Isa ang vaginal discharge na nararanasan ng isang bagong panganak. Tipikal itong nararanasan dulot ng panganganak at hindi dapat ikabala maliban na lamang kung mapapansin na hindi na normal ang lumalabas sa iyo.
Gayunman kahit bago ang pagbubunti o panganganak nakararanas na ng vaginal discharge ang babae. May iba’t ibang kulay rin ito na nagpapahiwatig kung may problema ba o normal lamang:
Kulay ng discharged sa bagong panganak
Kulay dilaw, abo, o berde
Ipinapahiwatig nito na maaaring may bacterya o posibleng sexually transmitted infection (STI).
Kulay brown o pula
Karaniwang kaugnay ito ng iregular na regla o pagbubuntis o sa implantation bleeding. Ngunit kung hindi ka buntis at wala kang regla, maaaring indikasyon ito ng isang sakit o problema.
Kulay puti o clear
Ang ganitong vaginal discharge ay normal. Pero kung kulay puti pero makapal ang texture at nagdudulot ng pangangati, maaaring may yeast infection na nararanasan.
Kung yellow discharge pagkapanganak, normal ba ito?
Dumadaan sa maraming pagbabago ang katawan ng babae pagkapanganak at ang pagkakaroon ng yellow discharge ng bagong panganak ay normal lamang. Ang ganitong discharge ay bahagi ng pagpapagaling ng katawan matapos manganak. Isa itong normal na pagbawi ng katawan at pagpapanumbalik sa dati. Pagkalipas ng mga araw, ang light spotting na nararanasan ay maging creamy white o yellow discharge na dulot ng white blood cells na tumutulong sa paghilom ng lining ng matres o uterus. Maaaring tumagal ang ganitong discharge nang dalawa o apat na linggo. Mas matindi ito sa umaga o habang nagpapasuso.
Nangyayari ang prosesong ito dahil inilalabas ng katawan ang mucous membrane na nasa lining ng uterus sa panahon ng pagbubuntis. Nakatutulong din ito na bumalik sa normal na laki ang uterus.
RELATED: Dinudugo At Iba Pa Pagkapanganak? 5 Dapat Malaman At Gawin Tungkol Sa Postpartum Discharge
Mga dapat gawin kapag normal ang discharge sa bagong panganak
Gumamit ng pads at huwag ang tampons
Kung nakararanas ng ganitong discharge pagkapanganak, iwasan ang paggamit ng tampons. Gumamit ng pads lamang. Nakapagdudulot ito ng impeksyon o o pinsala sa vagina habang gumagaling. Mas mainam na gumamit ng maternity pads sa mga unang araw kung malakas ang discharge at normal na pads naman pag mahina na.
Lochia: Normal Discharge Pagkatapos Manganak
Ang pagdurugo pagkatapos manganak ay isang normal na discharge na nararanasan ng babae. Tinawatag na lochia ang vaginal discharge na ito. Ayon sa Cleaveland Clinic, taglay nito ang dugo, mucus, uterine tissue at iba pa na mula sa iyong uterus. May amoy rin ito gaya ng sa regla at tumatagal nang hanggang anim na linggo. Sa simula malakas ang pagdurugo ngunit paglipas nang mga araw unti-unti itong humihina hanggang sa mawala na. Normal ang lochia bilang bahagi ng postpartum na paggaling ng iyong katawan at hindi ito dulot ng anumang komplikasyon.
Nagkakaiba-iba rin ang histura ng Lochia sa bawat yugto nito:
1. Lochia Rubra
Ito ang unang bahagi ng vaginal discharge na ito. Matingkad ang kulay ng dugo at tumatatagal nang 3-4 na araw. Gaya ito ng mabigat na regla na may maliit na namumuong dugo. Makararanas din ng bahagyang pananakit ng puson.
2. Lochia Serosa
Sa ikalawang yugto na ito, kulang pinkish brown na ang discharge at hindi gaanong mabuo kundi mas malabnaw o matubig. Tumatagal ito ng 4-12 araw. Mahina na rin ang pagdaloy at wala na ring namumuong dugo.
3. Lochia Alba
Ito ang huling yugto ng discharge na ito na kulay yellowish white at kaunti na lang halos ang dugo, parang spotting. Tumatagal ito ng 12 araw-6 na linggo. Wala na ring namumuong dugo.
Posibleng dahilan ng hindi normal na discharge ng bagong panganak
Kung labis na malakas ang nararanasan na discharge at mahirap itong i-manage, dapat na ipaalam agad ito sa iyong ob-gyn. Dagdag pa kung ang discharge na nararanasan pagkapanganak ay kakaiba ang amoy o mabaho dahil posibleng may impeksyon. Bukod pa rito, kung may nararanansan din na:
- Pagkakaroon ng lagnat
- Pakiramdam na giniginaw o nilalamig
- Pagkahilo o pakiramdam na mahihimatay
- May pagka-green ang kulay ng discharge
- May pamamaga o kirot sa bahagi ng vagina
- Matinding pananakit ng balakang
- Paglabas ng malalaking buo-buong dugo
- Labis na mabilis na pagtibok ng puso
Gayundin naman abnormal na discharge na maituturing kapag sobrang mabigat o matindi ang pagdurugo o tinatawag na postpartum hemorrhage. Maaari itong maranasan ng bagong panganak kahit na vaginal o cesarean delivery. Narito ang ilang posibleng sanhi ng hindi normal na discharge:
Mga posibleng sanhin ng hindi normal na discharge sa bagong panganak
- Uterine rupture
- Uterine inversion
- Uterine atony
- Retained placenta
- Masyadong paggalaw at pagkilos
- Labis na stress
- Nanganak na ng ilang anak dati
Impkesyon sa uterus pagkapanganak
Sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng discharge ay posibleng sanhi rin ng impeksyon sa uterus. Ang impeksyong na nadedebelop pagkapanganak ay kadalasan na nagsisimula sa uterus. Maaaring nagmula ito sa pagpasok ng bakterya at ang mga nakapalibot sa uterus. Nagdudulot ito ng pananakit ng puson, pagkakaroon ng lagnat, at hindi kanais-nais na amoy ng discharge. Pagkatapos manganak, maaaring mahawa ng impeksyon ang matres kung may impeksyon din ang amoniotic sac na tinatawag na chorioamnionitis.
Walang dapat ikabahala sa discharge na nararanasan ng bagong panganak dahil normal ito. Ngunit kung mapapansing may kakaiba o hindi normal sa mga sintomas na mararanasan, agad na magpakonsulta sa iyong ob-gyn upang hindi lumalala ang kondisyon o anumang impeksyong kaakibat nito.