embed embed2
'Non-Reassuring Traces': Ikinuwento Ni Arny Ross Kung Bakit Ang Planong SVD Ay Nauwi Sa CS
PHOTO BY Instagram/iamarnyross
  • Ibinahagi kamakailan ni Arny Ross, pati ang asawa niyang si Franklin Banogon, ang pinagdaanan nilang hirap para maipanganak ang kanilang panganay na tinatawag na nila ngayong Jordan Franco.

    Sa una sa serye ng Instagram posts ng mag-asawa sa kani-kanilang account, makikita sa mga litrato na kampante lang sila sa ospital room.

    Sabi ni Franklin na isang entrepreneur, sa caption ng kanyang post (August 2, 2022): "Selfie! Baka mamaya hindi na ntin alam ichura ntin sa mga kaganapan. Monitoring also baby’s heart rate and contraction."

    Sinabi niya rin na may dalang pangkulot ng buhok ang kanyang misis na artista ng GMA-7 "para awra pa rin habang umiire." Nakapag-dinner na rin sila, na may kasama pang milktea, bago dumating ang kanilang ob-gyn at "bago ang mga matitinding eksena!"

    Sa post naman ni Arny, proud niyang ipinakilala ang ob-gyn na ate niya rin, si Dr. Arby Jane Roque-Igualada.

    Kinabukasan (August 3), ikinuwento ni Arny sa dalawang magkasunod na post ang kanyang childbirth story. Aniya, plano nilang gawin ang spontaneous vaginal delivery (SVD). Ibig sabihin, hahayaan nilang lumabas si baby nang hindi gumagamit ang doktor ng instrumento.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bandang 11 p.m. daw ng nagdaang araw, pumutok na ang kanyang panubigan at nagkaroon na siya ng "good contractions." Sa simula raw, "kayang-kaya" pa niya ang sakit.

    Kapag tinatanong siya ng kanyang ate, na ob niya rin, ng ganito: "Masakit ba?," sasagot naman siya ng ganito: “Kayang kaya, hndi masakit." Nakaidlip pa nga raw siya, pero pag dating ng 4 a.m., doon na siya pumasok sa active labor.

    Lahad niya, "Shocks sobrang sakit naaaaaaa, oras oras pasakit ng pasakit lalo, parang naghihiwalay yung katawan mo sa sakit. Di ko n alam gagawin ko, d na ko mapakali, kakayanin ko pa ba to kako, parang hndi na!"

    Dagdag pa ni Arny, tungkol naman sa asawang si Franklin, "Thank God kasma ko s Bhabsi habang nag le labor, may napipisil, nakukurot ako bawat contraction."

    Pag-amin niya, "Ayoko umiyak kasi once mag start ung iyak ko tuloy2 na baka d ako makahinga lalo. Kaso nung every 2 minutes na ung contraction ko, ay grabe d ko madescribe na ung nararamdaman ko.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "Iniisip ko, pano nakayanan ng ibang Mommies to? Napakahiraaaaaaaaapppp!"

    Pero sabi raw ng kanyang ob, "I was doing good, the cervix is dilating. There’s a good progress daw."

    Dugtong niya, "I was brought to the labor room na for epidural anesthesia. Buti pwede pa c Bhab sa Labor room. It felt good. The contractions were coming in and it was not painful anymore. So I thought, okay na. But then……"

    Sa sumunod na post ni Arny, ikinuwento niyang dinala na rin siya sa operating room (OR). Kaya akala niya, "okay na, tuloy2 na to." Pakiramdam niya, "kayang kaya ko ung epidural, natakot lang ako nung una, tuloy2 ang contractions, wala na dn ako halos maramdamang sakit, excited na ko ilabas si Baby!"

    Pero sinabihan daw siya ng kanyang mga doktor na may problema, "non-reassuring traces." Kaya hindi nila mailabas si baby kahit sinubukan nilang gawan ng paraan.

    Isa pa, paliwanag ni Arny, wala ng "progress" sa kanyang pagle-labor. Hanggang 6 cm lang daw ang naabot niya. Doon na raw nagdesisyon ang kanyang mga doktor, kabilang ang kanyang ob at ate na, isailalim siya sa Cesarean section (CS) delivery.

    Pagbabalik-tanaw niya, "Sabi ko nun sa isip ko kahit ano na, basta malabas ko na si Baby! Good thing din kasi, his head was said to be malpositioned and he was 3.5kg!!!!"

    Komento niya sa kanyang panganay: "Wow, you’re so cute baby!!!!"

    Sa huli, nagbigay pugay si Arny sa mga kapwa niya mommy: "I just have so much respect for all moms who delivered via SVD or CS. Giving birth is just one of the many miracles in life!"

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    At para sa kanyang sarili at mga malalapit sa kanya: "Grabe nakaya ko to? Thank you Lord! We are so happy now that we are with our little one! After 9 months of carrying our Baby, after all the pain during my labor, ito na siya. Yakap yakap ko na!

    "Wala na lahat ng sakit, napalitan na lahat ng lakas. Salamat anak ko, binuo mo ko, kumpleto na ang buhay ko! Mahal @franklinbanogon , nakaya ko!"

    Read also: Cesarean Section Childbirth Delivery

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles