-
Dinudugo At Iba Pa Pagkapanganak? 5 Dapat Malaman At Gawin Tungkol Sa Postpartum Discharge
Nagbabago ang kulay at consistency ng discharge habang patuloy na nagre-recover ang iyong katawan mula sa panganganak.by Anna G. Miranda .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Ang lochia o vaginal discharge ay nararanasan ng isang babae pagkatapos manganak. Kombinasyon ang postpartum discharge na ito ng mucus, uterine tissue, at dugo mula sa sinapupunan. Paraan ito ng katawan upang mapalitan ang lining ng matres.
Maaaring tumagal ang pagdurugo sa loob nang ilang linggo at nagbabago rin ang kulay at consistency ng postpartum discharge habang bumabalik ang lakas ng katawan at naghihilom mula sa impact ng panganganak. Normal din na sobrang pagod ang mararamdaman dahil sa dami ng dugong nawawala sa iyong katawan.
Narito ang ilan pa sa mga sintomas ng postpartum bleeding:
- Lagnat
- Panginginig
- Mabahong amoy na iba sa regular period
- Hindi karaniwan ang lakas ng daloy ng dugo
Dapat tandaan tungkol sa postpartum discharge
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon sa National Childbirth Trust, ilan sa mga dapat tandaan tungkol sa postpartum discharge ang sumusunod:
Kulay at consistency
Mayroong tatlong uri ang lochia at makikita ito mula sa unang 3 o 4 na araw hanggang sa ika-12 araw:
1. Lochia Rubra
Iinitial discharge na matingkad na pula ang kulay. Magkakahalong mucus, tissue, at dugo.
2. Lochia Serosa
Lumalabas ito ilang araw matapos ang panganganak. Pinkish o kulay tsokolate ang discharge; mas marami ang serous fluid at nabawasan na ang dugo.
3. Lochia Alba
Lighter ang kulay ng discharge (dilaw o puti); maaaring tumagal sa loob ng ilang linggo o higit pa.
Duration
Posibleng tumagal ang pagdurugo sa loob ng 4 o 6 hanggang 12 na linggo o 3 buwan. Ayon sa mga pag-aaral at aktuwal na karanasan ng mga babaeng dumaan na sa panganganak, maaaring ganito ang maranasan:
Day 1: Heavy flow.
Mapupuno agad ang maternity pad sa loob lamang ng ilang oras. Maaaring may 1 hanggang 2 malalaking blood clots o maliliit na clots na makikita
CONTINUE READING BELOWwatch nowDays 2 to 6: Moderate flow
Merong 7 hanggang 12 cm na stains sa maternity pads at mas maliliit na blood clots.
Days 7 to 10: Hindi na gaanong malakas ang pagdurugo; 7 cm o mas maliit pa na mantsa sa ang makikita sa maternity pads.
Days 11 to 14: Lighter flow
Maaaring wala ng gaanong pagdurugo at walang stains sa pads.
Weeks 3 to 4: Paler, creamy white blood loss. Mas mahina na ang daloy ng dugo.
Weeks 5 to 6: Brown, pinkish red, o creamy yellow stains. Maaaring tumagal nang ilang linggo.
May mga isinagawang pag-aaral tungkol dito na nagpapakitang nasa 27 araw tumatagal ang lochia. Normal din sa postpartum discharge ang pagkakaroon ng intermittent spotting o bleeding.
Blood clots
Banggitin sa iyong doktor kung nakararanas ng blood clots upang maagapan ang anomang mas seryosong medical conditions.
Mahalagang sabihin sa midwife o sa iyong doktor kung may lumalabas na malalaki at namumuong mga dugo upang maagapan sakaling may mas seryosong kondisyong medikal. Kung maraming dugo ang lumalabas sa unang 24 oras, agad ding magpa-check up sa doktor
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRisk factors
Bago manganak:
- Naunang postpartum hemorrhages
- Body mass index (BMI) na mas mataas sa 35
- Twin o triplet pregnancy
- Low-lying placenta (placenta previa)
- Placenta na maagang natanggal (placental abruption)
- Pre-eclampsia o high blood pressure
- Anaemia
- Growths sa loob o sa paligid ng sinapupunan (fibroids)
- Pag-inom ng blood-thinning medication
- Blood clotting problems
Habang nanganganak:
- Caesarean section birth
- Induced labor
- Retained placenta
- Episiotomy
- Forceps o vacuum-assisted vaginal delivery (ventouse) birth
- Mas matagal sa 12 oras ang labor
- Sanggol na mas mabigat sa 4 na kilo (9 lbs)
- Unang beses na manganganak sa edad na mahigit 40
- Mataas na temperatura habang nanganganak
Blood loss
Sa panahong ito, nagri-release ng oxytocin ang katawan. Dahil dito, nagko-contract ang sinapupunan at nagri-release ng dugo nang mas mabilis.
2. Gentle exercise (lounges)—maaaring mas dumami o lumakas ang daloy ng dugo
3. Posisyon sa pagtulog—Karaniwang mas malakas ang pagdurugo sa umaga dahil sa posisyon sa pagtulog.
Tips para sa new moms
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW1. Paghandaan ang postpartum discharge nang maaga.
Sa oras na mag-e-empake ka pa lang para sa hospital bag mo, isipin na ang mga kakailanganin sakaling dumanas ka ng pagdurugo matapos manganak. Mas mainam ang paggamit ng maternity pads kaysa sa menstrual pads dahil mas absorbent ang mga ito.
Mas naghihilom din ang erya sa pagitan ng vagina at anus nang wala gaanong irritation.
2. Mahalagang i-monitor ang dami ng dugo o sitwasyon ng postpartum discharge sa mga unang linggo matapos manganak.
3. Mahalagang mabawasan ang risk ng impeksyon. Palaging maghugas ng kamay bago at pagkatapos gumamit ng banyo. Regular ding magpalit ng maternity pad.
4. Self-care at personal hygiene
Mahalagang mapanatili ang kalinisan ng katawan sa postpartum period.
Iwasan din muna ang paggamit ng tampons dahil ito ay nakapagpapataas sa risk ng impeksyon.
5. Iwasan muna ang mabibigat na gawaing-bahay at iba pang pisikal na aktibidad
Treatment para sa postpartum discharge
1. Pagmasahe sa tiyan
2. Injection upang mag-contract ang uterus
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW3. Sapat na pahinga at hydration
4. Mga gamot para makontrol ang labis na pagdurugo at pag-iwas sa impeksyon
Narito ang ilan sa mga gamot na inirereseta ng mga doktor:
- Pain relievers
- Hemostatic agents
- Antibiotics
Sisiguraduhin din ng doktor na nakalabas na ang lahat ng placenta. Maaaring may general anaesthetia sa procedure na ito.
Dadaan ka rin sa blood tests. Kung mayroong impeksyon, nagrereseta ng antibiotics a analgesics ang doktor.
Home remedies para sa postpartum discharge
Narito ang ilan sa puwedeng mong gawin para maibsan ang postpartum discharge:
Halamang gamot
Mayroong mga kilalang halamang gamot para sa ganitong kalagayan katulad ng shphered’s purse, yarrow, at witch hazel. Pinaniniwalaang nakatutulong ang mga ito sa mas mabilis na paggaling at recovery at sa pag-control sa vaginal bleeding.
Diet
Tandaan ding mahalaga ang well-balanced diet na mayaman sa nutrients at minerals katulad ng iron, Vitamin C, at iba pang antioxidants.
Exercise
Pelvic floor exercises ang inirerekomenda. Isa rito ang Kegels. Pinalalakas ng ehersisyong ito ang pelvic floor muscles na nakapagpapabuti rin sa daloy ng dugo at nakatutulong sa restoration ng bladder control. Nababawasan din nito ang risk ng pelvic organ prolapse.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHigit sa lahat, napakahalaga ng emotional support mula sa asawa, pamilya, at mga kaibigan sa panahong ito. Karaniwan kasing mayroon ding emosyonal na challenges na pagdaraanan ang isang babae pagkatapos manganak. Kasama rito ang anxiety, postpartum depression, mood swings, at iba pa.
Mahalagang tandaan na hindi ito kailangang pagdaanan nang nag-iisa. Agad na lumapit sa mga propesyonal na makapagbibigay ng medical advice at treatment.
Kailan dapat komunsulta sa doktor?
Hindi dapat mag-alala kung may nararanasang postpartum discharge dahil normal ito. Hindi ka man komportable sakaling dumaranas nito, mas mainam kung magsasaliksik tungkol dito at makikipag-ugnayan sa iyong doktor.
Laging makipag-usap sa iyong doktor sakaling may masakit o kakaibang mga sintomas na nararanasan. Agad nang pumunta sa doktor kapag napansin mo ang sumusunod na senyales ng impeksyon o iba pang medical condition katulad ng postpartum hemorrhage:
- Napakalaking blood clots (kasinglaki ng lemon o mas malaki pa)
- Matinding pagdurugo o heavy flow
- Mabahong amoy
- Hirap huminga
- Pagkahilo
- Mabilis na tibok ng puso
- Pagsusuka
- Lagnat at panginginig
- Pamamaga sa pubic area o perineum (sa gitna ng vagina at rectum)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng pagkonsulta sa healthcare providers tungkol sa postpartum discharge ang makapagbibigay ng holistic na treatment para sa iyo at makatutulong na mas makapag-focus ka sa pag-aalaga sa iyong baby. Tandaang ang inyong kalusugan at positibong disposisyon ang pinakamahalaga sa panahong ito.
Basahin dito ang iba pang nangyayari sa postpartum body.
What other parents are reading

- Shares
- Comments