang pagkakasakit nito. Sa ospital, halimbawa, may mga bagong panuntunan na dapat alamin ng lahat, lalo na ng mga buntis na malapit na ang due date. Kaya mainam na gumawa na o i-review muna ang nagawa ng listahan ng gamit sa panganganak.

    Pack less” ang payo ng mga eksperto sa United States, sa pamamagitan ng What to Expect. Ibig sabihin, kaunti lang kesa sa normal ang mga dadalhin papunta sa ospital dahil limitado at kontrolado na ang pamamalagi doon. Kung walang komplikasyon mula sa panganganak ang ina at sanggol, pinapayagan na silang umuwi pagkaraan ng isang araw (kung vaginal delivery) o dalawa (kung C-section).

    Ganyan rin ang siste sa Pilipinas. Iwasan ang overpacking at iyong tamang dami ng gamit na pang-ilang araw lamang ang bitbitin papunta sa ospital. Alalahanin rin na isa lang ang puwedeng kasama ng buntis at hindi pa iyon makakapasok sa delivery room kaya hindi talaga rekomendado ang maraming dalahin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Basahin dito at dito ang karagdagang impormasyon tungkol sa panganganak sa Pilipinas

    What other parents are reading

    Listahan ng gamit sa panganganak

    Sa panahon na wala pang COVID-19, suhestiyon ni Aurelin Fernando, isang certified doula mula sa Gentle Hands Birthing Clinic, na maghanda ng tatlong di kalakihang bag imbes na ilagay lahat sa isang malaking bag. Paliwanag niya na ang unang bag ay para sa mga dokumento ukol sa panganganak at tinatawag na Daddy’s Bag o Labor Support’s Bag. Ang ikalawa ay Mommy’s Bag at ang ikatlo naman Baby’s Bag.

    Sa ganyang paraan, dagdag pa ng doula, mas makakaramdam ang buntis ng pagiging kontrolado at organisado kahit nagkakaroon na siya ng labor contractions. Magiging mas madali rin para sa kasama ng buntis na kunin ang mga gamit nang hindi na naghahalungkat pa. Ang listahan ng gamit sa panganganak ay nahahati sa tatlong lalagyan.

    Daddy’s bag o labor support’s bag

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Dito ilagay ang mga childbirth class certificate, manual, at notes. Isama rin ang listahan ng mga bilin ng doktor at mga gagawin ng hospital staff sa buntis para hindi magulat at mataranta sa mga mangyayari.

    Huwag rin kalimutan ang information sheet na naglalaman ng medical at menstrual history, pati na ang huling kinain ng buntis. Kung kinakailangan, mag-fill out na ng PhilHealth at medical insurance forms, at isilid dito. Idagdag na rin ang photocopy ng marriage certificate, para lang sa pagkakataong kakailanganin ito.

    Magdala ng eyeglasses, lalo na kung nagsusuot ng contact lens ang buntis dahil ipapahubad ito ng hospital staff. Bawal ang anumang alahas habang nanganganak, kaya sakaling may suot ang pasyente, tulad ng kanyang wedding ring, puwedeng itago dito para hindi mawala. 

    Importante ang lip balm, lip gloss, o kaya lipstick na may moisturizer para hindi matuyot at matuklap ang mga labi ng mangaganak habang nasa labor room na may dry air. Baka kailanganin din ang hair clip o head band. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Magbitbit lang ng labor aids, tulad ng hot water bag at massage tool, kung hindi puwedeng magamit iyong pag-aari ng ospital. Pero magdala ng libro o gadget para hindi ka mainip habang naghihintay contraction. 

    Dati, may mga ospital na pumapayag kasama ang asawa sa delivery room para mag-document. Sanay din ang mga nurses o doktor na sila pa mismo ang kukuha ng litrato pagkapangank. Pero dahil bawal na ang kasama ng buntis sa loob ng delivery room, kailangan itanong kung magagawa pa ba ito. Baka puwedeng ilagay na lang sa tripod ang smartphone o tablet para makakuha ng litrato o video.

    Para sa pasyente, magbaon ng gelatin o lollipop at sisidlan na cup o mug. May mga ospital kasi na “no eating or drinking” policy ang pinapairal at ang pinapayagan lang ay candy o ice chips. Para sa kasama ng pasyente, dagdagan ang baon na pagkain at inumin para hindi na lumabas at bumili. Baka hindi kaagad makabalik dahil na rin sa paghihigpit sa ospital.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Mommy’s bag

    Ihanda dito ang bathrobe, kasama ng breastfeeding-friendly na blusa o kaya nightgown. Piliin iyong puwedeng buksan sa harapan ng damit para hindi mahirapan sa pagpapasuso. Isama ang tsinelas, toiletries, sanitary napkin, o sleep mask. Huwag kaligtaan ang isusuot na damit pag uuwi na.

    Baby’s bag

    Naka-ready  na dapat dito ang tie-shirt ni baby, pati na ang diaper, booties at mittens, receiving blankets, cotton balls, at mild bath soap. Huwag na muna daw ang pacificer, sabi ni doula Fernando, para hayaang mabuo muna ang komunikasyon ni baby kay mommy.

    Isama sa listahan ng gamit sa panganganak ang face mask o face shield na susuotin ng pasyente at ng kanyang kasama papunta sa ospital. Pero para sa newborn baby, hindi rekomendado ng ilang grupo ng pediatrician ang paglalagay ng ano mang facial protective covering.  

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close