-
Bakit Malaking Problem Kung May Issue Ka Sa Thyroid At Buntis Ka
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Maraming pagbabago ang hatid ng pagbubuntis sa katawan ng isang babae. Ang pregnancy hormones na estrogen at human chorionic gonadotropin (hCG), halimbawa, ay pinapataas ang hormones na mula naman sa thyroid gland. Dito nagkakaroon ng problema sa thyroid kapag buntis na maaaring makaapekto sa mommy at kanyang baby.
Ang thyroid gland ay matatagpuan sa may leeg, sa bandang ibaba ng voice box. Kabilang ito sa endocrine system, na siyang gumagawa ng hormones sa katawan. Malaking papel ang ginagampanan ng thyroid hormones sa metabolism ng isang tao at ang paggamit niya ng energy sa katawan, maging sa kanyang temperatura, timbang, at cholesterol levels.
Inaayos ng thyroid-stimulating hormone (TSH), na mula naman sa pituitary gland sa utak, ang produksyon ng thyroid hormones. Magkakaroon ng problema sa katawan kapag hindi tama ang dami nito. Kung sobra, hyperthyroidism ang magiging sakit, at kung kulang naman, hypothyroidism.
Paliwanag ng What to Expect na kritikal lalo na sa mga buntis ang pagkakaroon ng mga ganoong sakit dahil importante ang thyroid hormones sa brain at nervous system development ng kanyang ipinagbubuntis. Sa first trimester kasi hindi pa buo ang thyroid ni baby kaya nakadepende pa siya sa thyroid hormones ni mommy.
Hyperthyroidism
Isa kada 1,000 buntis sa United States ang nakakaranas ng hyperthyroidism, ayon sa National Institutes of Health. Ito ang pagiging overactive ng thyroid gland kaya madami ang nagagawang thyroid hormones at bumibilis lahat ng functions sa katawan. Kadalasan sa mga buntis, ito ay sanhi ng autoimmune disorder na Graves’ Disease. Pero puwede rin naman dahil sa hyperemesis gravidarum.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKabilang sa mga sintomas ng hyperthyroidism:
- pagbilis ng tibok ng puso
- madaling pagkapagod
- pagiging nerbiyosa
- hirap sa pagtulog
- panginginig ng buong braso
- sobrang pagkahilo na may kasamang pagsusuka
- sobrang ganang kumain pero imbes na magdagdagan ang timbang ay nababawasan pa
Kapag hindi nagamot ang hyperthyroidism, maaaring magkaroon ng kumplikasyon sa pagbubuntis, gaya ng congestive heart failure, preeclampsia, at miscarriage. Ang sanggol naman ay baka ipanganak na premature at mababa ang timbang.
Ngunit kung meron na siya talagang Graves’ Disease o hyperemesis gravidarum bago pa mabuntis, maaaring gumaling siya sa alin man sa mga sakit na iyon dahil sa biglang pagbabago ng hormone levels sa katawan.
Hypothyroidism
Ito naman ang pagiging underactive ng thyroid gland kaya hindi sapat ang nagagawang thyroid hormones at bumabagal naman ang lahat ng functions sa katawan. Mas marami ang nagkakasakit nito sa United States pa din dahil dalawa hanggang tatlo sa bawat 500 na buntis ay apektado dahil naman sa autoimmune disorder na Hashimoto’s Disease.
Ang mga sintomas ng hypothyroidism ay hindi nalalayo sa pregnancy symptoms, tulad ng:
- sobrang pagkapagod
- panlalamig
- pagkamalilimutin
- pananakit ng muscles
- paglalagas ng buhok
- hirap sa pagdumi
- mabilis na pagdagdag ng timbang kahit kaunti lang kumain
- pamamanas lalo ng mga kamay at paa
May mga hatid na komplikasyon sa pagbubuntis kapag hindi ito nagamot. Maaaring makaranas ng preeclampsia, anemia, congestive heart failure, at miscarriage ang buntis, habang ang sanggol ay baka isilang nang premature at kulang sa timbang o baka maging stillborn.
Nakakaalarma ang problema sa thyroid pag buntis, lalo na ang hypothyroidism. “Complex” at “serious” ang paglalarawan sa isang pag-aaral, na may titulong “Maternal and Fetal Complications of the Hypothyroidism-related Pregnancy” at nailathala sa National Center for Biotechnology Information (NCBI). May kinalaman din daw ito sa pagtaas ng maternal morbidity, at perinatal morbidity at mortality.
CONTINUE READING BELOWwatch nowPostpartum Thyroiditis
Ang pamamaga ng thyroid pagkatapos manganak ay tinatawag na post-partum thyroiditis. Nararanasan ito ng 10 percent ng mga kababaihan sa United States, ayon sa Office on Women’s Health, ngunit hindi napapatignan sa doktor dahil kapareho ng “baby blues” ang sintomas. Kabilang dito ang sobrang pagkapagod at pagiging moody.
May dalawang phases ang sakit na ito, pero hindi naman lahat dumadaan sa parehong phase. Ang una ay nagsisimula sa una hanggang apat na buwan pagkapanganak at tumatagal mula isa hanggang dalawang buwan. Sa panahong ito, sintomas ng hyperthyroidism ang mararamdaman.
Sa ikalawang phase, na kadalasang nagsisimula mula apat hanggang walong buwang pagkapanganak, sintomas naman ng hypothyroidism ang mararanasan na tatagal mula 6 hanggang 12 months.
Hindi dapat balewalain ang mga problema sa thyroid kapag buntis at kahit nanganak na. Magpakonsulta sa doktor kapag may ibang hinala sa karaniwang pakiramdam na nararanasan. Dito malalaman kung ano ang tunay kalagayan at mabibigyan ng tamang gamutan.
What other parents are reading

- Shares
- Comments